chapter 4

60 1 0
                                    

naging gimikera si Sam dahil sa ngyari sa kanya. hindi niya inakala na sobrang bilis niyang mamahalin si Alec. naging palainom siya. kahit mag-isa lang ay naglalasing siya. puro in can beer na rin ang laman ng fridge niya. ngayong gabi kasama niya si Rhian sa isang bar sa Parañaque. May mangilan--ngilang customer sa loob ng bar. 

"Sam stop! you have enough. ano bang gusto mong gawin sa buhay mo?" naiiritang sabi ni Rhi sa kanya. 

"Ano ka ba naman Rhi kaya nga tayo nagpunta dito para mag-inom e." cool na sabi niya habang nakikipagtitigan sa baso ng alak.

"No. oo mag-iinom tayo pero hindi magpapakalango!" sermon nito sa kanya.

she was grinning when she turned to her. "Ako magpapakalango." sabi ni Sam

"Malala ka na kaibigan! Anu bang gusto mong gawin ko tawagan si Alec?" nanghahamon na sabi nito. 

"Bakit mo siya tatawagan? wala namang pakelam saken yun no!" bumakas ang lungkot sa bawat salita niya. ibinalik niya sa baso ang kanyang atensyon. unti-unti ay tinatamaan na siya sa iniinom niya. Nanahimik si na lang si Rhi sa kanyng tabi habang pinapanuod ang kanyang pag-inom. 

"Rhi ang sakit palang mareject no?" pagkausap niya sa kaibigan. Tinamaan na siya ng kanyang ininom, pero sige pa rin ang order niya. 

"Sam tama na. You have to let go of the memories with him. At parang awa mo na itigil mo na ang pagpapakalunod sa alak." nagmamakaawang tugon nito. nanglingunin niya ang kaibigan ay umikot ang kanyang paningin. Alam niyang hindi na siya dapat uminom dahil hilo na siya. Pero nararamdaman niya pa din ang sakit.

"Ayaw kong bumitiw Rhi. Umaasa pa din ako na babalik ang dati sa pagitan naming dalawa." hindi niya inaasahan ang pagtulo ngluha niya. niyakap na lang siya ng kanyang kaibigan, doon siya umiyak ng umiyak. 

"Sam? tara na. uwi na tayo hatid na kita sa bahay mo." mahinahong sabi nito. tango lang ang naitugon niya. binayaran nila ang bill at saka naglakad palabas ng bar. Malapit na sila sa pinto ng bar ng biglang may humablot sa kanyang braso mula sa likod. impit na napatili siya at napalingon sa sobrang gulat. Pero lalo siyang nagulat ng malaman kung sino ang humablot sa kanya. it was Alec himself! bumilis nanaman ang tibok ng puso niya at parang nawala ang tama ng alak sa kanyang sistema. 

"What are you doing with yourself?" bakas ang inis sa salita nito. maging ang mukha nito ay hindi maipinta. Bakit parang galit ito sa kanya? hindi dapat siya ang magalit dito? doon siya nahimasmasan sa pagtitig sa gwapong mukha nito. 

"E ano naman sayo? Let go of my arm!" pabulyaw na tugon niya. nilingon niya si Rhian na tila nagulat sa pagkakita sa lalaki. 

"Rhian tara na."sabi niya sa kaibigan. tataliko na siya ng hawakan na naman nito ang braso niya. nagiging hobby na nito ang paghablot sa braso niya. 

"Sinabi ng binatawa mo ang braso ko diba?" naiirita na rin siya kaya diniinan niya ang mga salitang binitawan niya.

"No! hindi pwede! sasama ka saken ngayon at ako ang maghahatid sa iyo." dirediretsong sabi nito sabay lakad hanbang hawak ang kanyang braso. 

"Hey! hindi iyong braso ang nasasaktan kaya pwede ba wag ka mabilis maglakad?" sita niya rito sabay wasiwas ng braso na niya na hawak nito. ngunit kahit anong gawin niya pagpiglas ay hindi umubra. masyadong malakas ito kumpara sa kanya. 

"Rhian help me. Ayokong sumama sa kanya." hinging saklolo niya sa kaibigan. ngunit ngumiti lang ito at binalingan si Alec.

"Sige iuwi mo na yung kaibigan ko ng hindi na yan maglasing." kumakaway na sabi nito. at gumanti ng kaway ang hinayupak na lalaki.

"Rhian! ano ba? kaibigan mo ako, ako dapat ang kinakampihan mo!" pasigaw na sabi niya dahil malayo na sila sa kinatatayuan nito sa labas ng bar. 

"Sam para sayo din yan! listen to him." sigaw nito sa kanya. 

what's next?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon