panaginip

20 2 6
                                    

Monday mourning. Yeah mourning nga, kasi namatayan kami ng kapitbahay, i mean tapatbahay pala kase as in sa tapat mismo ng bahay at tapat na tapat sa kwarto ko 😭
So ayun kumakanta yung taga Joces funeral homes hanggang alas tres kaya di ako nakatulog.

Mag uumaga na nun, mga alas sais na ata , may nakita akong lalake na nakaupo dun sa labas ng bahay nung namatay kong kapitbahay. Namukhhan ko agad sya, si Dan, na pinagmove-onan ko kahit hindi naging kami. Huhuhu 💔

Pagkababa ko sa kwarto ko, busy sila mama sa paghahanda. Tinanong ko kung bakit ay aalis na pala yung isa kong ate 😭 shet oo nga noh, ngayon pala yun, hindi ko naalala. Bongga naman nila nagpadespedida pa, namatay na nga kapitbahay. Well wala namang law na bawal eh. Kaya sige.
Sobrang daming foods. Why the hell, eh kami kami lang naman. Di pumunta mga pinsan ko eh. Tapos nung inutusan ako may kunin sa second floor ng bahay namin, biglang nagtatambay si dan sa may hagdanan 😰 ??
"Dafuq, bakit sya andito?" sabi ko sa utak ko. Kasi di naman kami close. Hahaha kingina never ko pa sya nakausap, kasi as in hanggang crush lang tapos nakamove on na ako sakanya kase nga may crush syang iba. Nabasa ko sa post nya. Hays saklap naman kingina, at yung crush nya, kaibigan ko pa. . . Yung palagi kong kasama 😣😣

Pagkababa ko galing 2nd floor ay inutusan ulit ako. Putangina. Utos sila ng utos eh kagigising ko palang, di pa nga ako nag aalmusal eh.punyeta.
Edi pinabili ako sa tindahan ng magic sarap. Kingina nyang magic sarap, sinisira nya buhay ko. Joke, hahaha pagkabalik ko galing tindahan eh nakaabang si dan sa may gate namin. Tapos bigla akong kinausap. Ewan ko ba, bigla akong kinabahan at parang may sumikip sa dibdib ko sabay sabi nya " HAHAHA ikaw yung nagtatawag sa pangalan ko lagi diba? Pero di kita pinapansin. " -dan
Oona. Shet ka, kailangan harap harapan real talk?! Hahaha syempre sa sobrang gulat ko at kaba eh di tanging "gago hahaha" lang ang reply ko sakanya. Grabehan yan. Tapos bigla nalang syang pumasok sa bahay namin, AT NAKIKAIN. HAHAHA ewan ang weird. Tapos bigla nalang sila naging close ng papa ko pati mga ate ko. Ewan ko pano nangyari yun kasi akala ko papagalitan ako, hindi naman kasi nagdadala ng lalake sa bahay namin kase pagkakamalan nilang boypren ko at pag nangyari yun papalayasin na ang maganda si layla tapos mawawala na wifi then di na ako makaka update. Sad lyf. Pero hindi yun ang problema. Kasi ymgustong gusto nila si dan. Shet naman, bat naunahan pa nila akong makaclose yung crush este ex crush ko.

So ayun, naging close rin kami, sabay kami nakikilamay hanggang alas tres tapos sinasakay nya ako sa kotse nya mga ganun. Parang bestfriend ba.

Tapos bigla akong nagising. 😭😭😩😩😣😣💔 PUNYETA!! KUNG SINO MAN YUNG MAIINGAY JAN SA BABA NG KWARTO KO PUNYETA KAYO!! Sinolip ko sila sa may bintana at ang puta , naggagagamba sila, yung derby punyeta. Nakita nila akong nakasimangot kaya nanahimik sila.

bumalik ako sa kama ko at pinilit na makatulog para maituloy yung panaginip. Kaso nga ayaw na eh, habang pinipilit ko eh nasasaktan ako sa katotohanang panaginip lang yun at malayong malayo na mangyari sa katotohanan. Pero dahil masokista ako, at sanay na sanay nang nasasaktan eh pinipilit ko paring ituloy yung panaginip na kahit sa panaginip lang eh naging close kami...

 Pero dahil masokista ako, at sanay na sanay nang nasasaktan eh pinipilit ko paring ituloy yung panaginip na kahit sa panaginip lang eh naging close kami

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Author's note: ang tanong bakit sya biglang makikikain? Di ba sya nahihiya uy . Eh di pa naman kami gaanong close.

MALAMANG KASE PANAGINIP LANG. MARAMING PWEDENG MANGYARI SA PANAGINIP, KAHIT ANG PINAKAWIRDO O DI MO MAIMAGINE AY NANGYAYARI DUN. KASO NGA LANG PAGKAGISING MO EH TATAWANAN MO SARILI MO KASI NAG ENJOY KA, PERO PANAGINIP LANG PALA. 💔

Masokista ModeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon