#thedream

9 1 0
                                    

Loving a Stranger (Part 28)

SAMANTHA'S POV:

Sobrang sakit nung nagdaang away namin... naisip ko... parang lahat ng nagging away namin lately mas masakit at mas mabigat sa pakiramdam...

Yong tipong ang liit-liit na bagay ang naiisip na lang niyang solusyon... HIWALAYAN. Nakakatanga lang.

Naisip ko... kung napagiiwanan niya ako... di ba dapat ako din... naghahanda na za pag-alis niya?

So kumuha ako ng papel... at nagsimula akong magsulat...

MGA DAPAT GAWIN PARA HINDI MASAKTAN

1. HUWAG UMASANG MAKIKITA MO SIYA (hindi siya magpapakita sayo)

-ou nga naman... sa paulit-ulit ba naman na wala na siyang ibang ginawa kundi ipagpaliban lahat ng sana ay pagkikita namin... nakakatanga na din yong madalas na pag-asa...

Nakakatanga at nakakadala. So kung makikita ko man siya... bahala na... basta iiwasan kong umasa...

2. HUWAG UMASANG LAGI SIYANG MAGTITEXT SAYO (hindi lang sayo nauubos ang oras niya)

- ou nga naman. Ang dami naman niyang pagkaabalahan maliban sa akin ee. Sino lang ba naman kasi ako para pagkaabalahan niya?? Tagahintay lang naman ng kung kelan niya ako maaalala diba??

3. HUWAG UMASANG MAGIGING SWEET SIYA LAGI SAYO (noon kasi yon, mahal na mahal kapa daw kasi nya)

-uso naman kasi talaga yong ganun ee.. yon bang "sa umpisa ka lang mahal" hanggang sa marealize niya... hanggang sa marealize niya... na wala ka naman palang halaga sa kanya... okay... ikaw naman tong si tanga... iniiwan ka na sobrang minamahal mo pa din sya...

4. HUWAG UMASANG IKAW LANG.(katext na kasi niya ulet yong EX niya... baka magkabalikan pa ulit sila)

Ang sakit neto!!! Hahahaha :-D imagine mo yon? Kung ikaw na present ipagpapalit lang sa ex niya.... nakakasampal lang... pwedeng magmura??? :-D

5. HUWAG MAG-ASSUME NA SIYA NA ANG FOREVER MO (hindi mo alam may inaasahan pa siya at nakikipag-lensyak na FOREVER siya sa iba!)

-eto na yon ee.. yong sabi pa niyang "akin ka lang" tapos ikaw naman tong si tangang kilig na kilig at ang sagot ee "ou sayo lang ako".... ang sweet na sana... kaso hindi mo din kasi alam ee... baka kasi hindi naman ikaw yong gusto niyang ka-forever... dahil sa kanya lang... meron pa talagang iba... at ang sakit lang talaga...

Seryosong seryoso ako sa pagiisip ng ika-anim na dapat kong gawin ng biglang sumulpot si Enchong as usual...

ENCHONG: ui... ano yan?

SAMANTHA: eto? Wala lang...

ENCHONG: wala lang daw?? Ee bakit ganyan yang tsura mo dai... panes na... ngawa-ngawa ka nanaman...

hayyyy... bigla akong napabuga ng hangin... pakiramdam ko... tama nga siya... nararamdaman ko na yong pagod... pagod na ako... nahihirapan din... pero kung bakit... at kung bakit hindi ko siya maiwan.... ay dahil na dn ayaw ng puso kong maiwan...

SAMANTHA: chong... am i not worthy to be loved?

ENCHONG:ano ba namang tanong yan Mantha??

SAMANTHA: ang sakit na chong ee.. feeling ko... hindi ako karapatdapat sa kanya.. pakiramdam ko panggulo lang ako sa buhay niya... alam mo paulit-ulit noyang sinasabi sa akin... na pinagsisisihan niyang minahal niya ako... na sana di na lang niya ako nakilala...

...bakit ganun chong?? Kasuklam-suklam ba ako para ganun ang sabihin sa akin?

At tuluyan na ding humulagpos yong luhang pilit kong knikimkim... ang sakit na lang sa pakiramdam na ganun sa akin yong taong halos 3/4 ng buhay ko...

ENCHONG: mantha... tahan... ano ba yan...

SAMANTHA: hindi na ba niya ako mahal?

ENCHONG: hindi ko alam kung anong isasagot ko sa bagay na yan... pero kayong dalawa lang ang makakapagusap tungkol dyan..

...alam ko kung gaano kahirap at kasakit ang maisantabi at maiwanan... nararamdaman ko naman yan... pero Mantha... kung sobrang nasasaktan ka na... BITAW NA.

...minsan kasi hindi marerealize ng isang tao ang halaga mo hanggat alam niyang anjan ka...

...hanggat alam niyang mahal mo siya... hindi niya yon bibigyang halaga... kasi naniniwala siya na hindi ka mawawala sa buhay niya...

...pero hanggang kailan mo ba titiisi yong ganun? Yong alam mong iniiwan ka na nga nagsusumiksik ka pa din...

...Mantha hindi siya ang napapagod... IKAW... hindi siya ang napagiiwanan... IKAW. Hindi ikaw yong nasasaktan... IKAW.

...gusto mo bang ikaw lagi ang magsuffer dahil lang sa sobrang pagmamahal mo sa kanya??

Napatahimik ako sa tinuran ng kaibigan ko.... madalang tong magseryoso ee.. i mean.. nagsisink in naman lahat sa utak ko yong sinasabi niya... kaso ang problema... yong puso ko talaga...

SAMANTHA: paano ba tumigil na magmahal ang puso Chong??

...napapagod naman ang puso ee.. pagod na... katunayan... bugbog na... basag-basag na... pira-piraso na... kaso lensyak tong puso ko... dahil kahit anong sakit yong ginagawa niya... bakit sobrang mahal ko pa din siya???

...bakit sobra-sobrang mahal ko pa din siya??? Bakit chong??? Bakit??? :'( :'( :'( :'(

At tuluyan akong napaiyak sa balikat ng kaibigan ko... hindi ko alam kung hanggang kailan ako hahawak sa ganito... o kung may pinanghahawakan pa ba ako.?

Kung may inaasahan pa ba ako? Hindi ko alam. Basta ang alam ko... malapit na... ramdam ko na... malapit na akong maiwan... malapit na...

************************************************************

Nasa isang setting daw ako... kasama ko ang pamilya ko at ilang piling kaibigan...

Sa harap nun ay isang malawak na kagubatan... at sa gitna ng gubat na yon... nakita ko SIYA... nakangiti at kumakaway siya sa akin...

Agad akong pumunta sa kanya... may kung ilang lakad-takbo ang ginawa ko... dahil sa sobrang layo... pagdating ko sa kanya hingal na hingal ako...

Niyakap ko siya ng bupng pagkasabik... sabay bulong na sabi ko... "sa wakas! Nayakap at nakita din kita!" (^____________________^) ang tagal at higpit ng yakap ko sa kanya...

Maya-maya kumalas ako sa kanya para masilayan ang kanyang mukha... pero laking gulat ko... dahil yong akala ko na tao ang niyayakap ko... isang matandang puno lang pala...

Nagpalinga-linga ako sa pigid.. nagbabakasakaling muli ko siyang makita... at sa dako pa roon... sa malayong lugar pa na yon... nakita ko ulit siya... nakangiti siya... at kumakaway...

Gusto ko siyang mayakap ulit... gusto ko siyang makita ulit... pero parang may mga tinig na pumipigil sa akin... mga tinig na tumatawag sa aking pangalan na bumalik...

Sa isip ko... ayoko ng bumalik... gusto ko ng makasama siya... ang ganda ng ngiti niya... pinakamaganda sa lahat ng bagay na nasilayan ko...

Lumingon-lingon pa aq sa paligid ko... at para ba akong nawawala... hindi ko na alam kung saan ako tutungo... pero patuloy pa din na umaalingaw-ngaw ang mga tinig sa isip ko...

...PINAPABALIK AKO...

************************************************************

Bigla akong nagmulat ng mga sandaling yon... pakiramdam ko uhaw na uhaw ako... parang hingal na hingal at pagod na pagod...

Naisip ko bigla... bakit pa ako bumalik?? Masaya na ako doon... nakita ko na siya... nayakap ko na siya... bakit di na lang ako hinayaang maging masaya??? Bakit pa???

************************************************************



<<L.D.R.>> Loving a StrangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon