You're Beautiful (One-shot story)

6.5K 174 75
                                    

A/N muna: This is based on a true story. Pati pangalan dyan totoo. Wala lang, share ko lang. HAHA. dedicated to Rei. hihi beb! kaw na talaga! 

________________________________________

 You're Beautiful 

written by Tiffany/stainless_pen ♥

Ang buhay ko’y maningning.

                I have God, I have my family, I have my friends. Sila yung nagpapaningning ng buhay ko. Pero nung nakita ko siya, feeling ko nagblur lahat ng nasa paligid. Tila gumunaw ang mundo at kami nalang dalawa ang natira sa kalawakan.

Ang pagmamahal ko’y wagas.

                 Wala akong sandata para lumaban para sa pag-ibig, pero pramis, to the power of infinity. Mahal ko siya.

Ako’y nakakita ng anghel

            Gwapo, magaling sumayaw, magaling kumanta, magaling magdrawing. COMPLETE PACKAGE. Yung tipong nganganga ka nalang.

Dyan, sigurado ako.

                       SIYA ANG FIRST LOVE KO.

 

My life is brilliant.

My love is pure.

I saw an angel.

Of that I'm sure.

 

“Rei! Gora tayo sa foodcourt! Ginugutom ako eh.”

 

“Hala bigte na friend. Ang lakas kaya ng ulan sa labas. Pano tayo makakatawid nyan? Eh parang may instant fish pond sa baba oh.”

 

“Gusto mong lumangoy friend? Tamang-tama may dala kong swimsuit!”

 

“Magsolo ka friend. Papalakpakan nalang kita. Tumbling ka lang dyan. Magpapacheering squad ako dito kung gusto mo.”

Kasalukuyan kaming nasa classroom ni Chesca. 2nd floor ng building namin. Hinihintay na humupa ang ulan. Bored na ako, siya gutom. Pero wala kaming magagawa. Ang lakas talaga ng ulan at medyo mataas na yung tubig.

Maya-maya pa, hindi na namin natiis. Lumangoy na kami. joke! Dahan-dahan nalang kaming lumakad dun sa higher part ng sahig na hindi masyadong naabot ng tubig at tumawid na kami papuntang foodcourt. Muntik na akong madulas pero buti nalang may nagligtas sa akin na kuya. Infairness, gwapo siya. Oh my gash, gwapo siya teh! GWAPO!

Matapos naming kumain, ayun, back to trapped situation. Ang lakas parin ng ulan. Kinalaunan, medyo humina na kaya nagtry akong lumabas ng food court. Sumunod din si Chesca na medyo tahimik na kasi halatang busog.

“Oy friend loooooook!” nabigla nalang ako nang bigla akong hatakin ni Chesca at tinuro yung something na nasa gilid. Ay, hindi pala something. It’s “someone”. Someone I’m attracted to. And someone whom I fell in love with. Ignoranteng talong, bakit sa ganitong sitwasyon pa siya nagpakita kung saan haggard na haggard ang face ko at mukha pa akong basang sisiw? Kainis, wrong timing po crush!

You're Beautiful (One-shot story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon