Part 30

24.4K 531 6
                                    

"HOY! Ano pa'ng nililingon-lingon mo d'yan?! Ginising-gising mo ako! Tinanggal-tanggal mo pa 'yang bra mo tapos 'di ka naman nagku-concentrate sa pagturo sa 'kin!" Marahas na kalabit ni Bearlan kay Tiffany. Nasa tabi ng dagat na sila at ready na ang binata. This time ay buo na rin ang loob nito na subukang lumusong sa tubig. Kakalabanin na nito ang takot nito sa dagat.

"Si Rick kasi parang kanina ko pa hindi napapansin? Hindi ba niya tayo sasamahan?" may pag-aalala sa tonong tanong ni Tiffany. Palinga-linga siya. Hinahanap ng tingin niya ang tinukoy na binata.

"Hayaan mo siya. Come on, let's start."

Lumakad na sila palapit mismo sa may tubig.

Palingon-lingon pa rin si Tiffany sa likuran na napapakamot sa ulo. Nag-aalala kasi siya na baka nagalit o nagselos si Rick sa inasal niya sa kuwarto kanina. 'Yong nakita nitong yakap siya ni Bearlan.

"Bakit kasi hindi mo lang naisip na may relasyon nga pala sina Rick at Bearlan. Ang tanga-tanga mo talaga kahit kailan! Tss!" guilty na asik niya sa sarili.

"Hindi ka ba nag-aalala na baka masama ang loob niya?" tanong niya ulit kay Bearlan.

"What do you mean?" Kunot-noong isinuot ni Bearlan ang sunglasses nito. Tirik na kasi ang araw, at lalo itong gumwapo. 

Ang yummy talaga ng binata. Pero sa ngayon ay deadma siya sa kaguwapuhan nito. Mas nananaig ang kaba sa dibdib niya para kay Rick. Hindi niya intensyon na saktan ito. Nagti-trip lang siya kanina.

"Kasi nag-aalala ako, eh. Baka iba ang naisip niya sa ginawa ko kanina."

"Alin? 'Yong paghubad mo ng bra mo?"

"Oo saka pati 'yong pagyakap mo sa 'kin." Nag-pout siya. Ayon na naman ang kilig niya.

"Hayaan mo siya." Pinisil ni Bearlan ang nguso niya na tinabig naman niya.

"Ano ka ba? Baka makita niya tayo? Baka ano ulit ang isipin niya," saway naman niya.

"Sabing hayaan mo siya, eh. I'm pretty sure wala 'yon sa kanya."

"Pa'no mo nasabi? Syempre karelasyon mo siya. Syempre masasaktan 'yon. Ikaw wala ka talagang pakialam sa damdamin ng iba."

Napailing na lang si Bearlan. "Ay naku, halika na nga!" Hinila na siya nito para magtigil siguro siya sa kakaputak.

"Ano ba? Seryoso ako." Pero piksi niya pa rin. Binawi niya ang kamay at tiningnan nang masama ang binata. "Hanapin natin siya. Magpapaliwanag ako. Baka nagselos 'yon o ano."

Umikot ang eyeballs ni Bearlan na napamaywang. Ang kulit talaga ng babaeng 'to! 

"Sige na kasi." Niyugyog niya sa manggas ng damit ni Bearlan. "Baka ano gawin n'on, eh."

"Drop that drama, crazy wench! How many times do I need to tell you na okay lang 'yon?! Ilang ulit ka ba ipinanganak at ang kulit mo?! Baka nag-iikot-ikot lang 'yon sa tabi-tabi! Naghahanap ng chicks!"

Awtomatiko na napa-"Huh?!" siya. "Si Rick naghahanap ng chicks? As in babae?" at paniniguro niya sa narinig.

Bearlan nodded once.

"At okay lang 'yon sa 'yo?"

"Oo naman."

Napasinghap siya sa hangin. Hindi siya makapaniwala. Ibang klase rin pa lang mga baklang ito, eh, 'no? Magkarelasyon pero okay lang na makipaglandian sa iba? Eh, di wow.

"What's with that look?"

Inirapan niya ang binata. "Okay lang sa 'yo? So, meaning kung may lalapit din sa 'yong babae, eh, okay lang din sa kanya?"

Sunod-sunod ang naging tango ni Bearlan.

"Kahit ako?"

"Bakit papatul ka sa 'kin?" ang bilis na balik katanungan ni Bearlan sa kaniya.

Tiffany froze on the spot. Bakit ba kasi natanong niya 'yon? Geez!

Pinagpawisan tuloy siya. Napalunok din siya na nag-iwas na lamang ng tingin.

"Noon pa kita gustong patulan, kung bakit ka pa kasi naging bakla ka!" nga lang ay hindi niya namalayan na bulong niya na napahagud sa leeg niya.

"What did you say?" Ngunit umabot pala 'yon sa pandinig ni Bearlan.

"Ha? Ah, eh, ih... oh, uh... uhmm sabi ko, eh,  mag-practice na tayo. Kaya mo na ba?"

"Hindi iyan 'yong sinabi mo. Sabi mo noon mo pa ako pinagnanasaan."

"Hoy, ang kapal mo! Ang sabi ko noon pa kitang gustong patulan, patulan na as in tadyakan!" Protesta niya pero habang sinasabi niya 'yon ay namumula ang pisngi niya. Naku naman!

"Talaga lang, ah?" Bearlan smirk like a devil.

Nanlaki ang mga mata niya. Hay! Paano ba 'to?

Hindi na siya makatingin ng diretso sa binata. Iniyuko niya ang ulo at kunwa'y tinitingnan niya ang paa niya.

"Bakit 'di ka makatingin sa 'kin kung gano'n?" tinanggal ni Bearlan ang sunglass nito sa mata at pilyong napapangisi pa rin.

Lalong iniyuko niya ang ulo. 'Yong halos magdikit na ang baba niya sa leeg niya. "May dumi kasi ako sa paa!" at palusot niya pa

"Malinis naman, ah?" Napatingin rin si Bearlan sa paa niya.

"Hindi mo ba nakikita puro buhangin, oh!"

"Hindi," ngising sagot ni Bearlan.

Dahil nakayuko siya ay hindi niya alam na nakatitig na pala sa mukha niya si Bearlan.

"Hay! Ang hina naman ng mata mo! Ayan, oh!" turo niya sa paa niya na may buhangin at hindi niya namalayang napaangat ulo.

At 'yon ang inaantay na pagkakataon ni Bearlan. Agad sinunggaban ni Bearlan ang labi niya. Mabilis pa sa alas kwatro ay nasakop ni Bearlan ang malambot at virgin pang mga labi niya.

Gulat at napadilat na lang siya nang husto siya. OMG!

MY BEKI "KUNONG" BOSS (Tayo Na Lang, Puwede Naman)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon