Chapter 2: Si JC at ang Sorpresa

37 5 1
                                    

"Alduesa!" Sigaw mula sa loob ng doctor's lounge.

"Naaaaaaako. Ano nanaman ba ang ginawa ko?" Kinamot ko na lang ang ulo ko. Kakapasok ko lang eh may sumisigaw na agad para sa akin. Ano tingin nila sa akin utusan dito? Hay nako times 1000 talaga. "Ano po yun Dr. Calin?"

Si Esmeralda Calin ang head administrator ng hospital na ito. Madaming takot dito at ayaw na ayaw ng mga kapwa niya doctor o mga nurse may na mapatawag sa opisinang ito. Grabe. Bakit ako tinawag? Dumaan pa kasi ako sa lounge eh andun pala ito. Kapag minamalas ka nga naman wala ka na ngang tulog mapapagalitan ka pa.

"Bakit nandito ka?" Nakatuon ang mga mata nito sa mga log sheets na nakalagay sa lamesa nito.

"May shift po ako ngayon, nalate lang ako kasi napasobra ako ng tulog. Sorry po" tumitig na lang ako sa sahig parang may magagawa naman kung mag-explain pa ako ng bongga.

Katahimikan.

Tik-tok-tik-tok...malakas pa ang tunog ng relo sa pader.

Kailan ba ito magsasalita?

Nakakainip.

"Aalis na ang head ng cardiology department..." Hindi pa rin ito tumitingin sa kanya.

"Si Dr. Rodriguez? Oo nga po, natuloy po siya sa pagpunta sa States diba?" Habol ko sa sinabi niya.

"I'm reviewing your log sheets, your medical reports, hours of work and all other credentials. You're up for the job of head of the Cardiology Department, Josephine. If this was a scoring game 9/10 ka na while the others are just trying hard to reach the mediocre grade of 5/10. I'm betting my finger na when the time comes na kailangan na naming mag-meet ng board of directors ay ikaw din ang mailalagay sa posisyon. The youngest as a Department Head. Congratulations!" Ngumiti si Dra. Calin, ngumiti siya so ibig sabihin sa hinaba-haba ng sinabi niya ay totoo yun.

Totoo na mapopromote ako. Magiging Department Head ako. Wow.

Isa...dalawa...tatlo...sandali lang mahihimatay ata ako. Nako. Totoo ba?

"Aaaaaaaaaaah! Oh my gooooooooooosh! Salamat mo ma'am...di pa man final salamat na po agad! Salamata po" kulang na lang ay magwala ako sa loob ng doctor's lounge. Ilang kakilala ko na nga rin ang sumugod sa loob upang silipin kung anong nangyayari sa akin.

Isa...dalawa...tatlo...nanginginig ang tuhod ko.

Just one more minute, just a few more seconds. Kaunti na lang siguro naman ay magsisink-in na ang nararamdaman ko. Iba yung feeling. Para kang binigyan ng isang milyon medyo daig pa nga eh. Nanalo ako ng jackpot x 100. Nanalo ako. Nanalo ako, at least dito naranasan ko yun.

"Bakit ka nga pala andito Dra. Alduesa? Hindi ba't sabi mo nag-24 hours ka na shift kahapon? Superwoman ka ba at kung makapagtrabaho ka ay parang wala ng bukas? Umuwi ka na. I'll have someone cover your shift"

"Okay lang ako Dra. Calin, sobrang okay ako" hindi ko mapawi ang ngiti sa mukha ko. Aba. Iilan lang ba sa mundo ang nakarinig ng ganun kagandang balita? Ha? Diba iilan lang?

"You go home or I'll fire you. Go!" May pananakot ang boses niya kaya medyo napawi ng kaunti ang saya ko. Hala. Nagalit ata. Makaalis na nga.

"Sabi ko nga po, mauna na po ako. Salamat po uli!" Eh para akong nasa sound of music nung makalabas ako ng doctor's lounge. I'll hop and then I'll skipp then I'll jump. Nababaliw na ata ako.

Sa sobrang kasiyahan na ito ay bigla kong naalala yung maliit na papel sa table ko sa clinic sa west wing ng ospital. Madali akongtinakbo iyon at kinuha. Wala akong nakapilang pasyente kasi di ko consultation day. Naupo ako at tiningnan ang listahan kong iyon.

May ishahshare ako sa inyo...nakakahiya, ang tanda ko na may bucketlist pa ako. Ginawa ko ito nung retreat ng batch ko bago kami grumaduate ng Pharmacy. Ay nako, eto na:

1. Be a doctor, no excuses. Be one.

2. Celebrate New Year and kiss someone in Times Square.

3. Visit all the provinces of the Philippines.

4. Go parasailing.

5. Feed the poor for your birthday.

6. Have your own place.

7. Watch a drive in movie.

8. Travel to Costa Brava.

9. Ride the rollercoaster in Johannesburg.

10. Fall in love and get married.

Para sa akin, simple lang tong mga pangarap ko. Akalain mo yun, after 9 years na may natutad naman pala ako.

#1 check.

#3 check (nung bagong pasok pa lang ako ng Med school kada may free cna araw book ako agad ng flight, book ng book hanggang kaya and after 9 year I managed to cover all 82 provinces).

#4 check.

#5 check.

#6 check (isa sa mga una kong ginawa noong makapagtrabaho ako, di naman sa tinataboy ako ng magulang ko pero siyempre kailangan ko din namang tumayo sa sarili kong mga paa kaya bumili ako ng isang lote sa isang kilalang subdivision at unti-unting ipinatayo ang dream house ko)

#7 check.

#8 check.

#9 check.

Wooooooow. Nagawa ko na pala halos lahat maliban na lamang sa dalawa. Parang binutas ang puso ko sa mga natira. Akala ko kasi ito yung madaling magawa, hindi naman pala. Dati nung nasa college ako madami namang pumuporma sa akin, nanliligaw eventually pero di ko sinasagot. I was too bound by my dream to be a doctor. Pangarap muna bago ang love life (big mistake). Ngayon naman na super success ang career ko, nasusuportahan ko ang pamilya ko sa kahit na anong luho, napag-aaral ko yung mga pamangkin ko sa ate kong batang nag-asawa at kayang bilhin halos lahat ng gusto ko pero ang nag-iisang kulang na love life ang tanging di na kumatok uli.

Sorry ah, anlabo kong magkwento. Para kasing wina-washing machine ang utak ko eh. Kaloka. Makauwi na nga, matutulog ako at pagbali galing sa school nung dalawa kong pamangkin ay aayain kong mag-dinner baka tumuwid ang pag-iisip ko kapag nakatulog ako. Sige!

------------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Hay nako, pati ulo ko sumasakit dahil kay Josephine. Sa next chapter medyo ikukwento ko kung gaano ka-OA (Over Achiever) yang si JC. Kinareer ang studies yan at malapit nang mapag-iwanan ng huling byahe ng tren ng pag-ibig.

The Playboy and His MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon