Pinoy!#5 Magpapalusot Ka Pa?

51 0 0
                                    

"palusot na dre..........."

     Matapos kang gumawa ng kabaliwan, kalokohan, ka*angahan, ka*aguhan at nasabihan o nasermonan ka ng taong na"bad-trip" sa ginawa mo hindi mo talaga maiiwasang magpalusot....

     Isipin mo LATE ka o kaya naman ABSENT..

.

.

Magpapalusot ka sa teacher mo hindi ba?

dahil traffic!, inutusan muna!, emergency(ng sinungaling), obvious na hindi naman nagkasakit(LBM, Lagnat, Sakit sa BULSA!) at iba pang klase ng mga pagpapalusot na alam mo para makalusot lamang kay teacher.

.

.

Hindi lang sa guro pwedeng makalusot... Kahit kanino pwede Kay nanay, tatay, ate, kuya, kapatid, kapit-bahay, lolo, lola at kahit sa aso!(dahil kahit magnanakaw NALULUSUTAN na yan ngayon!)

Napakagaling nating mga Pinoy sa pagpapalusot! Hindi ba? Pero alam mo bang ang pagpapalusot ay isang KASINUNGALINGAN?(OBVIOUS HINDI BA?)

Sabi nga nila...." ANG SINUNGALING AY KAPATID NG MAGNANAKAW!"

[SIPUNING BATA ON BACKGROUND: Hala! Nagsinungaling ka! Lagot ka kay Papa Jesus! Hindi ka na makakapuntang langit!]

.

.

Magaling ka bang magdahilan para makalusot?

Dahil tao ka at tao rin ako, narito ang iba't-ibang klase ng taong magaling magpalusot:

Si EYES ROLLER: Ang taong ito ay baguhan pa lamang sa pagpapalusot dahil kahit ikaw ay mahahalata mo siya na GUMUGULONG-GULONG ang mga MATA niya at alam mo na nagsisinungaling siya *eyes rolling* at ang kadalasang edad ng mga eyes lorel este roller ay nasa anim na gulang pababa.

UNIQUE TALENT: *EYES ROLLING* at kung minsan ay may BEAUTIFUL EYES pa! *blink* *blink*

Si ANO!..AT YUNG ANO!...: Tulad din ni eyes roller, medyo may alam na sa pagpapalusot ngunit sablay parin. Alam kong may kilala kang taong ganito magpalusot dahil kadalasan sila yung mga taong elementary pa lamang hangang 4th year high school.

UNIQUE TALENT: Ang magsabi ng "Si ANO kasi e! Ang tagal! May INAANO pa daw sya! Tapos INAANO ko rin yung ANO namin.."(kadalasan dyan nahuhuling nagsisinungaling/nagpapalusot si ANO!..AT YUNG ANO!..)

Si THE ALTERNATIVE: Sila yung mga taong medyo matured na magpalusot at magsinungaling dahil hindi mo ito mahahalata agad agad. Masayahin siya at marunong mag SALESTALK dahil ang gawain niya ay ang SUMEGWAY para magpalusot. INI-IBA ANG USAPAN! yan ang powers niya! Walang pinipiling edad ito ang requirement lang ay magaling ka MAGPALIT NG TOPIC.

UNIQUE TALENT: Sorry late ako mga classmate! Oyy! Nakita ko si Deniel Pedelle Cute niya super! Kumusta ginagawa niyo? Nasilayan ko na naman si Crush friend! (CHANGE TOPIC CHANGE TOPIC!)

Si PASALUBONG MAN/WOMAN: Matindi rin sa hindi basta-bastang palusot ang ginagawa ni pasalubong man/woman!. Mukhang ito yung klase ng tao na magpapalusot dahilmay malakas itong karisma na tinataglay, ni hindi na nito kailangan pang magsalita.... MAY DALA NA ITONG PASALUBONG AT MABABALING ANG ATENSYON MO DITO(Masarap ba yan?) walang pinipiling edad ang taong ito basta may malaki kang pera sa bonggang pasalubong para magpalusot yakang yaka!

UNIQUE TALENT: WALA! PERA LANG TALAGA!

Si DRAMA KING/QUEEN: Mala-BLOCKBUSTER ang taong ito kung magpalusot dahil tiyak 100% mo siyang sasang-ayunan sa kanyang sinasabi dahil minsan maluha-luha pa itong magsinungaling o magpalusot. No age limit, kung artista ka mas OK!..

UNIQUE TALENT: MAY PAMBIHIRANG GALING SA PAG-ARTE!..

Si SERIOUS ONE: Ang pinakamatinding tao kung mag palusot! Siya yung taong mukha seryoso at hindi mo makikitaan na nagsisinungaling o nagpapalusot dahil nakukuha nitong makipag-debate sa taong hindi naniniwala sa kanya, malalim ang mga salitang binibitawan na akala mo ay sumali sa balagtasan. Hindi ordinaryong tao si SERIOUS ONE dahil 1 lang sa 10000 na tao sa Pilipinas ang may ganitong angking galing sa pagpapalusot.

UNIQUE TALENT: POKER FACE! NO EMOTION!

Ayos po ba?

Comment po maam/sir!

vote na rin po!

Follow na me ha? XD

paki plug naren po XD XD

Ha? Bakit? Ano Yun? Meganon?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon