Chapter 13

47 4 0
                                    

Luzy Pov

Kagagaling ko lang kay dr. Gomez at sinabi niyang hindi niya alam kung aabot pa ako ng dalawang buwan.

Ang sakit malaman na pahina na ako ng pahina. Kailangan bago ako mawala ay masabi ko na sakaniya.

Ngayon papunta ko sa meeting place namin ni Kenneth. Sobrang kabado ako habang palapit ng palapit sa coffee shop. Pabigat ng pabigat ang puso ko.

Nakita ko na siya nakiti sa akin ng malaki. Halatang masayang masaya siya. Hindi ito ang tamang panahon para sabihin sakaniya ang totoo.

Tama ang mommy niya hindi iyon ang makakatulong kay Kenneth para gumaling siya.

'Hi baby! Grabe sobra kitang namiss.' Salubong niya sakin sabay yakap na mahigpit.

'Tara! May pupuntahan tayo. Kaso medyo malayo para gabi tayo makarating..'

Habang bumibiyahe kami. Ang dami niyang kinukwento sa akin. Sobrang saya niya. At ayokong sirain yon ngayon.

Hanggang sa nakarating kami sa lugar. Ang dilim at ang tahimik.

'Kenneth bakit? Bakit ganito? Walang ilaw at ang tahimik pa. Nasaan tayo?'

'Huwag ka mag-alala nandito naman ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan. Trust me baby.'

Naglakad kami ng naglakad hanggang sa tumigil siya.

'Nandito na tayo baby' masaya niyang sabi

Pumalakpak siya at biglang nagkaroon ng liwanag.

Nakita ko ang mama niya, papa niya, ang pinsan niya at ang apat niyang barkada na nasa kanang bahagi.

Paglingon ko sa kaliwang bahagi naroon naman sila mommy, daddy, trisha, at ang dalawa kong kuya.

'Kenneth. Anong meron? Bakit nandito kayong lahat?'

'Luzy dahil gusto ko sila ang saksi sa mga mangyayari ngayong gabi.'

'Hindi ko maintindihan Kenneth. Ano yon?' Naguguluhan ako sa mga nangyayare.

Bigla ulit siyang pumalakpak at biglang may umilaw.

Kasabay non ang pagluhod niya habang tumutulo ang luha niya at may mga ngiti sa kaniyang mga mata.

'Luzy will you marry me?'

Hindi ako pwedeng maghindi dahil nandito ang pamilya namin. Ayoko mapahiya siya.

'Yes!' Sagot ko ng mapait

'YEEES! YES! YEEES!' masaya siyang nasisisigaw habang buhat ako.

Ang relasyon na ito ay nabubuo na ng kasinungalingan dahil sa akin. Hindi ko na alam kung ano tong pinasok ko.

Kenneth hindi to magtatagal. Kailangan masabi ko na sayo to bago pa mahuli ang lahat.

The ChanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon