Paano ko ba sisimulan to? Hayaan nyo muna akong mag labas ng feels.
Umabot na tayo ng apat na taon at sa apat na taon na yun sobrang dami na ang nangyari. Sa mga hindi nag tatanong overdose era ko minahal ang gheis, naiinis ako sa sarili ko nun dahil kung bakit hindi ko agad sila minahal nung unang pag labas pa lang nila sa stage. Sa iba hindi mahalaga yun kung anong era nila minahal ang exo dahil ang mahalaga yung kasalukuyan pero sakin gusto kong ibalik ang lahat sa 2012. E di sana, nakita ko sila ng dose.
Yung mga nakamove on na sa OT12, yung mga mag momove on pa lang, yung naabutan na ang OT11, OT10 at OT9 at yung stock pa din sa OT12. Hindi ko na naabutan nun si Kris sa exo pero hindi ibig sabihin non, i-nichapwera ko sya. Nabuo sila ng dose, exo pa rin sila.
Yung mga hindi matapos tapos na issues, hanga ako sa ibang exo ls na una pa lang at hanggang ngayon hindi iniwan ang exo, minsan nga naiisip ko na ayoko na maging exo l kasi masakit na pero sa huli babalik pa rin sa isipan ko na marami akong kakampi, hindi ko isusuko ang talong nila. Lalaban tayo hanggang sa huli, tama?!
Yung mga haters ng exo sana'y na ako dyan, hindi mawawala yan lalo na at gumagaling pa sila, slay ika nga! Pero ang hindi ko lang maintindihan yung mga ibang exo-ls na naging hater na ng exo ngayon dahil lang sa hindi pa alam na pag kakamali ng isang miyembro, yung tipong mas naniniwala pa ata sila sa 'rumor' at hindi sa iniidolo nila.
Aaminin ko, nag kamali din ako dahil jinudge ko agad si Jongin ng hindi ko pa alam ang buong storya, ang sakit lang makita na sumuko agad yung iba dahil sa issue na to. Bakit ganon? Paano na lang kung mas matindi pa dito yung issue? Iwanan na lang ganon? Hindi nyo ba alam na dito matetest ang isang pagiging exo-l? Sabagay hindi ko kayo masisisi dahil nasaktan kayo.
At dun sa KaiStal, hindi ko pa rin sila tanggap pero respetuhin na lang natin sila bilang tao kasi wala naman tayong magagawa kung totoo yun pero KAIDI pa din FTW!
**
Happy Anniversary gheis, wag kayong mag alala dahil mahal na mahal ko kayo at hindi namin kayo iiwan sa ere, haharapin natin to na mag kakasama. Walang iwanan brothers! We Are One hanggang huli. ❤❤
At ikaw na nag babasa nito, wag kang bibitaw ok? Keri natin to! Kung iniisip mong wala kang kasama pwes nandito ako, para saan pa at naging pamilya tayo? I love you :* /niyakap ka/
12 BOYS, 1 BAND. E-X-O
-juicesa