Start na ng practice para sa cheer dance. Hindi na sana ako sasali pero pinilit lang ako ng College President namin. Nakakahiya raw sa mga ComScie lalo na kay Kuya Arjel kung hindi kami magpaparticipate. And speaking of Kuya Arjel, kilala ko na s'ya. Totoo nga ang sinabi nila Lorie, gwapo nga ito at matangkad. Medyo close narin kami kahit kauumpisa palang ng practice namin. Napakamaalaga nyang President, on hand sya sa pagpapapractice samin at hindi nya kami pinapabayaan kahit na hindi namin sya kacourse.
"Isang team tayong lahat dito. So, bakit ko papabayaan ang mga Social Work? At ipinagbilin rin kasi sakin ng President nila na ako muna ang bahala kasi nagtatapos pa sila ng thesis" yan ang sabi nya samin sa unang meeting para sa cheer dance
"Girl alam mo ang perfect na ni kuya Arjel" sabi sakin ni Anne "Dream guy ko na sya" kinikilig pa nitong sabi
"Corny sa dream guy ha" pabiro kong tugon
"Ano ka ba naman!? Hello? Tingnan mo ha. Matangkad, gwapo, deans lister, President ng College nila, mabait na anak at kuya, Christ centered. Odiba! Ano pang hahanapin mo? Wala na diba. Nasa kanya na lahat" pagmamalaki nito
Tama naman si Anne. Matangkad nga ito siguro 5'8 to 6 feet? I can also admit na gwapo nga ito. Nanalo sya way back 2013 as Mr. Ambassador. Since first year deans lister sya at walang binabayarang tuition fee. He's perfect! No more words.
"Kuya Arjel may girl friend ka po ba?" tanong ni Anne na nasa tabi ko lang din naman
Water break namin kaya free kaming magkwentuhan ngayon at magkulitan
Siniko naman ako ni Maggie, kaya kamuntik na akong mabulunan. Napaka bastos na babae alam na umiinom ako eh
"Okey ka lang Jeros?" tanong sakin ni kuya Arjel
"Po? O-opo" ngumiti ako ng tipid
After nya akong tanungin eh bumalik na sya sa dati nyang pwesto kanina. May kinuha lang sa may part namin kaya sya napadpad dito
"Masyado kang obvious. Iwasan mo namang magstutter" bulong sakin ni Maggie
"Walangya ka. Bakit mo ako siniko kanina? Kasalanan mo kaya kamuntik na akong mabulunan ng tubig nakakahiya tuloy. Aysht!!" galit kong pahayag kay Maggie
Tinawanan naman akong mga kaklase ko. Oo, andito sila kasi pinasuyo sa kanila na dalhin sa FI Lab ang mga props na kailangan. Yapos na rin kasi ang klase kaya nakikigulo sila dito. Apat lang na first year ang sumali sa cheer dance. Yung iba sa sports na.
"Hahahahahahaha" tinawanan lang nila ako
"Mga walanghiya kayo" nakakainis talaga
"Nagbublush ka Jeros" sabi sakin Janelle, napahawak naman ako sa pisnge ko at nararamdaman ko nga na nag-iinit ito
"Yii~ tinanong sya ni Kuya Arjel kung okey lang sya" pangungulit naman ni Pao
"Tumigil nga kayo" iritado kong sabi
"Asus! Kinikilig ka lang eh. Okey lang yan girl kahit kami nga na hindi tinanong kinilig din eh" - Lorie
"Dami nyong alam"
Nalaman kasi nila na crush ko din si Kuya Arjel kaya ganyan sila. Sinabi nila sakin na nagagwapohan lang sila kay kuya Arjel at hinahangaan sa taglay nitong katalinuhan kaya wala daw dapat akong ipag-alala. Sakin daw si kuya Arjel ng buong-buo. Akala mo naman eh sakin talaga. Crush ko lang naman, katulad din ng reason nila humahanga sa pagiging matalino at looks nito.
"Girl, i-hold mo ng maayos yung binti ni Ella" sigaw sakin nung isang fourth year na ComScie
"Kim wag mo namang sigawan tsaka may pangalan yan. Tawagin mo sa pangalan nya" narinig ko ang isang pamilyar na boses sa likod ko
"Sorry na. Hindi ko alam ang name eh" sagot ni ate Kim
"Jeros. Jeros ang pangalan nya" sagot nito kay Ate Kim
"Whatever" sabay walk out ni ate Kim
Stress na ang lahat kasi one week na lang at hindi pa polish ang lahat ng stunts, steps at props. Kaya naiintindihan ko kung bakit mainit ang ulo ni ate Kim. Sya kasi ang team leader namin although may trainor naman kami
"Okey ka lang?" tanong sakin ni ate Reen
Tumango lang ako as my answer. Nasa tabi ko sina ate Reen at Kuya Arjel kaya pinapagaan nila ang loob ko.
"Hayaan mo na si Kim. Stress lang yun kaya ganun" paliwanang sakin ni Kuya Arjel
Tumungo lang ako. Naiiyak ako grabe, hindi ko alam kung bakit. Aysht! Be strong Jeros.
"Sige water break muna" sigaw ni Kuya Arjel
Pumunta ako sa bleachers. Nakakainis feeling ko wala akong kakampi ngayon. Bakit ba kasi absent sila Maggie? Nakatungo lang ako buong water break
"Okey ka lang ba talaga?" tanong sakin ni Kuya Arjel
Hindi ako sumagot at nanatili lang na nakayuko
"Gusto mo umuwi ka na muna? Kanina ko pa kasi napapansin na wala ka sa mood magpractice eh. May sakit ka ba?" tanong ulit nito
"Okey lang po ako" tipid kong sagot
"Osige sabi mo eh"
After that umalis na sya. Ani ka ba naman Jeros? Umayos ka nga. You're acting like a freaking child.
Kung hindi lang masama ang loob ko sa pagkakasigaw sakin ni Ate Kim siguro magtetext na ako ngayon kina Pao tungkol sa pag-uusap namin ni kuya Arjel. Pero hindi eh, wala ako sa mood siguro next time
"Oy Jeros okey ka lang?" tanong sakin ni Anne
Nginitian ko lang sya ng tipid. Nagkibit valikat naman ito sa tugon ko
"Bakit ba kasi ngayon lang kayo?" tanong ko sa kanila
"Tinapos pa kasi namin yung project sa SW2. Tapos na ba kayo dun?" - Maggie
"Hindi ko alam kina Pao. Sila na daw ang tatapos kasi busy daw ako sa chert dance"
"Aww~ friendship goal. Kinikilig ako sa inyo. Ang supportive nila, diba?" pahayag ni Gail
Lunch break na sila dumating. Mamaya pa namang 2 ang resume ng practice kaya we decided to stay here at gymnasium
"Friend, narinig namin yung pagsigaw sayo ni Ate Kim. Okey ka lang ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Gail
"Oo naman" sagot ko
Ito ang pinakaayoko eh. Yung paulit-ulit ka na tatanungin kung okey ka lang. Hello? Obvious namang hindi diba? Kayo kaya ang masigawan sa harap ng buong participants ng cheer dance ng ComScie at Social Work. Hindi naman kasi sila yung napahiya sa maraming tao. Hindi ko nga alam kung bakit ako nasigawan ng ganun eh ginagawa ko naman ng maayos yung part ko
"Pero may tanong pa ako" nakangiting sabi ni Maggie
"Ano yun?"
"Yung pag-uusap nyo ni Kiya Arjel. Yii~ anong napag-usapan nyo? Magkwento ka naman" pag-uusisa ni Maggie
"Wait! Kinausap ka ni kuya Arjel?" - Gail
"Ate gurl ano ka ba!? Oo kaya kinausap ni kuya Arjel si Jeros. Sinabi satin ni Lee kanina diba" - Anne
"Ah! Yun ba yun?" - Gail
"Oo kaya. Hay naku! Earth to Gail" - Maggie
Napakadaldal talaga nung baklita nayun. Hay naku! So, I end up telling them the whole story.
"Kyaaa~ nakakakilig naman" - Anne
"Anong nakakakilig dun?"
"Ano ka ba? Lahat kaya. Parang naging knight in shining armor mo si Kuya Arjel" - Maggie
"Oh tapos?"
"Concern sya sayo girl ano ka ba?" - Gail
"Concern? Hello? Natural lang na maging concern sya sating lahat kasi sya ang incharge. Tsaka sya ang President ng ComScie at ibinilin tayo ng President natin sa kanya" paliwanag ko
Pero kinikilig ako sa fact na concern nga sya sakin. Pero ano ba Jeros, ikaw na mismo ang nagsabi na obligation nya yun as a President ╭(╯ε╰)╮