Kapag mahal mo nga naman ang isang tao, gagawin mo ang lahat makuha lamang siya. Lumang tugtugin ngunit tunay at kasalukuyang nananalaytay sa dugo ng bawat isa sa atin. Sino nga ba'ng hindi naging tanga dahil sa pagmamahal? Masaklap ngunit hindi maitatangging masarap at masaya. Lahat dumadaan sa ganitong mga sitwasyon. Dahil kung hindi, maaaring hindi ka tunay na nagmahal. Maaaring nagpapakitang-tao ka lang o sadyang wala ka pang nalalaman sa kung ano nga ba ang tunay na pag-ibig.
Ngunit paano kung natutunan mo nang umibig at naranasan mo nang masaktan? Susuko ka na lang ba? Ang tunay na pag-ibig ay may kalakip na sakit na kailangan maranasan ng bawat isa sa atin upang matuto at makatayo sa sariling mga paa. Bawat araw na dadaan ay isang malaking bahagi sa buhay mo kapag nagmamahal ka na. Mahirap ipaliwanag ang pakiramdam ngunit isa lamang ang sigurado - magbabaon ka ng ngiti sa iyong mga labi sa bawat oras at araw na dadaan sa iyo, masakit man o masaya ang iyong madama.
Sa mga susunod na kabanata ay matutunghayan ninyo ang isang kwento ng pag-ibig na tatatak sa inyong mga puso at isip. Maaaring nakapinid pa ang inyong mga mata sa tunay na buhay ngunit bukas ang inyong mga puso upang madama at malasap ang kagandahan ng buhay at pag-ibig sa bawat buwan, linggo, araw, oras, minuto, at segundo...
BINABASA MO ANG
TANAW
Teen FictionPaano mo pinahahalagahan ang buhay mo? Ang taong mahal mo? Ang mga taong nagmamahal sa'yo? Paano kung huli na ang lahat? Susuko ka na lang ba?