Ilang araw nang lumipas, maraming bagay nang nangyari, pero hanggang ngayon wala pa ring nagbabago. Ramdam na ramdam ko pa rin ang pader na nakapagitan sa amin ni Elize. Unti-unti gumagawa ako ng paraan para mapalapit sa kanya pero kahit ano pa yatang gawin ko wala paring epekto. Kahit anong lapit kasi ang gawin ko sya din namang layo nya. Hindi ko na nga alam kung anong gagawin ko pero alam ko din naman na hindi ako pwedeng sumuko dahil hindi ko kaya.
Sa pagtuloy ko dito pilit kong kinikilala ang bagong Elize, kung ano ang mga nagbago sa kanya, kung ano ang nanatili sa kanya, kung ano ang mga ayaw nya at gusto nya, pero sa kasamaang palad sobrang onti pa lang ng nalalaman ko sa kanya, umiiwas kasi sya. Pero siguro okay lang at least kahit papaano may nalalaman ako sa kanya kahit paunti-unti.
Kabaligtaran naman ang kay Jar, dahil kung lumalayo sa akin si Elize sya namang pag lapit ni Jar sa akin, at yun ang isa sa mga bagay na sobrang nagpapasaya sa akin. Iba pala talaga yung feeling na nakikita mo yung anak mo--masaya--sobra. Yung kapag tumatawa sya o ngumingiti may kung ano kang nararamdaman sa loob mo na nakakapagpasaya din sayo. Kung alam ko lang sana noon pa ako nagtino edi sana ayos na ngayon ang lahat.
May isang beses na nawalan ng kuryente dito, hindi ko naman alam na takot pala sa dilim ang anak ko kaya napatakbo agad ako sa kwarto nya. Pati si Elize nataranta at agad na sumunod pero pag dating nya medyo kalmado na si Jar. Ang hirap, nakakataranta, marinig yung natatakot na iyak ng anak mo parang kaya kong gawin ang lahat para lang mapatahan sya at mapalitan ng tawa ang iyak nya. Mabuti na nga lang at napakalma din agad sya ni Elize, mas lalo tuloy akong humanga sa kanya. Nung gabi na yun natulog kami na parang masayang pamilya, ang laki tuloy ng ngiti ko sa labi nung oras na yun.
Kinaumagahan nagising ako na ang magandang mukha ni Elize ang nasa harap ko, ang ganda na sana ng umaga ko kung hindi lang sya sumigaw dahil nawawala si Jar. Hayy, ang bata talaga na yun napakapasaway! Yun pala kasama na ang mama ni Elize sa garden, sayang tuloy yung moment namin ni Elize kanina.
Nung mga sumunod na araw siniguro kona lagi kaming nagkakasama ni Elize, as in magkasama. Lagi ko din syang sinasabayan sa pagkain, ang pabaya kasi nun sa sarili pagdating sa pagkain kaya sinisiguro ko na nakakain sya ng maayos tsaka syempre mas napapalapit ako sa kanya. Okay naman na sana kung hindi lang umentra si Anna, ewan ko din kung bakit pero parang nag-iiba lagi ang aura ni Elize pag nandyan sya. Minsan nga iniisip ko baka nagseselos si Elize pero mukhang malabo naman yun.
"Bakit ganun Elize? Nababaliw na ba ako kasi nasa tabi lang kita pero ikaw pa din ang iniisip ko. Nasa tabi lang kita pero pakiramdam ko ang layo-layo mo sakin." sabi ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero parang naibuhos ko lahat ng emosyon na nararamdaman ko sa mga salita na yun.
Hindi ko sya nakikita pero naramdaman ko na hindi sya makakilos. Para syang naestatwa at hindi nya alam kung ano ang dapat gawin. Gusto kong tumigil pero may nagsasabi sa akin na samantalahin ko na ang pagkakataon at sabihin ko na ang lahat ng gusto kong sabihin.
"Elize why does it feel like there is a wall between us and because of that wall you feel very distant. Can't you break that wall? So I can at least come close to you?"
Sana kahit papaano makarating sa kanya lahat ng gusto kong sabihin. Sana kahit papaano makalusot sa harang na ginawa nya lahat ng emosyon na nararamdaman ko. Sana kahit papaano maantig ko yung puso nya, kahit kaunti lang.
Pilit syang kumawala sa yakap ko pero ayoko syang bitawan. Dahil alam ko kahit papaano nagagalaw ko na ang harang na itinayo nya sa pagitan namin.
"Jed ano ba?!"
"No Elize, makinig ka." Pagmamakaawa ko.
"AYOKO! Ayoko ng makinig sayo. Ano bang pinagsasasabi mo? Ginugulo mo lang ang utak ko."