Chapter 2- (First Day)
-Margaux POV
First day na ngayon at Papasok nako ng university ng harangin ako ng guard.
"Ah miss?"
"Bakit po?" -nagtatakang tanong ko.
"transfer ka no?" -tanong nito
"Ah opo. Bakit po?" -Nagtataka naman ako kung bakit, Hays. Kinakabahan naman ako dito 😔😔
"Ah wala naman. Mag ingat kana lang dyan!" -Then ngumiti sya sa akin at ganun din naman ako. Dumiretso na lang ako hanggang sa nakapasok na ako. Waaaaahhhh Ang daming tao, 😭😭 At ang worst pa dun ay.. Lahat sila nakatingin sa akin, Siguro nagtataka sila kung bakit ako nandito.
Girl#1: Who's that girl? -bulong nito sa katabi nya pero narinig ko naman.
Girl#2: Siguro sya yung transferee dito, duh. Sinisira nya yung image ng campus naten, di sya bagay dito. -inis na sabi naman nung isa
Girl#3: Wtf? ano yan? ang manang ng dating, Ang lakas ng loob nya para mag aral dito sa elite university nato.
--Ayan na nga ba anf sinasabi ko eh. Grabe naman pala yung mga tao dito, Ang sasama ng ugali. Thankyou sa pag welcome sakin ahh! 😏😏
"Aaaaahhhhh ang F*ckboys!!!!" -tilian ng mga estudyante na nakasakit sa tenga ko. Araaaay ko jusko! sino ba yung mga yun?!!
Nagsitakbuhan yung mga babae dun sa gate at ako naman ay ayun muntik ng matabunan, buti na lang at tumayo agad ako. So nag tanong nako sa isa sa mga taong natitira dito.. Hm saan kaya yung main lobby? diko pa alam yung section ko eh.
Nagtanong ako sa isang estudyante dito at agad naman akong pumunta dun. Hmmmmmm so A-1 ang section ko?
*Kriiiinggggg*
Naku bell na, so lumabas nako ng main lobby at nag start ng hanapin ang room ko..
Asan ko naman hahanapin yun? eh napakalaki ng campus nato?!! Hays bahala na nga.. Dumaan ako sa field, ang laki ng field nato.. Tss, late nako at wala na rin masyadong estudyante dito. so naghanap ako ng matatanungan ko at luckily meron dung tao sa may likod ng puno.
pumunta ko dun at nagtanong sa kanya..
"Ah excuse me? pwede pong magtanong?" -sabi ko dun sa lalaking nagbabasa lang ng libro, teka wala ba tong balak pumasok? Hmm. Tinignan lang nya ko ng blanko at bumalik na sya sa pagbabasa nya.
"Doon!" -at may tinura syang building dun.
"Ah salamat!" -then aalis na sana ako kaso may nakalimutan akong itanong..
"Amm. Anong floor? hehe" -at napakamot ako sa ulo ko.
"3rd floor sa may dulo." - tumayo sya sa kinauupuan nya at naglakad na palayo. Kaya tumakbo na agad ako sa sinabi nya at hinanap ko agad yung room ko,
"Goodmorning, s-sorry im late" -hingal na hingal akong huminto sa isang room na may nakalagay na A-1 sa taas.
Nagulat ako kasi pagkahinto na pagkahinto ko dun ay may biglang tumapon sa muka ko ng papel. Napahinto sila sa kaingayan at kaguluhan nila ng makita nila ako. Nakakagulat kasi ganto ba talaga yung school nato? halos lahat ng dinaanan kong classroom ay maingay.
Nakatingin lang sila sakin na parang nandidiri.
"Omg? Sino yan? Ang manang g suot, pwe!" -sabi nung isang naka short shorts at mukang clown dahil sa kakapalan ng make up.
"Nerd na panget!" -sabi nung isang naka skirt at naka ponytale na mataas
"Ewwwww. Ang Panget nya!" -sabi pa nung isang naka black lipstick.
Nerd na panget?! Haha sanay nako dyan 😂😂😭
"A-ah ms. delacruz?! Halika dito." -tawag sakin nung teacher na maganda sa harap na kanina pa nagpapatahimik sa mga estudyante nya.
So pumunta ako dun sa harap habang tinitigan nila akong lahat ng masama.
"Akala ko maganda yung transferee!"- -sabi nung isang lalaki
"chixx sana kaso inday!" -sabay tawa nung isa
"Quiet boys. Ms. delacruz, introduce yourself!" -sabay smile nito sa akin.
"Amm. I'm---" naputol yung sasabihin ko kasi biglang may nagsalita
"I'm nerd at pangit ako kaya di ako bagay dito" -pang gagaya nung babae sa boses ko
"HAHAHAHAHAHA!! 😂😂😂" -at nagtawanan naman silang lahat. O-key tama ako bubullyhin lang ako dito pero di ako papatinag sa kanila.
"I'm Margaux Delacruz, 16 yrs old at scholar ako dito kaya nakapasok ako!" -natigil sila sa pagtatawanan kasi bigla akong nagsalita. nag smile ako sa kanilang lahat 😊 at pumunta ko dun sa pinaka dulo at umupo.
"Si ms. delacruz yung transferee natin dito kasi sya yung nakakuha ng perfect score sa test na pina sagutan namin at sya yung naka perfect ng lahat ng exams sa campus dito, kaya kinuha syang scholar dito." -pagpapakilala sakin ng teacher
"So btw I'm mrs. delarosa at alam kong kilala nako ng iba dito. Ayt wait lang students brb! 😉" -nagwink sya sa amin at tuluyan ng lumisan dito sa room kaya nag ingay na ulit ang mga estudyante but this time ak na yung topic nilang lahat, si nagbasa na lang ako ng nagbasa at hindi ko na lang sila pinansin...
Waaah ang ganda ng binabasa ko, nakakatense.. Pinagpatuloy ko lang ang binabasa ko kahit alam kong maraming matang nakatingin sakin. Ang ganda ng part nato kaya mas magandang basahin to ng tahimi-----
"Kyaaaaaahhh ang F*ckboys!!" -Tili nung isang studyante sa harap ko
"Kyaaaaaaaaa terrence my love, Be mine!" -Naiiyak na sabi nung babae
at nagpatuloy lang sila sa pagsisigaw dun, Tss pangalan pa lang parang alam mo na ibig sabihin..
ng grupo na yun. So tinry kong tignan at halos lumuwa ang mga mata ko dahil sa mga gwaping pumasok sa classroom, ayt gwapo nga sila pero sinira nila yung pagbabasa ko dito. 😒😒 At alam ko na kapag ganyan, mga playboy yun. Nakita ko rin yung napagtanungan ko kanina dun sa may likod ng puno, Nasabi ko na bang gwapo sya? well, oo ang gwapo nya pero di ako naa-attract dun kasi kilala ko na mga ganyang klase ng tao. Hays, so balik pagbabasa na lang ako ng biglang may kumuha sa binabasa kong libro, Hala??!! Tumayo ako para sana kuhain yung libro ko ng nagulat ako kung sino yung kumuha nito, isa ata sa f.b to, Naka side yung buhok nya at may black earings, mukang gangster pero cool tignan sa kanya. Pero naiinis ako kasi nabitin yung pagbabasa ko dahil sa kanya 😠😠
"Akin na yan!" -Mahinahong sabi ko sa kanya
"Uyyyy may transferee pala tayo dito, bat ang panget?" -Abaaa!! gwapo nga ang sama naman ng ugali.
"Akin na kasi yan!" -mahinahon parin kong sinabi yan pero this time inagaw ko na sakanya yung libro pero diko nakuha agad kasi nilayo nya ito.
"Hi ms. nerd? Welcome to F.U ☺☺" -pagpapacute naman nung isang may dslr sa leeg.
"Bat ang panget ng nag transfer dito? Tss. "- sabi nung lalaking kumuha ng libro ko, Argh. ang yabang!! 😠
"Akin na kasi yan!" -wews galit nako.
"Pano kung ayoko?!" -pang aasar nya at nilapit nya sakin yung mukha nya. Agad ko naman tinulak yung mukha nya dahil baka halikan pako nito.
"Ayyyy choosy ni ate! Kala mo maganda. " -sabi nya pa sabay nagtawanan yung mga cmate ko na kanina pa pala nanonood sa amin at nagvi-video.
"Stop that non-sense tara na at nagsasayang lang kayo ng oras dyan sa pangit na yan!" -sabat naman nung isang babaeng clown na agad lumapit dun sa lalaking naka earings at sabay halik. at naghalikan nman sila sa harapan ko pero di ako tumingin kasi pumikit agad ako. Yuck! wala man lang privacy.
*Blaaag*
Napadilat naman ako dahil sa narinig ko. Naka salampak na sa sahig yung babae, siguro tinulak nitong lalaki nato. Argh ang sama!
"Next time baby galingan mo naman ah?" -sabi nito at nagtawanan yung mga taong nasa paligid namin
"Ibigay mo na nga sakin yan!" -sabi ko na iritang irita na.
"A.y.o.k.o nga!" -pang aasar pa nito.
"Give that to me manwhore! 😡😡" -ooppss nasobrahan ata ako, yaaayy. Mukang nagalit sya! 😨😨
"WHAT DID YOU SAY?" -he asked and he stared at me na parang nagbabanta.
"GIVE THAT TO ME! M-MANWHORE!! "-Pag uulit ko sa sinabi ko kanina, pinapaulit nya eh.
"You b*tch" -Then umakto sya na pupunitin nya yung libro ko pero kinuha ko to agad sa kanya.
*Scraaattchheed*
Napunit na nga ng tuluyan 😭😭😠
Ang libro ko!! 😭😭😡
Binigay sakin to ni... Arghhhh!
"Hahaha ayan buti nga sayo Bleeee 😜😜" -sabi nito sabay alis sa harapan ko.
"Ang s-sama *sob* mo!!" -at nag walk out ako habang umiiyak. Dire-diretso lang ako hanggang sa napadpad ako sa likod ata ng school, wala masyadong estudyante at tahimik din. umupo ako sa likod ng puno at doon nag iiyak.
"Ang sama nya! *sob* ano bang ginawa k-ko sa kanya? *sob* bat pa-ti libro ko dinamay nya? *sob* " -patuloy lang ako sa pag iyak ko habang binubunot ko yung mga damo. Tss, kawawa naman tong mga damo. pati sila nadadamay sa galit ko. Hays! 😩😩
"Oh!" -may narinig akong boses kaya agad kong tinignan kung sino ito, malabo pa yung mata ko kaya diko masyadong naaninag kung sino. Kinuha ko yung panyo at pinunas ko sa muka ko tapos pag tingala ko ay wala ng tao dun. Hala? san na napunta yung taong yun? diman lang ako nakapag pasalamat. Hays!
Ng maalala ko yung libro ko, back to iyak ulit ako. Buti na lang may panyo kaya napunasan ko ito kaagad. Pwede nya namang saktan na lang ako pero bakit dinamay nya pa yung libro ko? ang pinaka importanteng bagay sa buhay ko. *sob* binigay to sakin ng mga totoo kong magulang nung bata pa ako bago sila mamatay. at dahil bata pa ako nun diko na maalala yung muka nila at diko rin alam pangalan nila, kinuwento lang ito sakin mama karen at binigay nya sakin yung librong ito, bigay daw sakin ng totoo kong mga magulang bago sila mamatay. *sob* pati ba naman ang natitirang alaala ng mga magulang ko masisira na? *sob* sobrang importante nito sakin. kaya grabe yung iyak ko nung mawala to, buti na nga lang at nahanap agad eh. *sob* asan na kaya ang pamilya ko ngayon? sana masaya sila ngayon?! *sob*
---FAST FORWARD----Bad day, Nakauwi nako sa bahay at namamaga pa yung mata ko kaya nagpahinga na agad ako. First day, bad day! worst day pala!! 😭😭
Ang daming nangyaring masasamang bagay ngayon kaya napagod ako kakaiyak.
So ayun nga sinamahan ako nung teacher ko kanina para i-tour ako sa buong campus. Kabisado ko na sya konti, pero napagod talaga ko this day kaya di na ako nakakain at natulog na agad ako.-End of chapter 2-
(a/n: Haha Kamusta ang chapter 2? Hahaha 😂 )
BINABASA MO ANG
The Queen Of Heirs.
Подростковая литератураTHE QUEEN OF HEIRS~ The queen of queens Maraming nagsasabi na ang 'COMMONER WILL ALWAYS BE A COMMONER' .. Ang isang Nerd na Commoner?! Biglang magiging Queen of Heirs?! Awesome. Unbelievable diba? Ang dating ginagawang lupa ay biglang titingalain...