LYisaM 2

947 19 0
                                    

This is it! Prom night na namin! Excited ako na kinakabahan. Paano ba naman first time ko palang na makaka attend sa ganito. At gagawin kong memorable ang sandali nito. Huminto ang sasakyan namin sa venue, kitang kita ang mga naggagandahang babae suot ang kanilang mga magagarang damit. Luminga linga ako upang makita ang date ko at yes I saw him papalipit na siya sa akin.

I gave my genuine smile ng makalapit sya sa akin and then he offered his hand so I accepted it. Sabay kaming kumakad papuntang loob at pinaupo niya ako. No doubt he is gentleman that every girls dream. Tumabi siya sa akin at bumulong. "Wait me here." Ngumiti lang ako bilang sagot at umakis na nga siya sa tabi ko. May surprise ba siya ? Pagkaalis naman niya ay tumabi sa akin ang kaibigan kong si Nica.

"Where's your date huh? Nasa tanga niya bang ex girlfriend?" Nica is prangka, una palang he didn't like Paul. Tutol din siya sa pagiging malapit namin sa isat isa kahit na sinasabi ko na sa kaniyang guy bestfriend ko ito.

"Nics, easy ok? All we need to do is enjoy this party." Nagkibit balikat lang siya at uminom ng juice. Nagsimula na ang ilang seremonyas at hanggang sa tumugtog na ang sweet na kanta. Kanina ko pa hinahanap si Paul pero hindi ko makita kaya naman kumain nalang ako ng kumain hanggang sa nagulat ako ng may nag offer ng kamay niya para isayaw ako.

"Can I dance with you?" Ya si Paul iyon. Ngumiti ako bago kunin ang kamay niya at naglakad kami papuntang dance floor. Parehas na kamay ko ang nakalagay sa leeg niya habang ang mga kamay naman niya ay nasa aking bewang. "Are you happy?" Yes because I'm with you. Gusto ko sana sabihin iyon pero hindi maaari, hindi ko alam kung anong nagtutulak sa akin kaya naman ngumiti lang ako sa kaniya at tumango. "May sasabihin sana ako sa iyo." Sumeryoso ako ng sabihin niya ito sa akin.

"Spill." Masayang bigkas ko.

"Kami na uli ni Rica, nagkausap na kami kanina." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil sa balita ng bestfriend ko. Ngumiti ako ng pilit sa kaniya at iniwas ang mga mata. Napawi ang kanina ay matamis na ngiti ko sa kaniya. "Hey, hindi kaba masaya?" Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng sobra para naman makumbinsi ko siya na masaya talaga ako para sa kaniya.

"No masayang masaya ako para sa iyo at para sa inyo." Sinungaling. Sigaw ng isip ko, wala naman akong magagawa dahil una palang si Rica na talaga ang mahal niya at kaibigan lang ako.

Matapos ang prom ay halos madalang nalang kung replyan ko si Paul. Tama lang naman diba ? Ngayon In a relationship na siya kaya dapat mas lalo akong dumistansya sa kaniya. "Mia!" Binilisan ko pa ang mga hakbang ko para hindi ako maabutan ni Paul. Pero sadyang mas mabilis siya sa akin kaya naharangan niya ako."Mia magusap nga tayo." Pero umiling ako sa kaniya.

"Wala tayong dapat pag usapan Paul." Nagtangka akong umalis pero hinawakan niya ang braso ko.

"Mia naman, hindi ko alam kung anong nangyayari sayo. Akala ko ba best friends tayo pero bakit ikaw tong umiiwas sa akin?" Napa buntong hininga ako dahil sa mga sinasabi niya. Oo hindi na kami ganong nag uusap at napaka dalang pa sa madalang. "Mia hindi ko kayang mawala ka. Please naman huwag kang umiwas." Pagmamakaawa niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya at bakas ang lungkot sa mga mata niya.

"I'm sorry Paul. Gusto ko kasing dumistansya sayo dahil may girlfriend kana at baka kung anong isipin ng iba." Hinawakan niya ang kamay ko bago siya magsalita.

"Mia wala akong pakielam sa sasabihin ng iba basta huwag ka lang mawala. Hindi ko kasi kaya." Mula sa mga salita niyang iyon ay bumalik kami sa dati. Yung halos hindi na mapaghiwalay na dalawa. Masasabi ko na sweet sa akin si Paul dahil sa mga pinapakita niya sa akin. Kung paano niya ako itrato at alagaan.

Loving You Is A MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon