So, what's the game plan?
By group of four or five!
Nice suggestion pero-
Ayoko na!!!
Napatingin kaming lahat sa presidente ng organization namin na kasalukuyang nakaupo sa sahig at umiiyak.
Wala na tayong ligtas, mamamatay na tayong lahat. Sabi pa niya habang nanginginig at yakap-yakap ang kaniyang laptop. Pinapakalma naman siya ng kaniyang mga kaibigan.
Alam mo, walang maitutulong yang pagngawa mo dyan. Naiinis na sabi naman ng presidente ng klase namin.
Sad to say but, she's right people. Mamamatay na tayong lahat. Bulong ng isa kong kaklase habang hawak-hawak ang tinidor niya. Seriously? A fork? Napailing na lang ako dahil sa nangyayari sa klase namin ngayon. Napaupo ako sa sulok habang hinihilot ang sentido ko. Hindi ko maisip na maaari pa lang magkatotoo ang dati-rati'y kasama lang sa 3am thoughts ko.
Napahinto kaming lahat sa mga ginagawa namin dahil may kung anong bagay ang humahambalos sa pintuan na para bang winawasak ito. Naging alerto ang mga lalaki at inihanda ang kani-kanilang mga panlaban. Nakakalungkot mang isipin pero kung kayo ang maipit sa ganitong sitwasyon, kahit anong bagay ang makita mo, paniguradong gagawin mo ring panlaban iyon.
Seryoso Joshua? Stirring Rod? Natatawang tanong ni Lorenz sa kaniya.
Gago, ikaw kaya ang lumapit at magbukas ng pintuan? Naaasar naman na sagot niya sa presidente ng klase. Nanahimik naman si Lorenz at tila nakiramdam na lang din tulad namin dahil sa patuloy pa rin ang ingay na nagmumula sa labas ng silid.
Guys, wag niyo nang buksan please?
Oo nga, safe na tayo dito.
Paano pag isa yan sa mga-
Binuksan ni Joshua ang pintuan at iniluwa ang kaklase naming si Leo na puro mantsa ng dugo ang uniform.
Tangina tol, buhay ka pa? Muntik pa kitang masaksak ng stirring rod. Ayos ka lang? Kamusta sa labas? Sunud-sunod na tanong ni Joshua sa kaniya na may pinaghalong tuwa dahil nakabalik siya ng buhay at inis dahil pinag-alala siya ng matalik na kaibigan.
Tu...tubig. Nanghihinang wika ng binata. Inihiga siya ng mga lalaki sa gitna ng classroom at pinainom ng tubig. Nagsipagtabi naman sa gilid at likod ang iba habang ang apple of the eye ng class 4D ay simulan nang i-interrogate.
Anong nangyari? Wala na bang tao sa labas?
Yung mga professors?
Yung mga janitors?
Sunud-sunod na mga tanong ng iba kong mga kaklase na hindi naman niya sinasagot. Masyado nang umiingay sa loob ng classroom at di magtatagal...
Tangina tol, sumagot ka! Sigaw ni Joshua at lahat kami'y nagulat dahil sa pagsampal niya sa kaniyang kaibigan.
Bago pa tuluyang may mangyaring di inaasahan, tumayo ako at nilapitan sila sa gitna. Kinuha ko sa kamay ni Joshua ang stirring rod na kanina pa niya hawak-hawak.
Ang ingay niyo na masyado. Malamig na wika ko sabay saksak sa mukha ni Leo gamit ang stirring rod. Sinaksak ko siya nang sinaksak sa ulo at nagtalsikan ang dugo niya sa mukha ko at sa uniform na suot ko. Nang makuntento ako ay lumapit ako kay Dominic upang kuhain ang tinidor na kanina pa niya hawak-hawak at sa huling beses, isinasaksak ko ito sa mata ni Leo na lumuwa at nagpagulong-gulong sa sahig. Tumayo ako at pinahid ang nagtalsikang dugo sa aking mukha. Nang tingnan ko ang mga kaklase ko, lahat sila ay mga nakanga-nga at nanlalaki ang mata na tila di makapaniwala sa aking nagawa.
Tangina mo. Di makapaniwalang sabi ni Joshua at umiiling-iling pa. Pabalik na sana ako sa pwesto ko kanina nang sugurin niya ako ng suntok. Mabilis akong nakailag at tinilapid ko ang kaniyang paa na ikinabagsak naman niya. Binigyan ko lang siya ng isang ngiti at tahimik na bumalik sa pwesto ko. Lahat ng mga mata sa loob ng classroom ay nakatingin sa akin..pati na rin yung matang natanggal kay Leo at para bang naghihintay ng paliwanag kung bakit ko nagawa ang bagay na iyon.
What? He's infected for fucks sake.

BINABASA MO ANG
Class 4D and The Outbreak
HororIsang normal na araw para sa Class 4D... Ang karamihan ay nakikinig sa leksyon ng kanilang professor. Ang iba'y nag-uusap nang tahimik sa isang sulok. Ang iba nama'y pasimpleng gumagamit ng kanilang mga gadgets at ang iba'y konti na lang at makakatu...