Jed's POV: Part 3

3.4K 89 6
                                    

Takot. Kaba. Pagkabahala. Yan ang naramdaman ko sa oras na narinig ko ang mga salitang binitiwan ni Jhoanne. Siguro kahit si superman pa ako matatakot pa din ako kapag si Elize na ang pinag-uusapan. Kung anu-anong tumatakbo sa isip ko at para na kong mababaliw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pero isa lang ang alam ko--kailangan ko na mailigtas si Elize, kailangan ko syang mailayo kay William.

Kung anu-anong ginawa ko pero hindi ako makapag-isip hanggang sa maalala ko yung tracking device na nilagay ko sa bangka na iyon. Pang emergency use yun pero hindi ko inakala na ngayon ko na gagamitin yun. Ginawa ko lahat hanggang sa ma-locate ko na kung nasan sila. Nung nakarating ako dun inabutan ko ang takot na takot na si Elize at ang demonyong si William. Hindi ko napigilan ang sarili ko, sinuntok ko ng sinuntok ang demonyo. Siguro nga kung wala si Elize baka nakapatay na ako. 

Halata din ang takot at kaba ni Elize pero napawi ang lahat ng iyon nang makita nya ang anak namin. Siguro iba talaga kapag anak mo na ang makikita mo, parang mawawala lahat ng problema. 

Naiwan kami ni Elize sa sala para mag-usap pero hindi ako makapagsalita. Masyado akong nag-alala, sa puntong ayoko syang kausapin dahil para akong sasabog sa sobrang dami kong nararamdaman. Iniisip ko pa rin  paano kung hindi ako dumating on time, paano kung hindi ko naisipan na lagyan ng tracking device yung boat, paano kung.....

"Jed, please talk......." basag nya sa katahimikan.

Napatingin ako sa kanya at tuluyan ko ng hindi napigilan ang sarili ko, sumabog ang lahat ng emosyon na nararamdaman ko.

"What am I suppose to say Elize? You don't know how mad I was when I knew that you went with William. I thought I'd go crazy."

Natahimik sya sandali sa sinabi ko.

"I'm sorry, I didn't know." parang batang sabi nya.

"But you should have listened to me." pagdidiin ko.

"I'm sorry..."

"Elize I know that I'm shaking you from the shell that you've created for a long time to protect yourself from being hurt and I know that you want to stay away from me, but can you please listen to me sometimes? I know you are a strong woman, you were even able to handle raising Jar alone, but not at all times that you must depend only in yourself. We're here for you, know that?" sa tindi ng nararamdaman ko hindi ko napigilan ang katawan ko na manginig habang sinasabi ito.

Tahimik lang syang tumatango sa mga sinasabi ko. Alam ko kahit hindi nya sabihin na alam nyang mali sya sa nangyari kaya hindi na sya sumubok na makipag-argumento. Alam ko din na nagsisisi sya at matuto na syang makinig simula ngayon, hindi man tungkol sa relasyon namin pero at least kahit sa ganito makikinig sya. 

Yun nga lang sa sobrang dami ng mga bagay na nangyari nakalimutan naman namin ang anak namin. Nakalimutan namin ang family day na ipinangako namin. Hindi man sabihin ni Jar ang nararamdaman nya dahil sa hindi namin pagpunta at pagkalimot dito alam ko na nalulungkot sya, yun kasi dapat ang unang family day na kumpleto ang pamilya nya--may nanay at tatay na kasama.

Gaya nga ng sabi ko ayoko na nakikita ang anak ko na nalulungkot kaya gumawa ako ng paraan para makabawi sa kanya-gumawa ako ng sarili naming family day. Wala man kami sa school nya para ipakita na buo ang pamilya nya at least nandito kami para iparanas sa kanya na buo ang pamilya. Di bale sa susunod na family day sa school nila sisiguruhin ko na nandun na talaga kami at makaka-attend kami ng buo. Hindi ko na hahayaan na maranasan ulit ni Jar na hindi kumpleto ang pamilya.

Nag-enjoy kami. At para sa araw na yun sobra akong naging masaya, sana nga lagi na lang ganun  eh. Kung papayagan lang sana ni Elize sisiguraduhin ko na lagi kaming ganun, masaya at walang inaalala. Siguradong may mga maliliit na bagay kaming pag-aawayan pero hindi ko yun pababayaan para mamagitan pa sa amin.

TOP SECRET: J. Villaflor's JournalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon