UNANG KABANATA
'Years Ago'-/-
Seven years old
"OhMyGosh!!! He's here. OhMy! What should I do? Do I look okay? OhMy!!" Natatarantang bulong ng batang nagngangalang Yvie na siyang ikinasimangot ng batang nagngangalang James na pinapanood lang ang pagkataranta nito sa isang tabi.
Pilit na iniignora ng batang lalaki ang pagiging hysterical ng batang babae at ibinalik ang atensyon sa paglalaro ngunit lumipas ang ilang minuto ay hindi na niya kinaya ang paghihysterical nito kung kaya't nilapitan niya ito at sesermona't aawayin niya na sana ng bigla itong humarap sa kanya dahilan upang biglang magdikit ang kanilang mga labi at dahilan upang mapatulala ang kakapasok lang na batang lalaki kasama ang mga magulang nito at ng dalawang bata.
Nang makahuma sa pagkakagulat ang batang babae ay lumayo siya rito dahilan upang magkaroon ng distansya sa pagitan nilang dalawa at biglang sinampal ng pagkalakas lakas ng batang babae ang batang lalaking nasa harapan at nagtatakbong umakyat at nagkulong sa kwarto nito.
Kabi-kabilang sermon ang naririnig niya at napupuno na rin ng sigawan ang bahay na pag-aari ng pamilya ng batang babae ngunit kahit na ganoon ay wala siyang maintindihan kahit ni isa o di kaya'y narinig sa kung ano mang pinag-uusapan o pinag-aawayan ng kani kanilang mga magulang.
Dahil tanging iisang bagay lang ang tumatak sa kanyang isipan at iyon ay ang pagkakakuha niya sa pinaka-iingatang first kiss ni Yvie at hindi iyon maganda.
----
Five years later
Tulad nga ng naging hinala ni James ay hindi nga naging maganda ang mga sumunod na nangyare matapos ng pangyayareng iyon.
Ngunit ang mas hindi inakala at napaghandaan ni James ay nang dahil sa mga nangyare ay nawalang parang bula si Yvie na siyang araw-araw na niyang pinagsisisihan at pinagdudusahan
***
![](https://img.wattpad.com/cover/67514986-288-k399728.jpg)
BINABASA MO ANG
Who is My Papa?
ChickLitI like you since forever yet you're too numb to know that. - Anonymous --- Curious to know what it is? Abangan. ;)