Chapter 3: Ang OA (Over Achiever) na si JC

35 3 0
                                    

"Tita, andito na kami!" Rinig ko ang sigaw ni Shane mula sa living room. Ang lakas talaga ng boses nito.

"Andito ako sa taas!" Balik na sagot ko.

Apat na taon nang nakatira sa akin ang dalawang kong pamangkin na ito. Si Klyde at si Shane. Maaga nag-asawa ang ate ko na matanda sa akin ng 9 years kasi nabuntis noong patapos na ng Mass Communications sa UST. Pinakasal si ate kay Kuya Sherwin agad, malaking kasal kasi may kaya naman talaga si Kuya Sherwin nagtatrabaho na kasi at malaki na ang kita. 7 years ang tanda ni Kuya kay Ate, eh peg nila ang true love daw. Nako, ansaya ni Ate kasi lahat ng parte ng dream wedding niya ay natuloy. A few months after, ipinanganak ang kambal na si Shane at Klyde. Mula noong namalengke medyo nagbago na si Kuya Sherwin, lagi ng mainit ang ulo at palagi na silang nag-aaway ni Ate. 11 years old na ako nun eh kaya medyo naiintindihan ko na sila.

Patong-patong na problema ang pumasok sa pagsasama nila...

1. Nalaman ni Ate na di siya ang unang asawa ni Kuya Sherwin.

2. Okay na sana na 2nd wife si Ate pero yun pala di pa hiwalay si Kuya at ang 1st wife nito.

3. Aba't nagiskandalo si number 1 sa bahay namin.

4. NAPAHIYA ANG PAMILYA NAMIN.

5. Bigamy ang kasal ni ate at kuya so...plak, hiwalay agad.

6. Muntikan nang patayin ni Papa si Kuya Sherwin (SAYANG).

Kaya naman pala wala halos tao sa side ni Kuya Sherwin nung kasal at parang may malaking sikreto yung magulang niya nung kasal.

Di lang yan, nabaliw ata si Ate...

1. Di na inaasikaso ang mga anak niya, ayaw din naman kunin ni Kuya sina Shane at Klyde kasi nasibak pala sa trabaho.

2. Nagbisyo na.

3. Umiiyak na lang bigla.

4. Biglang hahanapin si ex kuya-in-law ko at gugustuhing makipagbalikan.

5. Pabaya na sa sarili.

To top it off pa, biglang nawala si ate. As in...poooooof! Wala na. 8 years after bumalik na may kasamang batang babae, si Hikari daw. Anak niya...anak nanaman niya. Halos mabaliw na ang magulang ko nung makita si Ate aba'y kung di ko pa pinigil eh naulila na yung tatlong bata kasi hahabulin na ni Mama ng taga si Ate. Nakakaloka ang pamilya ko.

"Tita, bakit ang aga mo ata ngayon?" Tanong ni Klyde sa akin.

"Kasi pinauwi ako ng boss ko para magpahinga..."

"May sakit ka ba Tita?" Umupo sa tabi ko si Shane, nag-aaral ito ng Nursing kasi balak ding maging doktor.

"Okay lang ako pero kailangan nating mag-celebrate kasi..."

"MAY BOYFRIEND KA NA TITA?!?" Sabay na tanong ng dalawa.

"Ano ba kayo, patapusin niyo kasi ako. Kinausap ako ng head administrator and I'm up for the position of Head of Cardiology. It's not yet final but Dra. Calin said I was the best choice"

"That's great Tita! Congrats!" Isang yakap at halik sa pisngi ang ibinigay ng dalawa sa akin. Iba talaga ang feeling ng saya na nakukuha ko sa dalawang ito.

"So, dress your best and we'll eat out. You guys choose where we go. Meet you back here in 40 mins okay?"

"Tita, may mga kailangan kasi akong bilhin para sa project ko. Okay lang ba na bilhin natin mamaya?" Nahihiyang sabi ni Shane. Hanggang ngayon, hindi pa din sanay ang dalawa na manghingi sa akin kasi alam nila ang kwento ng nanay nila.

"Shane, diba binagyan ko kayong dalawa ni Klyde ng credit card para bumili na lang kayo ng kailangan niyo agad? Para di ka nadedelay dahil sa paghihintay sa akin?"

"Yes Tita pero, di ko pa kasi nasabi sayo at sobra na yung ibinibigay niyo sa amin"

"Shane, I took on this responsibility and besides sa inyo din naman talaga pupunta ang pinagtatrabahuhan ko. Bata pa lang kayo parang anak na turing ko sa inyo so tama na yang hiya na yan. Okay? Pero sige, ilista niyo na ni Klyde ang kailangan niyo para mabili na natin. Okay?" Nginitian ko siya.

"Yes Tita, thank you!"

So...back to the story of my sister.

Yun nga umuwi kasama ni Hikari na anak ng isang Hapon, one year old pa lang ito noong time na unang dinala siya ni Ate dun sa bahay. Kakasimula ko lang nun sa Med School at medyo galit sa ate ko. Ako na halos ang tumayong nanay sa kambal, sina Mama ang nagpaaral sa kanila na noon ay parehas Grade 3, matatalino ang mga ito kaya di nakakapanghinayang ang pag-aralin sila.

Nung bumalik si ate, sinabi niya na nag-Japan siya at nabuntis. Bumalik siya para ipaalam na magpapakasal na uli siya. Iniintay ko na hanapin niya ang dalawang bata pero wala. Ni nga kamustahin ang mga ito di niya ginawa. Galit na galit ako sa kanya nun.

Paano niya natitiis ang dalawang bata?

Bakit di niya man lang hanapin o kaya ay kamustahin niya lang?

Isa...tuloy pa din ang pagkukwento niya tungkol sa kasal na gagawin pala sa isang linggo.

Dalawa...puro si Hikari, anak niya din naman si Shane at Klyde ah.

Tatlo...isang malakas na sampal ang iginawad ko sa mukha niya.

"Bakit mo g-ginawa yun?" Gulat na sabi ng ate ko.

"Masakit diba? Imagine mo kung ano naramdaman ko, ni Mama, ni Papa at ng

dalawa mong anak nung bigla ka na lang nawala? Di man lang namin alam kung

buhay ka pa. At ngayon di mo man lang kakamustahin ang kambal? Alam mo ba na

hinahanap ka nila? Lumaki sila na kami ang nandito. Tapos ngayon parang yang si

Hikari ang anak mo? Alam ba ng mapapang-asawa mo na may kambal ka?"

Nanginginig ako sa galit nung matapos ako.

"Hindi, anak sila ni Sherwin. Di ko sila anak. Pumunta lang ako dito para imbitahin

kayo. Para ihatid ako ni Papa at Mama. Di ko kayo pinipilit. I won't be back to

bother anybody" iyon na ang huli kong kita sa ate ko pero walang pagsisisi.

Mula noong makatapos ako ng Med School, pumasa sa board with a spot sa top ten ay inako ko na ang pagpapaaral sa dalawa. Ngayon ay parehas na silang 18 years old. Si Shane ay kumukuha ng Nursing at si Klyde naman ay kumukuha ng Engineering sa parehas na University. Actually maswerte ako sa dalawang ito. Di sayang ang ginagastos ko sa kanila, besides sabi ko nga sa kanila naman talaga nakalaan ang pinatatrabaho ko ngayon eh.

"Tita, ready na po kami!" Katok ni Klyde sa pintuan ng kwarto ko. Isang bulaklaking bistida at isang pares ng pulang pumps ang isinuot ko. All natural lang ang hitsura ko, nakababa ang maghaba kong buhok at manipis lang na layer ng make up. Grabe, ilang taon na ako na parang may anak talaga at di na nakakalabas. Kaya ako walang love life eh. Umiwas ako kasi may responsibilidad na ako.

"Tara na, sakay na kayo. Saan niyo ba gustong kumain?" Binuksan ko ang sasakyan.

"Sa Meza na lang Tita sa may Tomas Morato. Okay lang ba?" Tanong ni Shane sa akin.

"Oo naman, oh sumakay na kayo para pumunta na tayo dun. Dala niyo na ba yung listahan ng kailangan niyo?"

"Yes Tita, let's goooooo!"

----------------------------------------------------------------------------------------

AUTHOR'S NOTE:

Sorry ang gulo ko na ata magkwento. Kailangan kasi makita to eh, kailangan nakita yung concept ng buhay ni JC. May effect yun sa takbo ng story kaya medyo maigsi pa ang chapters eh. Kilalanin muna natin si JC.

XOXO

royal_golden

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 28, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Playboy and His MatchTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon