"Jeros bakit ka ba kanina pa nakamungot jan? Aba hindi ka mautusan ah. Magbisita ka namang bata ka hindi pwede ang ganyang asal diba? Lagi ka nalang ganyang bata ka pag may bisita aba!!"
Hinigit ako ni mama sa isang tabi at pinangaralan nanaman ako tungkol sa magbisita kuno nayan.
Yayayaya~~~ ulit-ulit nalang nakakasawa na. Lagi nalang namang ganito ang routine namin nina mama kapag may mga bisita dito sa bahay.
Gumagawa naman ako sa loob ng bahay kapag may mga bisita eh. Hindi lang nila napapansin. Kung napapagod sila aba mas lalo naman ako. Sa sandamakmak na utos dito utos jan. Tapos pagagalitan ka pa pag nakita ka na nakamungot. Wengya sino bang matutuwa? Eh sa napapagod din ako eh...
"Ate may bisita po na bagong dating" sabi nung isang tiga hugas na binayaran ni mama para daw hindi na mahirapan which is lagi naman ganyan pag nagkakabisita dito sa bahay
Wala kaming katulong. Hindi din kami mayaman, Hindi din naman mahirap.
"Sige" sagot nya kay ate Eva
Tumingin muli sakin si mama at binigyan ako ng masang tingin bago sa umalis para salubungin yung bagong dating daw na bisita
"Oy mare tuloy. Pasok ka!" Narinig kong bati ni mama
I just rolled my eyes. Gizz~~ plastic!
Umakyat nalang ako sa kwarto ko. Bakit ba kasi nakauwi pa ako dito sa bahay na'to? Sarap ng buhay ko sa bahay ng ate ko wala akong gawa dun eh. Kain-tulog lang ang inaatupag ko
---
"Ate Jeros..."
"Hmmmm...?"
"Ate Jeroooos"
Napamulat nalang ako ng biglang may humigit sa braso ko. Nakita ko yung pinsan ko na naiiyak na
"Oh bakit ka umiiyak jan?" Tanong ko
"Nagugutom ka ba? Natatae? Ano?" Sunod ko pang tanong umiling naman sya
"Ang OA mo naman ate Jeros." Sabi nya sakin
Napataas naman yung kilay ko. Aba ponsyopilato 'tong batang 'to ah. Pilayan ko ka 'to?
Tinitigan ko lang sya
"Eh kasi si mama pinagigising ka" tinutukoy nyang mama ay yung mama ko wala naman kasi dito yung mommy nya
"Oh eh bakit ka naiiyak na jan?"
"Ayaw mo kasing gumising eh. Kanina pa kaya kita ginigising" OA naman nitong batang 'to
Tish. Nauna ng bumaba yung pinsan ko saka ako sumunod.
Hinanap ko kaagad si mama pagkababa ko
Andito na pala yung mga barkada ni Ate eh. Kaso wala si Ate. Natanggap agad sya sa trabaho kaya hindi sya makakapunta. Malayo kasi 'tong bahay namin sa workplace ni Ate kaya hindi sya makakauwi
"Bakit?" Tanong ko agad kay mama pagkalapit ko sa kanya na busy sa pakikipag-chikahan sa mga bisita nya
"Ano bang oras dadating yung mga barkada mo?" Tanong sakin ni mama
"Hindi ko alam" wala sa sarili kong sagot
Asan na ba kasi yun? Hindi ata pumunta dito eh. Ano ba yan?
Pumasok nalang ulit ako sa loob ng bahay para i-text yung mga classmates ko
"Jeros yung mga classmates mo andito na"
Kalalabas ko lang ng CR ng sumigaw si mama mula sa labas na anjan na raw yung mga classmates ko
Buti nalang pala at naligo na ako pagkatapos ko silang i-text
