Chapter 1

3 0 0
                                    

Ako si Amira, isa akong....paano ko ba sasabihin?

Wishing Girl

Ang wishing girl ay hindi isang babae na humihiling ngunit ako ang kabaliktaran niya.

Ako ang tumatanggap, nagiipon at nagtutupad ng hiling ng bawat tao na dumarayo sa shrine.

Mahirap ang trabaho ko, komplikado at mabusisi, isang mali lang at hahantong ang lahat sa chaos.

Pero ang tanong...tao ba ako?

Oo mukha akong tao pero....hindi ako tao.

Nakuha niyo ba yon? Kung wala edi basahin niyo ulit ng paulit-ulit hanggang sa magsink in sa utak niyo at maregister ng braincells niyo ang bawat salita.

"Dito na yata yung shrine"

Isang tao ang narinig ko na nagsalita.

"Anong ihihiling mo pre?"

May isa pang boses, dalawa sila, siguro yung isa kaibigan niya o kaklase.

Lumabas ako sa aking pinagtataguan.

"Maari ko ba kayong matulungan?" Tanong ko sa dalawang binata na nagulat sa bigla kong pagsulpot

"Ah eh, miss, ikaw ba ang caretaker ng shrine?" Tanong ng lalakeng naka puting t-shirt sa akin

"Oo ako nga, anong maipaglilikod ko sa inyo?" Tanong ko ulit upang malaman ang gusto nila

"Saan po ba ang Crest of Wishing? Gusto po namin humiling." Saad ng lalakeng nakasuot ng salamin

"Sige sundan niyo lang ako." Anya ko sa kanila at itinungo sila sa Crest of Wishing

Ang Crest of Wishing ay parang isang bato korteng buwan  pulang bato na may nakatatak na kamay sa gitna, ito ang kamay ng Goddess of Wishes, si Amiracle, isa siyang Goddess na walang humapay magbigay ng biyaya sa tao, lahat ng ihiling ng tao sa kanya ay kanyang ibinibigay, ngunit kailangan mong maging specific sa gusto ko kundi magsisi ka sa huli.

Nakatayo na kami ngayon sa harap ng bato.

Ang batong kumukulong sa akin.

"Kung hihiling kayo sa Goddess dapat ay hawakan niyo ang nakatatak na kamay, isipin niyo ang hiling na gusto niyo, pero....."

Nilingon ko sila, at may pagtataka sa kanilang mukha.

"Dapat ay sigurado kayo sa hiling na gagawin niyo." Saad ko at umatras na para lumayo sa kanila

Ganyan ang palagi kong ginagawa sa buong araw, marami ang taong pumupunta sa shrine upang humiling ng kung ano-ano, tulad ng:

Makapasa sa exam(hindi naman nagaaral)
Sagutin ng Oo ng nililigawan (sa text)
Makapunta sa bahay ng kaibigan(upang makipaginuman)

At marami pa, lahat na yata ng hiling na maiisip mo ay naririnig ko sa bawat araw, parang mga bulong sa hangin, at ako bilang ang Goddess ay lahat tinutupad ko....pero....

"Sana di na ako humiling sayo!"
"Walang kwenta ka! Akala ko matutupad mo na maging kami, bakit iba kasama niya!!"
" Di ka totoo, paasa ka!!"
"Bwesit na hiling ngayon nasa ospital si inay!"

Meron ding tulad nila, galit, poot, hinanakit at kamalasan...lahat isinisisi sa akin dahil humiling sila.

Hindi ako  nagagalit sa kanila, imbes na magalit ako sinisisi ko pa ang sarili ko.

Meron ba akong nagawang mali?
Nagkapalit pa yung wish?
Mali ba ang pagkadinig ko?

Hindi ko naman kasi maaring bawiin ang hiling ng isang tao, ako ay tumutupad lamang ng mga hiling na gusto nila, wala akong kapangyarihan upang pigilan ito.

Pero di ko naman ito magagawa kung hindi dahil sa nakaraan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 18, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Wishing GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon