chapter5

46 0 0
                                    

6:30 pa lang ay nag-aayos na si Sam para sa lakad nila ni Alec. exactly 7 pm nang dumating ang lalaki. nagtext ito sa kanya, ipinapaalam na nasa parking lot na ito. hindi niya maiwasang hindi magmadali, gusto na niya itong makita ulit. sa sobrang pagmamadali ay nabangga siya sa isang mama. napaupo siya sa sobrang lakas ng impact sa kanya. agad naman siya tinulungan ng lalaki, iniinda niya ang nasaktang pang-upo kaya hindi niya pa nakikita ang itsura ng lalaking nakabanggaan niya. 

"are you okay miss?" sabi nito. mahahalata ang american accent nito. kaya napaangat ang kanyang mukha. and she was greeted by a handsome face with a hawk like eyes. Napakaganda ng mata nito. nalunod siya sa tingin nito, hindi agad siya nakapagsalita. natulala na lang siya sa lalaki. 

"Miss?" tanong ulit nito. doon lang siya tila nawala sa karisma ng mata nito.

"a-a-ah. yeah im fine. my butt hurts a bit but it's alright" napangiwi siya ng kumirot ang pang-upo niya.

"ah..  would you mind if  i walk with you to your car?" magalang na sabi nito. bakas ng concern sa boses nito.

"No thanks, i have someone waiting for me in the parking lot." magalang din na tugon niya dito.

"No, i insist. i got you hurt, that's the least i can do for you." tugon naman nito sa kanya.

"okay. i let walk with me." sabi na lang niya. magaan agad ang loob niya dito mukha naman kasi ito mabait at hindi naman siguro ito masamang tao. 

nagliwanag ang mukha nito dahil sa sinabi niya. "so, tara na?" nagulat siya ng magtagalog ito. juice me! nagtatagalo naman pala ang hinyupak! napa-english pa tuloy ako. sabi Sam sa sarili.

natatanaw na niya si Alec sa parking lot, hindi pa siya nakikita nito dahil nakatalikod ito sa direksyon niya. pagkaharap nito ay bumalatay ang pagkagulat, at nagdilim na lang basta ang mukha nito. nawalan ng emosyon ang mga mata nito.

"Sorry for keeping you waiting, i encounter a litle accident." sabi niya ng makalapit dito. nagkibit balikat lang ito bilang tugon sa kanya. napakunot ang noo niya dahil sa ginawi nito. ng balingan niya ang lalaking nakabangga niya ay pagtataka rin ang nababasa sa mukha nito. 

"hey man! your girl says sorry for her being late, and all you gave her is a nod?" iritableng sabi nito. hanga siya sa pagiging maginoo nito. pero hindi na nito dapat sabihin iyon at baka magkagulo pa ang mga ito. binalingan niya si Alec ng bigla na lang isara nito ng malakas ang pintuan ng kotse at ibaba ang bintana.

"i dont care about you opinion mister! Sam sakay na." sabi nito sa malamig na tinig.

binalingan niya ang lalaking nakabanggaan niya kanya. "thanks for the walk and sorry for his being rude." sabi na lang niya sa lalaki.

"Okay, mag-iingat ka na ha. para hindi ka na mababangga at ng hindi na magselos iyang kasama mo kung sakaling lalake ang mabangga mo.' nakangisi na ito sa kanya. wala na ang iritasyon sa mukha nito.

"Ha? selos? hindi iyan nagseselos." nagtatakang tanong niya.

"yeah, that guy inside the car is in love with you." sabi pa nito.

"get in the car Sam" malamig na sabi ni Alec bago siya makapagreact sa sinabi ng stranghero. nalito tuloy siya sa ngyayari. nagpaalam na lang siya sa lalaki at sumakay sa sasakyan ni Alec. nginitian siya nito at kumaway.

"sino yun?" tanong ni Alec ng binabagtas na nila ang hi-way papaunta sa resto na kakainan nila.

"who?" patay malisyang sagot niya. ano kaya ang tumatakbo sa isip nito.

"wag kang magtanga-tangahan alam kong alam mo kung sino ang tinutukoy ko." bahagyang bumakas ang iritasyon sa boses nito at nagtagis din ang mga bagang nito. mukhang badtrip si Alec sa lalakeng kasama niya kanina. iinisin niya pa ito lalo ng umamin na ito sa nararamdaman nito para sa kanya.. yun ang pumasok sa isip niya ng maalala ang sinabi ng estranghero na nagseselos at inlove sa kanya si Alec. 

"Ah.. yung kasama ko kanina? nakabanggaan ko siya ng papunta na ako sa parking lot at sinabayan niya akong maglakad kasi nag-aalala siya baka masama ang pagkabagsak ko kania. bakit mo tinatanong?" mahabang paliwanag niya dito. 

"ang bait niya no? not to mention, pogi pa siya ha." sabi niya na nagkukunwaring kinikilig ng tumahimik ito. nagulat siya ng lumingon ito sa kanya ay naniningkit ang mga mata nito. Asar talo! sabi niya sa sarili.

sa gulat niya ay kinabig nito ang manibela at huminto sa isang clearing sa tabi ng kalsada. 

lumingon ito sa kanya at nagtama ang kanilang mga mata. nakita na niya ang halo-halong damdamin sa mga mata nito na ayaw niyang pangalanan dahil natatakot siya ipagkamali ito sa kung anu.

"bakit mo tinigil?" nagtatakang tanong niya ke Alec.

"may gusto ka ba sa lalaking yun?" biglang tanong nito ng hindi sinasagot ang tanong niya. halata sa tono nito na nagseselos ito sa estrangherong lalaking nakabangga niya.

"e ano naman kung gusto ako sa kanya?" huli na ng marealize niya ang kanyang sinabi. bumakas sa mukha nito ang pagkadismaya at pag-aalinlangan. napayungko na lang siya sa sobrang hiya.

"so gusto mo nga siya?" malumanay at kasing lamig ng yelong sagot nito. nawala ang lahat ng emosyong nakita niya kanina sa mga mata nito. 

"a...ahm.. hindi." nakayuko pa ding sagot niya. 

"bakit ayaw mo akong tignan?" nahalata niya ang pagkaaliw sa boses nito. kaya bigla siyang nag-angat ng ulo. at nakita niyang nakangisi ito. she just stare at his face, as if memorizing every detail of it. nakakahalina talaga ang ngisi at ngiti nito. wag ka ngang ganyan! anu ba! magpapakipot pa ako ng konti e.. nasabi niya sa sarili.

"o bakit natulala ka na jan? halikan kita dyan e." nakangiti na ito at parang walang ngyari kani-kanina lang. parang tukso naman sa kanya ang huling sinabi nito. automatic na napatingin xa sa labi nito na parang nag-uudyok na siya na ang unang gumawa ng move para halikan ito. nang bigla niya marinig na umungol ito, at sa isang iglap ay sinalakay nito ang kanyang labi. the kiss lasted for a minute or two or more, dahil ng maghiwalay sila ay para na silang malalagutan ng hininga.

"yan ang napapala mo sige kasi ang tingin mo e." nakangiting sabi nito. napatulala na lang siya uli dito. 

"hay.. wag mo akong tignan  ng ganyan at baka maulit ang ngyari kanina. kailangan pa nating mag-usap."

sa sinabi nito ay syaka niya naiisip ang totoong pakay sa pakikipag-kita dito. pero nakaisip siya bigla ng kapilyahan.

"bakit hindi mo ulitin." nakataas ang noo na sabi niya, hinahamon niya ito.

napapailing na sumagot ito. "gustuhin ko mang patulan yang kalokohan mo, hindi pwede dahil paghinalikan kita ngayon hindi ako nangangako na hanggang doon lang ang gagawin ko."

nakangisi nanaman ito ng mapatingin xa dito, ngunit ng mapatingin xa sa mga mata nito may nakita xang kaseryosohan sa mga iyon. parang nagbabanta na tototohanin nito ang sinabi kapag tinuloy niya pa ang pagtingin dito.

what's next?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon