Love Is Blind

712 27 2
                                    

V I C    

"Dad, look mo perfect yung nakuha kong score sa exam namin kanina." sabi ng nag-iisang anghel ko. 

Siya si Victoreen Kara Galang. Siya ang kaisa-isang anak namin ni Mika. Si Kara nalang ang naiwang alaala ni Mika sa akin matapos siyang bawian ng buhay last 5 years ago. Nakakalungkot lang na hindi niya man lang nasilayan ang anak namin. Sobrang nag-hirap si Mika dito sa anak namin biruin mo umabot pa sa 50/50 ang buhay niya mailabas niya lang 'tong first baby namin. Kaya sobra naming mahal 'tong si Kara.

"Anak, paano ko makikita yan? eh bulag nga ang daddy mo? ikaw talaga haha halika nga dito." niyakap ko siya

Oo, bulag na ako at yun ay dahil sa isang aksidente.

F L A S H B A C K

Pauwi na kami ni Mika galing kami ng Hospital dahil kapapanganak niya lang kay Kara nun pero naiwan si Kara sa ospital kasi kulang siya sa buwan kaya mas minabuti ng mga doktor na iwanan muna siya.

Nung mga panahon na yun hindi ko alam ang nararamdaman ko parang natatakot ako na iwan si Kara kasi mamaya baka pagbalik ko wala na siya at hindi ko yun hahayaang mangyari.

"Vic..." humihikbi na sabi ni Mika

"Mika. shhh. tahan na, magiging okay din si Kara." hinawakan ko naman ang kamay niya

"Natatakot ako na baka mawala siya sa atin." sabi naman niya at tumingin sa akin

"Hindi siya mawawala sa atin. Calm down Miks, kapapanganak mo palang 4 days ago baka mamaya ma-stress ka niyan." sabi ko naman sa kanya

Malapit na kami sa bahay namin ng may bumangga sa likurang bahagi ng sasakyan namin, nagulat ako kaya nawalan ako ng konsentrasyon sa pagmamaneho, pababa pa naman yung kalsada kaya mas minabuti ko nalang na ibangga sa puno yung sinasakyan namin kasi nagulat ako eh, hndi ko alam ang gagawin ko.

*Blaaaaaaaaaaagggggggggg*

Pagmulat ng mata ko wala na akong makita, bright colors lang ang nakikita ko tapos sobrang blurred na lahat ng nasa paligid. Ang susunod na nangyari ay may bumuhat sa akin at isinakay ako sa Ambulance at pagbitaw sa akin... nawalan na ako ng malay.

E N D O F F L A S H B A C K

"Dad, hindi mo parin talaga nakakalimutan yung kwento na yan ah haha" sabi ni Kara sa akin

"Siyempre anak, yun ang dahilan kung bakit nabulag ako. Alam mo ba na may mga pumasok na bubog sa mata ko? masakit yun anak." sabi ko sa kanya habang hinahaplos ang buhok niya

"Eh dad tignan mo oh mukhang di ka naman bulag haha maayos naman eyes mo mana nga ako sayo sa eyes eh." hinawakan naman niya ang mata ko "Parang walang nagbago dad haha" dugtong pa niya

"Buti nga ganun pa din ang itsura ng mata ko eh parang hindi ako bulag. Pangit na si daddy mo pag i don't have eyes di ba?" sabi ko kay Kara

"Gwapo ka pa rin dad haha" hinalikan naman niya ako sa noo at sa ilong

"Eh yung kwento kung bakit namatay ang mom mo? natatandaan mo pa ba?" tanong ko sa anak ko

"Tandang- tanda dad, pero pwede mo bang ulitin for me? you know what dad yung dalawang kwento na yan hindi nakakasawa." sabi niya at nag-lean sa shoulder ko

"Mabuti kung ganun anak haha. Pero totoo ba yan na hindi ka nagsasawa?" tumingin naman ako sa kanya

"Hindi dad kaya please make kwento na dad." iritable niyang sagot.

ExcusesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon