Bumaba ako ng jeep at dali daling naglakad papuntang gate ng school. Tumingin ako sa orasan ko. 'Patay ! Late nanaman ako.' Sa isip-isip ko.
Masungit pa naman din ang teacher namin ngayon. Tumakbo pa ako ng tumakbo hanggang sa makarating ako sa pintuan at laking gulat ko ng walang tao sa classroom. "Teka nasaan sila?" Tanong ko sa sarili ko.
"Nasa likod sila gumagawa ng assignment sa math." Nagulat pa ako ng may magsalita sa likod ko. Si Paul pala.
"Ganon ba, eh ikaw may assignment na?" Tanong ko sa kaniya pero umiling lang siya. Buti nalang at nakagawa ako ng assignment kagabi kung hindi nako!
"Wala pa meron kaba? Pakopya naman ako, hindi ko kasi masyadong naintindihan ang paliwanag ni Sir. " Inilabas ko ang notebook ko sa math at iniabot sa kaniya. Umupo lang kami sa mga upuan dito sa harap ng classroom namin.
"Wow alam mo kahit siguro natutulog ka kayang kaya mo to i-solve hano Mia." Nakangiting salita niya sa akin.
"Grabe hindi naman." At sabay kaming nagtawanan. Nalaman ko din kay Paul na wala ang 1st subj. Namin kaya heto gawaan ng assignment dahil susunod na ang math.
Hanggang sa dumating na ang oras ng math namin at halos lahat ay tama ang sagot syempre lahat din kami ay may assignment. Nag discuss na din si Sir at syempre medyo may nakakalito kaya hindi namin maiwasan ang magtanong kung paano nahanap yung ex ay I mean X pala.
Karamihan sa amin ay nga-nga dahil sa math. Nakakubos din kasi ng pasensya ang subject na ito kahit kailan. "Mia pwede bang turuan mo ako sa math mamayang uwian ? Kasi naguguluhan talaga ako." Si Paul iyan. Recess na kasi namin at lumapit siya.
"Oo ba ikaw pa." At ngumiti. 2years na kaming magkaiskuela ni Paul at parehas na accountancy. Magkaibigan lang kami dahil..
"Sige kakain lang ni Rica." Yah, may girlfriend si Paul at kabarkada ko siya. Actually magkaibigan kami pero hindi ganon na sobrang close sa isat isa syempre may girlfriend na siya at dapat sa kaniya lang nakatuon ang atensyon nito.
Lumipas ang ilang oras ay nag-uwian na din kami. Naglalakad ako palabas ng gate ng makita ko si Paul na tumatakbo papalapit sa akin. "Mia! Akala ko hindi na kita maabutan." Humahangos na salita niya sa akin.
"Ay oo nga pala, muntikan ko ng makalimutan. Nasaan na si Rica?"Tanong ko sa kaniya.
"Ayon kahahatid ko lang nakasakay na din siya ng jeep." Tumango-tango nalang ako at lumakad na ulit pero this time kasama ko na si Paul.
Inaya niya ako na mag miryenda muna daw kami pero as if naman na sukli lang niya to dahil tinuruan ko siya sa math. "Bakit ganon, ang galing mo sa math hanep." Natatawa niyang salita sa akin habang kumakain pa ng fries.
"Grabe huwag kang mag-alala tuturuan naman lagi, hindi mo na kailangang mambola. " At sabay kaming nagtawanan. Maya maya pa ay naghiwalay na rin kami dahil sobra ng hapon. Hinantay lang niya akong makasakay pagkatapos sumakay na rin siya.
Pagkadating ko sa bahay ay halos wala na ata akong makitang tao dito sa sobrang tahimik. My parents are both busy dahil sa aming business. I don't think if nakakakain pa nga ba sila on time dahil sa dami ng trabaho. Nasanay na ako na kapag may graduation, recognition, even card meeting etc. Na with parent ay laging si Yaya Mila ang kasama ko. They have no time for me but I understand na hindi naman ako magkakaroon ng marangyang buhay kung hindi sa pagsisikap nila. I'm only child and I am Miazanna Domingo.
BINABASA MO ANG
Loving You Is A Mistake
Short StoryNasabi mo na ba sa sarili mo na "Ang mahalin siya ay isang pagkakamali lamang." Sa kabila ng saya na naidudulot niya sa iyo ay katambal nito ang sakit na mararanasan mo. Ito ay ang LOVING YOU IS A MISTAKE -Fieryalih Copyright 2016 Fieryalih | All...