Title: Salamat Bakasyon! Pinagsulat mo ako! *Bow*
May 2013
Hindi pa rin natatapos ang nakakabagot at napakahabang bakasyon.Isa rin akong estudyante katulad mo.Bilang estudyante,karapatan kong magpahinga upang makapag relax naman ang utak kong hindi napapagod kakaisip kay crush at laging bugbog sa iba't-ibang lectures,quizzes,examinations at pananalangin na sana makakuha ako ng mataas na grades(kahit papaano nakakuha naman).Masyadong mainit ang panahon kumpara sa nagdaang taon.Nakakatamad gumalaw dahil mainit ang sikat ng araw at wala rin akong masyadong ginagawa.Ayokong manood ng TV,paulit-ulit din ang mga kantang pinakikinggan ko,hindi rin makalakwatsa dahil walang pera,walang baon at paulit-ulit na rin ang pagbabasa ko ng mga librong paulit-ulit ko ring nakikita."Nakakabato na" ang sabi ko sa sarili ko.Matik na yon!Umisip ako ng pwedeng pagkaabalahan o kaya pwedeng mapagtripan, magpaiyak ng bata, maggitara, maggala kung saan saan ng walang pera,mangholdap(joke) at sa wakas nakaisip ako ng paraan!Hinanap ko yung lumang notebook na kakaunti lang naman yung naisulat ko(Filipino subject,Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik at kahati pa nun yung Social Dimensions of Education).Nakita ko rin!*ngisi*Color Red,HOTS COLOURS yung tatak manufactured by Consolidated Paper Products,Inc.(CPPi) at walang spring,yarn-made na!Mura lang P10.00.Hindi rin mawawala ang paborito kong ballpen na PANDA sa pagsusulat.Semi-gel ink with 0.5 ball point na masarap isulat.Mura lang din ito P6.00-P7.00.
MAY 2013 (Ilang oras ang nakalipas...)
Matapos kong punitin lahat ng pangit kong drawings(medyo lang naman) at lahat ng nakasulat doon,bigla ko nalang naisip na magsulat.Hindi ko sineryoso yun nung una pero hindi nagtagal hindi ko parin sineryoso at sa bandang huli ako rin ang talo,sineseryoso ko na pala ang pagsusulat ng hindi nalalaman.Seryoso na akong magsulat!Pero hindi seryoso ang pagsusulat sa akin.Pero kalaunan seryoso na din sa paraang........sa......pa....pa....paraang.......OOOOPS!!!! *SPOILER* (Hindi ko muna sasabihin sayo...para malibang ka na magbasa!)
Sa Mambabasa,
Anak,tutal naumpisahan mo na ito,basahin mo na!Sayang naman kung hindi mo mababasa ang mga makukulay na ikukwento sa iyo ng manunulat nito.Isipin mo sana na nagmamakaawa na yung nagsulat ng librong ito sa iyo.
Nagmamahal,
KONSENSYA
BINABASA MO ANG
Ha? Bakit? Ano Yun? Meganon?
Non-FictionSa isang pangkaraniwang araw, may isang taong nakatunganga at wala siyang ginagawa, hindi naman badtrip, bigla na lamang napaisip at sumulat ng kung ano-ano sa isang lumang notebook na nakakalat sa kanilang bahay. Sa ngayon, matataka ka, mapapaisip...