Part 1

16 0 0
                                    




Claire

Sembreak namin ngayon. at syempre ano pa bang ginagawa pag sembreak?

kain

tulog

facebook

repeat

dibaaa? tamaaa? hahaha kaya eto ako ngayon. scroll up and down lang sa facebook.
actually, nag babasa lang ako ng mga story sa FEU files eh. favorite ko kasing mag basa ng mga storya ng ibat ibang tao. mapa heartbreak or love story yan. teka nag pakilala na ba ako? hahaha!

ako si claire santiago, BS Architecture yung kinukuha kong course. 17 years old and yep freshie palang ako sa college. sa UST ako nag aaral. itsura ko? hmm wag na! hahaha

scroll lang ako ng scroll ng mabasa ko ang omegle

omegle? bago yun ah.

binasa ko yung story at si ateng hinanahanap niya yung nakausap niya sa omegle. isang lalaking taga feu daw yun at sobrang bait at sobrang kalog kausap. mahigit 3 hrs daw sila nag usap pero nakalimutan niyang humingi ng contact sa kanya. kaya ayun nag hahanap siya sa feu files kasi baka sparks na daw.

lul ate walang ganun hahahaha.

pero ano nga ba yung omegle? at tutal buong hapon nakong naka tunganga dito sa sala sinearch ko nalang kung ano yun

tinype ko yung omegle.com at lumabas yung site. may maliit na box sa baba tas ilalagay mo dun yung interest mo. nilagay ko yung 'ust400' wala lang. para ka school ko dibaa?

nag start chat nako at naghintay ng konti.

may naka connect na sakin. okeey eto naaa. nag hi siya sakin. itatatype ko na sana yung hello, pero may pumasok na kalokohan sa isip ko.

"Hello? tapos ano? iiwan mo din ako pag nalaman mo na kung sino ako? diba ganyan naman kayo? mangiiwan? haha sige ayos lang sanay naman nakong maiwan." natatawa akong tinignan yung reply ko bago ko sinend. inaasahan ko na mag didisconnect na siya pero hindi

"hahaha nope" napangisi nalang ako sa reply niya. nag type ulit ako ng reply sa kanya "ay hindi ba? hahaha. f ako ikaw ba?" wala pang 15 seconds ng mag reply siya "m  :)" napa 'oohh' naman ako sa sarili ko. hmm naeenjoy ko natong omegle ah hahha. nag usap kami tungkol sa school and stuffs. exchange info's. 17 din pala siya at sa ust din nag aaral. IT naman yung course niya.

inabot kami ng 3 oras kakausap sa omegle kaya naisip ko na hingin yung twitter niya. binigay naman niya kaya sinearch ko agad. finallow ko siya at nag dm sa kanya

"Hi kuya omegle! hahaha" tumayo muna ako saglit at kumuha ng ice cream sa ref dahil sobraaaaangg init sa pinas. pag balik ko may reply na siya

"hahaha hi ;)"

"ang ganda mo pala. hahaha"

napangiti nman ako sa reply niya. sumubo muna ako ng ice cream bago mag type ng isasagot sa kanya

"hindi naman! pero salamat kuya :)" inon ko yung tv at nanood ng balita bago ko tinignan uli kung nag reply na ba siya.

"wag mo nakong tawaging kuya. nakaka tanda haha vince nalang" sumubo ulit ako ng ice cream. shet bat ba ang sarap ng cookies and cream :((

"okeeeeyy" patuloy lang ako sa pag kain at panonood ng balita habang nag hahatay ng reply niya

"ikaw, anong itatawag ko sayo? baby girl kaya?" agad nanlaki yung mata ko pagbasa ko ng reply niya at agad agad nag tipa ng isasagot ko sa kanya

"uy gago bat naman baby girl" sheeettt!! sumubo uli ako ng ice cream pampakalma naman

"matagal ko na kasing gusto mangaron ng batang kapatid" ahh yun nanaman pala. kasi naman claire, malisyosa ka kasi

"ah hahahaha sige ikaw bala" tuloy tuloy lang kami sa pag uusap hangang sa inabot na kami ng 11 ng gabi.

"vinceeeee!! inaantok nakooo" nilapag ko muna yung ipod at nagpalit ng pantulog bago ako himiga

"sige na bukas nalang ulit. good night baby girl :)" napangiti naman ako sa reply niya at pumwesto na bago mag reply sa kanya

" good night din :)"

-----------------------------------------------------
WAAAAAHHH!! nagustuhan niyo baaaaa hihi like and shareeeee!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 05, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

nang dahil sa omegleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon