Chapter 2

3 0 0
                                    

Maecy's POV

Pag pasok namin sa classroom ang tahimik ng mga classmate ko.

"GOOOD MORNING CLASSMATES!" Masigla kong bati sakanila para naman ma-cheer up sila. Pero wala man lang ni isang taong lumingon sakin.Nakayuko lang ang karamihan sa kanila na para bang tahimik na umiiyak yung iba naman ay nakatitig lang sa labas! Seriously?? Di ba talaga nila ako papansinin?? Napatingin ako kay Dean pero dumeretso lang sya sa upuan nya!

Nilapitan ko sya. Sya lang kasi yung pumapansin sakin!

"Hoy! Anong nangyari sakanila? Bakit di nila ako pinapansin?" Tanong ko sakanya at umupo sa tabi nya. Wala naman syang katabi eh! Sya lang kasi yung naka upo sa pinakadulong row. Di sya umimik.

"Hoy!" Yinugyog ko sya sa balikat. Tsk! Ang arte nito.

"Tumahimik ka nga! Ewan ko. Di ko din alam! Mag kasama nga tayo kanina diba? Kaya tumahik ka nalang. Baka di kana nila gusto!" Walang ganang sabi nya tsaka sya yumuko sa desk nya.

Tumahimik nalang din ako. Pinag masdan ko yung mga classmate ko. Walang ka buhay-buhay yung classroom tila ba nag luluksa din tulad ng mga mukha ng mga taong nasa loob nito. Hindi naman sila ganito ah! First time kong makita ang mga classmate ko na tahimik. Sa pag kakataong to parang gusto kong makita yung classroom nato na may buhay, na puno nang tawanan at kwentuhan namin na kahit ang teacher na nasa harapan wala ding magawa kong hindi matawa sa tuwing may mag bibiro na isa samin.

Bakit sila nang ka ka ganito? Ano ba talagang meron?? Nung pumasok yung teacher namin ganun parin sila ni hindi nga nila binabati eh. Nag taka na talaga ako ng pagtingin ko kay Maam Venise maga din yung mukha nya.

Nabigla naman ako ng tumayo si Dean at nag pa alam na mag c-cr daw! Walang gana lang na tumango si Ma'am ni hindi nga sya natuwa na kompleto kami eh! Nakakapanibago. Pag kompleto kasi kami natutuwa si maam venise at nag lalaan sya ng oras para makapag kwentuhan kaming lahat.

"Ahmm." Napatingin kaming lahat sa harapan nung tumikhim si Ma'am Venise.

"Class, alam kung nabalitaan nyo na yung nangyari kay Maecy. Pero, cheer-up class. Alam nyo namang ayaw ni Maecy na nakikitang ganyan kayo diba?" Naiiyak na sabi ni ma'am sa harapan.

Ako?? Di ko alam kung anong pinag sasabi ni ma'am venise. Hahaha, nandito kaya ako! Nandito ako sa klase nya.

May tumulong tubig sa pisngi ko. Kinapa ko yun, tubig nga. Pero san galing to? Tumingala ako pero wala naman.  Namalayan ko nalang na galing pala sa mata ko yun ng may sumunod na pumatak sa pisngi ko.

"Ipag dasal nalang natin sya." Maikling sabi ni ma'am tsaka sya lumabas sa room. Pero nakita kung nag pahid sya sa pisngi nya nung hindi pa sya nakakalabas ng room.

Nung pag ka alis ni ma'am, dun naman nag simulang umiyak yung mga babae kung classmate pati na pala yung mga lalaki pero hindi lang sila nag papahalata.

Nilapitan ko sina Shane at Nikki. Sila kasi ang pinaka malapit talaga sakin.

"H-hey g-guys, nandito pa naman ako oh! Bakit kayo umiiyak?" Tanong ko nung pagka lapit ko sa inuupuan nila. Pero di nila ako pinansin patuloy parin sila sa pag iyak.

"H-h-hey g-guys di n-nako n-natutuwa!" Nauutal kong sabi, patuloy pa din yung pag agos ng luha ko. Di parin nila ako pinapansin.

"Hahahaha! Okay na." Sigaw ko.

Pero wala pa ding nag babago sa mga reaksyon nila.

"UY. TAMA NA ANG BIRUAN! HAHAHA. MA'AM VENISE BUMALIK NA KAYO SA LOOB! ALAM KO NA YUNG PLANO NYO. DI NAKO NATUTUWA!" Malakas na sigaw ko na pati yata sa buong 3rd floor rinig yung boses ko.

Pero wala pa ding nakikinig sakin. Di parin nag babago yung pwesto nila!

"G-GUYS NAMAN OH! PANSININ NYO NAKO!" Sigaw ko ulit pero wala talagang lumilingon sakin ni isa sa mga classmates ko wala. Dun nako napahagulgul. Bakit walang nakakarinig sakin? Hahaha! Ang galing lang talaga nilang umakting.

"SHANE. NIKKI. JOHN. PATRICK! UY GUYS NANDITO AKO! BAKIT DI NYO KO NILILINGON." Sigaw ko ulit pero wala talagang lumingon maski isa sa tinawag kong pangalan.

Natapos yung buong klase na wala ng pumasok na teacher pag katapos ni Ma'am Venise. Buong oras ko lang pinag mamasdan yung mga kaklase ko. Wala ni isang bumaba nung nag break at nag lunch para kumain.

Si Dean??

Di na sya bumalik nung nag paalam syang mag c-cr lang daw sya. Hahaha. Yung mokong na yun hindi parin nag babago!

Tanggap ko na din na hindi nila ako naririnig o nakikita. Pero ang hindi ko tanggap ay yung nagkaka ganito sila nang dahil sakin.

Pero teka?

Bakit ako nakikita ni Dean kung multo nako? Bakit sya lang ang nakakakita sakin? Hindi naman kami close, bakit hindi nalang isa kina Shane,Nikki,John o si Patrick.

Umuwi ako sa amin. Pero ganun parin. Hindi nila ako pinapansin,walang nakakarinig sakin. Nakita ko naman si mama sa kwarto ko. Yakap-yakap yung paborito kung teddy bear.

Naphagolhol ako sa sitwasyon nila ngayon sa mga taong iniwan ko.

Hindi ba pwedeng mag paalam muna ako sakanila? Para hindi sila ganya'ng nahihirapan.

Lumapit ako kay mama at niyakap sya pero wa epek yun dahil dumaplis lang ako sakanya. Bakit hindi ko sila mahawakan? Bakit si Dean nahawakan at nakikita ako? Bakit yung mga taong gusto kung makita at marinig nila ako hindi?

Wala akong nagawa kundi ang tignan ang mga taong importante sakin na umiiyak ng dahil sakin.

Hahahaha. Masamang panaginip yata toh! Pwde bang gisingin nako ni mama? Ang tagal ko yatang tulog at ang taas na nang panaginip ko.

Pero wala ako sa panaginip. Bakit nandito parin ako kung patay na pala ako? May mission ba ako dito?

Kung meron nga! Then I need someone's help. And I know who can help me through this.

Dean Vincent Jones.

[A/N : Sorry ngayon lang yung update. ]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ghost PresidentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon