See You Again

290 29 16
                                    

"Congratulations EXO!"

Hindi mag kamayaw ang fans dahil sa tropeyong natanggap ng idolo nila, sulit ang puyat nila sa pag boto, nawalan man ng tatlong miyembro pero hindi nila binigo ang grupo. Na kahit hindi na sila labindalawa sa mata nila pero alam naman nilang nanatiling buo sa puso ng bawat isa.

Pag karating sa dorm nag kukulitan ang EXO, pero napatigil iyon ng makitang tahimik si Sehun.

"Siguro mas masaya to kapag kumpleto tayo." ngumiti ito ng malungkot saka pinahidan ang luha, lumapit si Xiumin at niyakap ang maknae nya.

"Sese, ok lang yon. Ang mahalaga naipakita natin na kaya natin bumangon kahit may kulang at nasisigurado kong proud sila satin. Kaya wag ka ng malungkot ha?" pang chi-cheer up ni Xiumin, ngumiti naman si Sehun niyakap si Xiumin

"GROUP HUG DAW!" sigaw ni Chen at lumapit sa dalawa, lumapit din ang iba at nag group hug

"WE ARE ONE!" sigaw ng lahat at nag kayakapan muli

**
(Suho's POV)

Isang taon na ng isa isa silang nang iwan, may sarili na silang pinag kakaabalahan at sa isang taon na yon walang komunikasyon, pinangako ko sa sarili ko na kelangan kong maging matatag, kelangan kong ipakita sa kanila na malakas ako, pero mahirap din pala..

Naiisip kong baka napabayaan ko sila, na baka wala akong kwentang leader..

At nangangako ako na kapag nag tagpo ang landas namin, yayakapin ko sila at sasabihan ng we are one.

Sa dami rami na namin na napag daanan bakit kelangan may mang iwan? Sabi nila forever exo daw pero bakit nila kami binitawan? Napansin kong tumulo na naman ang luha ko, pinahidan ko iyon at malungkot na ngumiti.

Umalis man sila pero nandito pa rin sa puso ko ang mga salitang lagi kong natatandaan, galaxy, panda at manly. Yun ang mga simpleng salita na tumatak na sa isip ko

"Oy hyung, anong drama yan?" Napatingin ako kay Sehun na may dalang unan.

"Nag papahangin lang, matulog ka na nga at maaga pa tayo bukas." sagot ko pero tumabi sya sakin.

"Kamusta na kaya sila, hyung? Nag kakasakit pa kaya sila? Miss ko na silang tatlo. Kelan kaya sila babalik?" sunod sunod na tanong nya, tumingin ako sa kanya na umiiyak ulit. Niyakap ko sya ng sobrang higpit.

"Miss ko na yung bestfriend ko, yung tatay ng exo at yung mahal ko.. Miss k-ko na sila..." dagdag pa nya, narinig ko ang mahinang hikbi nya

"Ssshh. Magiging ayos din ang lahat, kaya natin to.." pang alo ko pa, tumango sya at niyakap ako

"Ang h-hirap kasi h-hyung... Ang hirap maging masaya sa harap ng fans, ang hirap ngumiti kapag kulang..." tahimik akong umiiyak habang sinasabi nya yon. Hindi na lamang ako nag salita at mas hinigpitan ko pa ang yakap

**

"Boys! Guest kayo mamaya sa isang tv show! Basta kapag tinanong kayo ng kung ano ano isagot nyo lang kung ano yung nasa puso nyo, k? Mag ayos na kayo!" bungad ni Manager hyung, todo reklamo naman ang iba

"Manager hyung naman! Wala man lang bang 'Good Morning' dyan? Yan agad?!" pang aasar ni Chanyeol.

"Good Morning EXO!" masiglang bati nito at ngumiti ng peke, napatawa naman kami sa inasal nya

"Oh sya, maligo na kayo! Mga amoy laway!" nandidiring sabi ni hyung, nag katinginan si Chanyeol, Baek at Chen. Nako, ang mga lokong to may binabalak na naman. Niyakap nila si Manager hyung, napatingin kami kay hyung na inaalis ang yakap ng tatlo, tumawa kami at niyakap din namin si hyung

See You Again (EXO OT12 FF.) OneshotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon