Miguel's POV
Ok. So dumating na sina mommy at agad akong pinatulog dahil malapit na mag 12 midnight. Ganun talaga sila eh. Strikto. Kaya di ko na nareplyan si bianca. Pero ok lang. Kakausapin ko nalang siya bukas at sigurado akong di siya makakatanggi sakin. Pano ba naman kasi ako ang pinaka popular na estudyante at kami ang may ari ng eskwelahan na pinapasukan niya. Sino ba naman siya para makatanggi diba? Swerte pa nga niya eh. Tss.
Ok. So umaga nanaman. Pagka baba ko ay bigla akong sinurprise ng kapatid ko ng breakfast. Aba magaling na pala siya ah.
"Hi kuya! Magaling na ko oh!" Sabi niya. Dalawang taon lang ang pagitan namin ni Sandy. At kaming dalawa lang ang magkapatid kaya naman over protective ako sakanya lagi. "Oh buti naman.. Makakapasok ka na." Sabi ko. Di ako masyado naka focus sakanya kasi malalate na ko. Mas maaga kasi klase ko kesa kay Sandy. "Oh sige na. Mauuna na si kuya ah." Sabi ko. "Okay kuya, bye.."
------
Nang pag pasok ko sa school, agad kong inabangan si Bianca sa may gate kasi dun sila laging tumatambay ng bestfriend niya. Naghintay ako hanggang sa nakita ko ang bestfriend niya.
"Hi, gabbi. Asan si Bianca?" Sabi ko ng mahinhin para di niya ko dedmahin kasi di niya gusto ang grupo namin. "Ewan ko. Baka nalate lang. Teka bakit mo siya hinahanap?" Tanong niya. "Ah wala.. May itatanong lang ako." Sabi ko. "Ah." Sabay naming hinintay si Bianca hanggang sa dumating ang bestfriend ko na si Ruru na laging iniinis si Gabbi at ang dahilan kung ba't ayaw ni Gabbi sa grupo namin.
"Oh, kasama mo pala si Gabbi ah! Hey there Ms. Sungit!" Sabi ni Ruru na halatang nang iinis. "Neknek mo! Bahala nga kayo dyan. Mga bwiset!" Sabi nito na halatang inis na inis na. "Pare naman, bat ngayon mo pa yan ininis? Eh kinakaibigan ko na nga kasi bestfriend yan ni Bianca." Sabi ko. "Eh ang sarap niyang inisin pare eh. At saka mukhang seryoso ka dyan kay Bianca ah." Sabi niya. "Di naman, pare. Gusto ko lang siya itry. Gusto ko lang ng challenge, pare." Sabi ko. "Ah. Kala ko naman tinamaan ka na dyan eh." Sabi niya. "Ano ka ba, pare. Di yun mangyayare. At saka kilala mo naman ako diba. Wala akong sineseryoso." Sabi ko. "Ok pare. Goodluck nalang ah."
~~~~
BINABASA MO ANG
First Love, Last Love❤️ (BiGuel)
RomanceHighschool sweerhearts si Miguel at Bianca. Masaya lang ang takbo ng kanilang relasyon. Pero pagka-graduate ng highschool, dun na mag sisimula ang seryosohan at pagiging mature. Maraming problemang dadating. Kakayanin kaya ito ng pagmamahalan nila?