what's next?

72 1 0
                                    

isang pangit na araw para kay Samarra ang araw na ito. it was so irritating, hindi maganda ang mga sketch niya para sa desig ng damit na kanyang ipapasa sa boss niyang ubod ng sungit. umulan ng malakas at nagblock out sa lugar nila. hindi maganda ang gising niya dahil puro bayarin sa bahay ang humarap sa kanya.

"Wala na akong pag-asa na magawa pa itong design!" pag mamaktol niya. buti na lang at independent siya. Wala na ang kanyang mga magulang. Her parents died in a vehicular accident. nabangga ng isang ten wheeler truck ang jeep na sinasakyan ng mga ito. She's an only child, kaya sarili niya lang ang kanyang binubuhay. Sapat naman ang kinikita niya para masustentohan ang kanyang pang araw araw na gastusin at isama na ang kanyang luho -paminsan minsa-.

"Saan ako pupunta para maibalik ko ang aking focus?" tanong niya sa sarili. "Aha! sa coffee shop!" isa ang kape sa nagpapakalma sa kanyang sistema kapag ganoong wala na siya sa mood para magtrabaho. Doon siya nagpapalipas ng oras at gumagawa ng sketch kapag nabuburyo siya sa kanyang lungga. 

narating ni Samarra ang coffee shop at umorder ng paborito niyang kape. umupo siya sa pang isang sofa sa loob ng coffee shop. maya maya pa ay naibalik niya ang focus sa pag sketch. hindi nga lang ang bagong design ng damit na tintrabaho niya ng kanyang na-i-drawing kundi mukha ng isang lalaki sa kaharap niyang table. nakakapang akit talga ang mga mata niya. at ang ilong ay jusko day! parang ang sarap pisilin. at ang labi. parang ang lambot at ang sarap halikan. may girlfriend na kaya ito?. sabi ng haliparot na part ng utak niya. magtigil ka Samarra parang hindi ka dalagang filipina niyan sa iniisip mo. Sita naman isang bahagi ng isip niya.

sinarado at ibinaba niya ang sketch pad sa table niya at inenjoy na lang ang pagubos niya sa kanyang inumin. this day would be memorable for her. sinimulan ng hindi maganda ang araw niya ngunit sa huli pala ay magigingmaganda rin. 

Napalingon siya sa direksyong ng lalaki at laking gulat niya ng makitang nakatingin ito sa kanya. their eyes met and its seems like the world stops revolving when he flash her his beautiful smile. she was greeted with pearly white theeth, papasa itong maging model ng close up sa ganda ng ngiti nito. ang lakas ng kaba sa dibdib niya ng kindatan pa siya nito. aahhhhh.. my day is really beautiful, ok na kahit block out basta ngitian niya lang ako.. nangangarap na sabi niya sa sarili. hoy! gaga! baka nakakalimutan mo hindi mo yan kilala at nakikipag titgan ka pa sa kanya?! sabi nanaman ng isang bahagi ng kanyang utak. doon siya bumalik sa kanyang katinuan. nagbawi siya ng tingin at hindi na ito muling tinignan pa..

nabaling ang kanyang atensyon sa kanyang cellphone ng biglang itong magring at magvibrate. tinignan niya ang screen ng cellphone niya para makita kung sino ang tumatawag. it was her Rhian, sinagot niya ang cellphone.

Rhian: where are you?

Samarra: here at the coffee shop. why?

Rhian: i just want to reamind you about my birthday. wag mo yun kakalimutan ha!

Samarra: hindi ko nakakalimutan. (natatawang sabi niya) ikaw pa ba ang kakalimutan ko? (binuntutan niya ito ng tawa)

Rhian: aba! dapat lang no! (nagsusungit sungitan na sabi nito at biglang tumawa) ako ang bestfriend mo kaya hindi mo dapat makalimutan ang birthday ko!

Samarra: i know right! hindi ko palalampasin ang napakahalagang araw mo no! (nakangiting sabi niya)

binaba na niya ang cellphone after nilang magpaalamanan. muli ay napalingon siya sa harap niya. nadismaya siya ng malaman na wala na ang lalaki. halos ubos na ang kape niya kaya napagpasyahan niya na umuwi na sa kanyang bahay. matagal na ang nilagi niya sa coffee shop at tumila na rin ang ulan paniguradong mababalik na ang kuryente. 

what's next?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon