"I just wanna show you
She don't even know you
Baby let me love you
Let me want you
And you just see right through me
If you only knew me
We could be a beautiful, miracle, unbelievable
Instead of just invisible
She can't see the way your eyes
Would light up when you smile"
"Yeah! Galing mo talaga Bet!" Sigaw ni Marco na nasa kabilang dulo ng classroom.
"Ikaw na talaga. Ikaw na." Si Danica na siyang nagrequest na tumugtog ako ng gitara. Nagpapaturo rin kasi siya.
"Bettina. Tumugtog ka naman ng ano... uhm... yung Look at You Like That. Please." Si Mariel na lumalapit mula sa kabilang table habang nagsusuklay ng buhok.
"Turuan mo naman ako pagkatapos, ah." -Jomarie
"Uy! Ako muna!"
"Hoy! Akin kaya yang gitara, kaya ako ang mauuna. Diba Bet?"
At ang dami-dami pa nilang request na hindi ko na maintindihan kung para ba talaga sa akin kasi sila sila lang rin naman ang nagtatalo. --_--
Ganito talaga madalas ang eksena sa amin kapag may tumutugtog. Jamming ba.? Madalas naman na ako ang nangunguna. At ang mga kinakanta ko? Palaging may tao sa likod ng mga iyon. Nagpaparinig. Nagpaparamdam. Nagpapamulat ng mga mata na kahit kailan ay hindi makuha-kuhang tignan ako.
"Ewan ko sa inyo. Pagod na ako. Kayo muna, oh." Inilagay ko ang gitara sa may teacher's table sa harap kung saan ako nakaupo kanina. Lumayo na ako sa kanila. Ang gulo, eh.
"Uy. Dito ka muna. Saan ka pupunta?"
"Sa puso mo." Pagbibiro ko.
Sa totoo nyan, gusto kong sabihin, "Sa puso ni crush." XD
"Ako nga muna diyan."
Lumingon ako. Kilala ko ang boses na iyon. Sa kanya yun, eh. Kay crush.
"Uuy! Si Joseph, oh!"
"Lei! Tutugtog si Joseph."
"Ayiieh!!!!" Panunukso ng mga kaklase namin. MU kasi 'ata silang dalawa, eh. O, MU talaga at walang 'ata at ako lang talaga ang naglalagay ng 'ata sa sentence kasi umaasa ako na hindi sana sila?
At panunukso nga. Nasasaktan ako. As in "Ouch!" Kaya bago pa maibalitang "Babae duguan matapos mabiyak ang puso", aalis na lang muna ako rito.
**********
I just wanna know you, better know you
Better know you, better now
I just wanna know you, better know you
Better know you, better now
I just wanna know you, better know you
Better know you, better now
I just wanna know you, know you
Know you
"All i know is you said 'hello'
Your eyes looking like they're coming home
I know is a simple name
Everything has changed"
Ay! Natigil na pala sila? Eh, feel na feel ko na sana ang pakikikanta rito, eh
Nandito kasi ako sa loob ng classroom sa may likuran ng stage. Nakikikanta ako kina Joseph at Lei na nagprapraktis sa labas para sa kanilang duet sa darating na variety show. At habang nakikikanta nga ako rito ay parang dinudurog ng paunti-unti ang puso ko. Emo ba? Yaan niyo na lang. Eh, sa nasasaktan ako, eh. Dinarasal ko nga noon pa lamang, sana marinig niya naman ako sa tuwing kumakanta ako. Sa tuwing nagpaparinig ako. Sana marinig niya naman ang sigaw ng aking puso.
"Hay nako! Naka-earphones ka siguro parati. Kasi hindi mo ako marinig, eh."
Sa ngayon, trip ko ang kausapin muna ang sarili. Ganito talaga 'pag baliw ka, kinakausap ang sarili. Baliw kasi ako, eh. Baliw kay crush. XD Yow! Ang galing ko talaga pumick-up! Palakpakan naman diyan, kanina pa ako bumabanat dito, eh. Wohoo! Bigyan ng jacket! \^o^/
All i know is you said 'hello'
Your eyes looking like they're coming home
Uy! Nabalik na pala sila. Makikanta nga uli. Hehe...
"I know is a simple name
Everything has changed"
Bakit ganon? Hindi ko marinig ang boses ni Lei? [?_?] Well... yaan na nga lang. Ipagpatuloy ang kantahan. XD
"All I know is you held the door"
Bumukas ang pintuan sa may likuran ko. Kaya napatigil ako at lumingon sa taong bumukas ng pinto habang ipinagpatuloy niya ang pag-awit.
"You'll be mine and I'll be yours
I know since yesterday
Is everything has changed"
Bago ko pa malaman, nagsasalita na pala siya.
"Porket ba naka-earphones, eh, hindi na kaagad nakakarinig?" Lumakad siya at umupo sa katabing silya. "Eh, ikaw ba, naglilinis ng tenga?"
Humarap ako sa kanya. "Bakit?"
"Kasi, hindi mo rin 'ata ako naririnig, eh."
BINABASA MO ANG
Unheard (One Shot)
Teen FictionAng mga kinakanta ko? Palaging may tao sa likod ng mga iyon. Nagpaparinig. Nagpaparamdam. Nagpapamulat ng mga mata na kahit kailan ay hindi makuha-kuhang tignan ako.