One Last Ride

1K 29 13
                                    

Mika's POV:  

One Last Ride. One Last Ride for Seniors. One Last Game.

April 30, 2016: Eto na siguro ang pinaka malungkot na araw sa buhay ko. Huling pagkakataon para ipakita sa kanilang lahat ang mga pinagpaguran namin nung off-season. Huling laro naming mga Seniors, kaya gusto namin makuha ang pang-9 na Championship Title namin. Huling laro para sa la salle. Huling laro kasama siya.

Huli na nga ba talaga ako?
- - - - - - - -

Nandito kami ngayon sa coaster namin. NasaAraneta Coliseum na kami para sa UAAP Finals Game 3. Nagdadasal kami ngayon bago kami lumabas.

"In St. La Salle, we trust!" sabi naman ni KAF

Isa-isa na kaming bumababa coaster at maririnig mo talaga yung sigawan ng mga tao. Lalo na nung nakita nila kami ni Ara na magkasunod na lumabas mula sa coaster.

"Ay nalimutan ko yung knee pads ko sa upuan ko." sabi ko

"Ako na kukuha nasan ba?" nagulat naman ako sa nagsalita. Si Ara.

"Hindi ako na, mauna ka na dun susunod nalang ako sa inyo" tumakbo naman agad ako sa coaster.

Pagbaba ko nakita ko si Ara na nakatayo pa din sa pwesto kung saan ko siya iniwan. Pero ngayon may kausap siya sa phone kaya nilapitan ko na agad siya.

"Oo sige kim, nandito naman na si ye. Pupunta na kami." sabi niya sa kausap niya.

"Sino yun?" tanong ko sa kanya

"Tara! Tara!" hinawakan niya ako sa kamay at tumakbo kaming dalawa. Wala na kasi yung mga guards na nagbabawal sa mga tao na lumapit sa amin.

May mga fans pa rin kaming nakasunod sa amin pero malaki kaming tao kaya mabilis kaming tumakbo.

"Ate Mika!!"

"Ara!!! Galing pa kaming BCD, pa-picture naman!"

"Mika!! Ara!! Goodluck sa inyo mamaya! Get that W!!"

Lumingon naman ako sabay sabing, "Thank you!!" pati naman si Ara "Thank you po!!"

Pagdating namin sa Dug-out.

"Nako nandun na sila sa labas. Nag-warm up na sila. Pero kakalabas lang nila." sabi naman ni Kuya Resty (legit) na aming water boy hehe

"Kuya hintayin mo na kami before ka lumabas, sapatos nalang naman ilalagay namin please kuya." sabi naman ni Ara

"Oh sige dalian niyo baka pagalitan tayo ni Coach." napakamot naman ng ulo si Kuya

- - - - - - - -

Pagpasok namin ni Ara nakita ko naman agad yung crowd halos puno na ang venue ng crowd. Nagulat ako ng magtilian lahat ng mga naka-green.

"D-LS-U! Animo La Salle!" narealize na ng Animo Squad na lumabas na kami ni Ara.

"Mika! Ara!" tawag kami ni Coach. Patay.

"Yes coach?" sabi namin ni Ara ng sabay paglapit namin.

"Mag-warm up na kayong dalawa. Bilisan niyo sumunod nalang kayo sa mga teammates niyo." kalmadong sabi ni Coach

(A/N: Imagine niyo yung na-late si Mika at si Ara kaya silang dalawa lang yung naiiba)

Kami magbabanat pa ng buto, sila may hawak ng bola. Coach naman eh :(( Haha

"Pinapakilig niyo na naman fans niyo." sabi naman ni kim sa amin ni ara

ExcusesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon