Luzy Pov
Si Kenneth nandito din sa party! Gusto ko syang lapitan. Pero wala akong mukhang maihaharap.
Kaya ako nandito kasama ko si Drake. Dahil magbest friend sila ni Mauricey. Nagkataon na sabay silang umuwi sa Pilipinas kaya inimbitahan niya kami na magpunta dito sa party.
'Luzy bakit parang bigla ka dyan nanahimik? Pagod ka na ba? Ano masakit ba dibdib mo?' Pagaalala ni Drake habang nakaakbay. Ang sweet kasi netong si Drake kaya minsan nga napagkakamalan ng iba na kami eh.
'Hindi ok lang ako Drake. Medyo pagod na siguro kaya ganto.' Pagdadahilan ko. May alam siya tungkol saamin ni Kenneth pero ayoko sabihin na dahil sakanya kaya ako nagkakaganito.
'Osige tara na. Baka mamaya ano pa mangyari sayo dito. Uwi na tayo. Anong oras na rin naman eh.'
Kelangan ko na ngang umuwi ayoko ng ganito na iisa ang lugar namin ni Kenneth. Baka atakihin pa ko sa sobrang kaba.
●-○-●-○
Aagh! 2am na hindi ako makatulog. Hindi siya maalis sa isip ko. Ang gwapo niya kanina. Oo hindi ko maalis yung mata ko sakanya. Bakit parang hindi na siya apektado? Nakamove on na ba siya? May nahanap na ba siyang iba? Masaya na siguro siya. Nakalimutan niya na din siguro ako.
Ayun naman ang gusto ko diba? Kalimutan niya ko. Bakit ang bilis naman niyang naghanap. Oo nga pala yun diba gusto ko. Pero bakit parang ayoko? Ang hirap. Ayoko na siyang guluhin pa masaya na siya sa buhay niya. May nagpapasaya na sakanya.
Gusto ko icheck account niya sa Facebook or IG. Kaso niblock ko siya. Kenneth kung alam mo lang gaano kita namimiss.
3a.m na siya padin ang naiisip ko. Hindi padin ako makatulog.
*reminder schedule to Dr. Gomez 8a.m*
Ahh oo nga pala! Aagh kelangan ko na matulog!
●-○-●-○
'Good morning ija. Kamusta ang pakiramdam mo? May nararamdaman ka ba lately? Regular mo bang nitatake ang mga medicines mo?' Usisa ni Dr. Gomez
'Ah opo regular ko pong iniinom yung gamot. Wala naman po akong ibang nararamdaman.'
Haynako nakakalimutan ko palang itake ung mga gamot ng regular.
'Osige icheck natin yang heart mo kung anong pagbabago'
Hayy ito nanaman. Lalo ko nagkakasakit tuwing nagpapacheck up e.
'Ija hindi ako nagkukulang sa iyo ng paalala. Hangga't maaari iwasan mo ang magpagod, mastress, at magpuyat. Hindi masyadong maganda ang result ngayon. Kapag tinuloy tuloy mo yang katigasan ng ulo mo hindi na natin alam ang susunod na mangyayari.' Paalala ni dr. Gomez saakin.
Hindi ko alam anong sasabihin ko. Ang tangi ko lang naiisip si Kenneth. Lalong wala na nagiging dahilan para balikan siya. Ayoko maiwan siya ng magisa. Tama na talaga ang desisyon kong saktan siya ngayon palang.
Patawarin mo ko Kenneth. Para rin sayo to. Sana maging masaya ka bago ko mawala.
BINABASA MO ANG
The Chance
RandomSi Luzy na handang magsakripisyo para sa taong mahal na mahal niya. Handa niyang iwan at saktan dahil sa tingin niyang iyon ang ikasasaya ni Kenneth. Ngunit dumating ang pagkakataon para ulit sakanilang dalawa. Maaamin kaya ni Luzy ang katotohanan...