Chapter 13

6 2 0
                                    

Chapter 13 -( Debate day )

Margaux POV-

Debate na ng mga running for presidents ngayon. Nakapag practice narin kami ng mga gagawin namin para mamaya.. Nakasuot kami ng pinagawang tshirts ni terrence para sa 1D partylist.. So ngayon nagpapahinga na kami dahil alam namin na mapapasabak kami mamaya, lalo na ako sa isang laban *deep* 😂
"Margaux, Goodluck mamaya! 😉" -then nginitian ako ni terrence at tumabi na sa akin.

*fast forward*

This is it! Kaya yan margaux 😌
"Let us call the partylist of beauty and care, The B&C official.. 😍😍" -pumasok naman sila brithany sabay ng malakas na palakpakan at hiyawan.
"And may we call the partylist of freedom 'kunno' the trap party official! " -mas lalong lumakas yung hiyawan dahil pumasok sila yohan, Omg? Kami na next..
"Kaya yan!" -then hinawakan ni terrence yung kamay ko at pagkatawag na pagkatawag sa partylist namin, lumabas agad kami ng magkahawak kama. Aweeee ☺☺
"And last is, the partylist of one way, the 1D official" -malakas na naghiyawan ang mga fans ni terrence, at nagulat siguro sila dahil magka holding hands kami ni terrence, napabitaw naman ako dito at pilit na ngumiti sa kanya.
"Presidents, you may start!" -sabi nung MC..
At nag start na si yohan magpakilala,
Tumingin sya sakin at nginitian nya lang ako at nag goodluck sign naman ako sa kanya at ngumiti.
"Good afternoon Fountain University!! *Aaaahhh-- tilian nung mga fans ni mokong* are you ready for the freedom kunno? *aaaahhhh yes baby!! -sabi nung ibang girls*" - Hahaha ang corny ng mokong nato.
"I dont have experience sa mga ganto but I promise that if ever manalo ako dito, This school year will be the best year in your life.. And all your wants will be heard! Kung ano yung gusto nyo, Then we'll push to do it asap. If you want me, then I'll give myself to you! *Aaaaaahhhhh --puro tilian ng mga babae yung mga naririnig ko.* " -natawa naman ako sa sinabi nya at tumingin sya sakin sabay tumawa.. Napailing na lang ako sa kanya habang nakangiti.. Hahahaha kahit kailan talaga tong mokong nato!! 😂😂😝
.....
Nung natapos na ang trap party official sumunod naman ang B&C official..
"Hello to my beloved students of this beloved university!" -pagkasabi ni brithany nun, marami ding naghiyawan....
Nung magsasalita na sana ulit sya, bigla akong hinila ni mitch..
"bakit bess? Tayo na yung next!!!" -sabi ko kay mitch kasi bigla nya akong hinila sa may backstage..
"I know. Pero hindi ka pwedeng humarap sa mga estudyante dito na ganyan yung itsura mo, look at you.. Ang haggard mo na!! Kaya andito sila para sa minute make up na gagawin sayo, dont worry mabilisan lang to!!" -hindi nako nakaangal at pinaupo na nila agad ako, wala pang 10 min. Ay tapos na kong ayusan kasama narin ang buhok..
"oh diba perfect!" -sabi nung beki na nagayos sakin..
"Tara na bess!!" -at hinila nako nito pabalik ng stage..
"---hahayaan nyo ba na ang isang panget na nerd lang ang mananalo sa election nato? *No it cant be!! -sabi nung mga ibang estudyante* " -pagkabalik na pagkabalik namin ay ito agad ang bumungad samin, Aish. Pati ba naman dito? Tss. Hayaan ko na nga lang..
"Kaya blah blah blah blah..... " -ng matapos na sila, tinawag na ang partylist namin at sabay na tumugtog ang one thing..
Nagpalakpakan naman yung mga tao at siguro nagulat sila sa looks ko..

Yohan's POV-
Pagkatawag sa partylist nila margaux biglang tumugtog yung one thing.. Naks, bagong pakulo! Hahaha
Nakita ko si margaux, ang ganda nya 😍😍 Curly hair at naka red lips sya. 😍
Ang ganda talaga nya as in, naiinlove na ko..
*dug dug dug dug dug dug*
Aish. Joke lang joke lang!! Erase that erase that..
So ayun sumasayaw na silang lahat, magkatinginan sila ni terrence habang tumatawa..
Ewan ko pero bigla akong nainis, ayt. Ang dami nilang alam! Mas mabuti pang itigil na nila yang kalokohan nila.. Ang panget tignan, parang mga bata. Nako!! 😏😏 ang corny boset.
Nakatingin lang ako sa kanila..
"Hoy bro! Ang sama mo makatingin ah, Nagseselos kaba?!" -biglang sulpot ni clark..
Tumingin naman ako sa kanya ng masama..
"Ayt hehe jk lang fare! Ikaw naman di mabiro, sge nood lang ako ah?! " -sabi ni clark at nag start ng manood..
" .. You got that One thing!!" - at nagpalakpakan naman yung mga estudyante..
"Goodafternoon Students!" -masiglang bungad ni terrence,
"bago ang lahat, gusto nyo ba kaming mag duet ng next president nyo?!" -maraming nagtilian pero marami ring bashers. Ngek ano daw? Mag du-duet sila?! Psh. Wag na nakakasira lang kayo ng hapon 😏 Duet duet.. Duet nyo muka niyo!!
"bakit ngayon ka lang..." -si terrence yung kumanta sa simula at maraming naghiyawan na girls, tss. Kung ako yan baka napuno pa tong auditorium nato..
".. Sanay nalaman ko, na darating ka sa buhay ko edi sana'y naghintay ako..." -si margaux na yun.. Infairness maganda rin yung boses nya, pero di sila bagay ni terrence.. Panget yang nerd na yan! 😏
"Ikaw sana, ang aking yakapyakap.." -si terrence sabay akbay kay margaux, nag ayiiieeee naman yung mga tao, nako nako!! Anong nakakakilig dyan? ......
Pweeee! Kasuka. 😝😝
".. Ang iyong kamay ay aking hawak hawak..." -at hinawakan naman ni terrence yung kamay ni nerd.
Yucks! Kaumay 😝😏😏
"..bakit ngayon ka lang, dumating sa buhay ko.. Pilit binubuksan ang sarado kong aking puso, ikaw ba (ikaw ba ay.. Nararapat sa ahakin)...." -tas nakatingin sila sa isat isa..
Argghhh!! Ang landi bwisit..
Sa sobrang inis ko nag walk out na lang ako..

Clark's POV-
(salamat author, iloveyou na 😂😘😚)

Hahahaha natatawa ako kay terrence, habang kumakanta yung dalawa grabe yung mga titig nya.. Akala naman nya diko alam na nagseselos sya? Halata kaya sa tingin nya, hahaha ang cute nya nga pag naiinis eh kaya ang sarap nitong inisin, oyyyy di ako bakla ano!!! Sa gwapo kong to magiging bakla ako?? Pwee..

Umalis si yohan sa kinatatayuan nya, siguro hindi kinaya yung mga nakikita nya. Hahahaha 😂 Naks binata na si fareng yohan, haha Kahit sabihin nya pang di sya nag seselos.. Nararamdaman ko parin ito, Tss. Hindi nga ako bakla!! Mag kaibigan lang talaga kami kaya nararamdaman ko kung ano yung nararamdaman nya, syempre as a friend... Ayt ayt masyadong defensive yung datingan, eh basta pogi ako 😉
So ayun, natapos na silang kumanta at nag start ng magsalita si nerd..
After nyang magsalita, yung MC naman ay may inannounce na..
"Ok students, the voting lines is now open.. Vote wisely, at bukas malalaman na natin ang results ng botohan kung sino yung mga nanalo bilang officers ng school nato, so goodluck officials!" -sabi nung MC at nagpalakpakan na ang lahat...
San kaya pumunta yung si yohan na yun? Hahaha siguro naginom na, haha ganun naman talaga yun kapag nagseselos eh, Nag iinom magisa.. Katulad nung sa gusto nyang babae dati, hindi nya naging girlfriend yun kasi torpe to pag dating sa nagugustuhan nya.. Alam ko naman na nagselos sya dun sa lalaking naging close ni maiden.. At dahil mabagal tong bestfriend ko, ayun nagkatuluyan yung maiden at yung lalaking naging close nito at hanggang tingin na lang tuloy si yohan dun, at tuwing masasaktan sya nag iinom yun... Hahahaha kaya nga kilala ko na yung mga tinginang ganun nung nakatingin sya kila nerd eh.. Ayt ang daldal ko 😲😲 Basta wag nyo sasabihin na ako nag sabi ahh? Yare ako dun 😭😭
Osya sge, kaway na lang kayo sakin kahit bitin tong POV ko 😂😂

-----end of chapter 13-----

(a/n: Hey guys!! ☺☺ Bitin ba? Well, Hayaan nyo na para exciting sa next na mga chapters. Aweee 😍😍 Please vote and comment guys. Labyu!! 😚💘 Hi kay jannababes! 👋😻)

The Queen Of Heirs. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon