This Girl

13K 219 45
                                    

WARNING: THIS IS A REVISED VERSION. OLD VERSION HAS ALREADY BEEN CHANGED. THANK YOU.
--
Nine years ago,

Nakita ko siya sa pinaka unexpected time.

Nine years ago,

Nag-usap kami sa paraan na di ko inakala na pwede.

Nine years ago,

Nagawa ko ang mga bagay na kahit kailan ay hindi ko nagawa.

Nine years ago,

I fell in love with her.

**

I met this girl

she's really nice but

it's only time to realize

that she's not just someone else

"Pwede ba wag mo akong hawakan! Lagot ka sa boyfriend ko!"

Nagulat ako ng biglang may humawak sa akin kamay kaya napatigil ako sa paglalakad. Tinignan ko siya at nakita kung gaano siya kaganda siya. Mahaba ang buhok niya, morena at matangkad para sa isang babae.

"Totoo bang boyfriend ka niya?" Sabi ng lalaking naka-jejecap at bungi ang ipin. Tinignan ko naman ang babaeng katabi ko at nakita ang pagsusumamo sakaniyang mga mata na tulungan siya.

Inayos ko ang aking tayo at hinawakan ang kaniyang kamay. Tinignan ko ng masama yung lalaki at inangasan ang aking pagmumukha.

"Oo. May problema ba? Subukan mo lang hawakan ang girlfriend ko talagang masasapak kita."

Napaatras naman yung jejemon at tumakbo na palayo. Narinig ko namang napabugtong hininga ang katabi ko at binitawan na ang aking kamay.

"Thank you ah! Kung di mo ako tinulungan baka nakidnap na ako ng mukhang isda na yun." Natatawang sabi niya at umupo sa may waiting shed.

Umupo naman ako sa tabi niya at tinignan siya.

"Oh, anong problema mo?"

Iniling ko ang aking ulo at tinignan ang mga kotseng hindi mapakali sa kalsada. Traffic nanaman. Nakakatamad magdrive.

"Tinulungan kita pero di ko man lang alam ang pangalan mo. I'm Zachary, call me Zach." Nakangiting sabi ko sakaniya at inabot ang aking kamay.

Tinignan niya naman ako at nagulat nalang ako ng bigla nalang siya tumawa.

"I know who you are. You're the Ambassador of our University, who wouldn't know you?" Nakasmirk na sabi niya at tinanggap ang aking kamay.

"Alam mo minsan ayokong naririnig yan. Hindi ko naman ginustong manalo e--hindi ko naman talaga gustong sumali." Inis na sabi ko at tumayo na mula sa aking kinauupuan.

"Kung hindi mo sasabihin ang pangalan mo, mauuna na ako. Mag-ingat ka pauwi ha baka sundan ka nung jejemon."

Nagsimula na ako maglakad papunta sa parking lot ng may humawak ulit sa aking kamay. May kakaiba akong naramdaman ng hawakan niya ito sa pangatlong pagkakataon.

"I'm Alex and it's my pleasure to meet you, Zach."

Tatalikod na sana siya ng may pumasok na ideya sa utak ko.

"Alex! Would you like to have some chat or coffee? Maybe both. If that's okay with you." Nahihiyang sabi ko.

"Doing both sounds nice." Nakangiting sabi niya at dun ko lang napansin ang dimple niya sa kaliwang pisngi niya.

This Girl (REVISED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon