1 - rewind..

51 1 0
                                    

Hi! Ako nga pala si Christianne Gonzales. Yan nalang for short. 16 :) College frosh ako sa asdf university, taking up BS in Accountancy.

Well bakit nga ba eto kinuha kong course. wala eh, mapilit parents ko eh, HAHA minsan nakakasakal, pero okay lang naman. Para sakin din naman to. Tsaka kayang kaya ko to! Yanyan yan eh! :)

Let me tell you about my lovelife..

*wooosh*

Second year highschool ako nun, curious at napaka likot ng imagination. First time may nanligaw sakin. Akalain mo yun?! Sa mukha kong 'to, may nagkagusto!

Nagsimula sa asaran, hanggang sa ayun na nga.. nagkamabutihan kami ni Gabriel Jimenez. Si Gab, di siya gwapo. Di rin mabait. Nagyoyosi, palainom. Ewan ko ba kung bakit ko siya sinagot noon. Siguro kasi napaka sweet nya sa texts and masyado ako nafall dahil na din sa simpleng pang aasar ng tropa samin. Three months din kaming nagtagal..

Hanggang sa isang araw.......

"Yang punta ka sa bahay.."

"Huh? Ayoko.. ahh may gnagawa kasi ako.."

"Ganyan ka naman :("

"Yam naman eh.."

"Ano pupunta ka ba o hindi?"

"Di din ako papayagan."

"Sus, ge."

"Wag ka na magalit :("

Di siya nagrereply. Kinukulit ko siya nun tapos biglang bungad sakin kinabukasan eto...

"Break na tayo."

Di ko na siya tinangkang replyan noon. Napakababaw niya! Umiyak ako nun. Tanga eh. Nafeel ko na din na pinalaki niya lang yung argument, na di ko sya pinagbibigyan and some lame ass excuses.

Tapos guess what? Kinabukasan meron na siyang iba.. Yung babaeng pinagseselosan ko pa. Ang sakit nun, double kill. Lalo pa't magkaklase kami ni Gab. Lower year samin yung pinalit niya sakin, si Lyssa. Maganda siya, madaming naghahabol. At ayon, madaming nasayangan nung kay Gab siya napunta. Dun ko naramdaman yung saklap ng first love. Nagalit din ako sa mga tropa kong lalaki nun kasi wala manlang silang sinabi tungkol sa girl na yun na nililigawan nya pala nung kami pa.

Lumipas ang isang linggo. As in napaka awkward namin sa room. Kami kasi yung maingay and with that tension napaka tahimik namin. Hanggang sa isang araw, recess, kinuha ko yung yan yan niya sa table naming magkakaklase at kinain ko. Medyo nagalit siya pero sinamaan ko lang ng tingin sabay tawa. At un, nagsorry siya nung uwian sa ginawa niya at pinatawad ko na siya kahit ang sakit para sakin nung ginawa niya.

Eventually nakamove on din ako..Dumaan ang emo days... Happy days... at lumipas ang isang taon...

Nanligaw naman sakin yung bestfriend niyang si Kyle. Balita ko nun nagalit daw siya kay Gab dahil sa ginawa sakin. Di ako naniwala kasi baka bali-balita lang yon.

TEXT

K: Hello!

Y: Sino to?

K: Si Kyle! Sorry ha kinulit ko sila Moy para sa number mo. :)

Y: ayy hello! okay lang :)

K: Uh.. Kumusta ka?

Y: ayos naman..

Lumipas ang mga araw, madalas na kami nagkakatext tapos ayon na... Nanligaw na siya.

Nung una di ko alam na nanliligaw na pala siya kasi as in napaka torpe niya at na mis interpret ko yun as pinapagtripan lang ako kasi mas sweet siya sa texts...

May pagkabad boy din siya pero unti unti siyang nagbago.. Pinakilala niya ako sa parents niya.. Tuwang tuwa sila dahil nabago ko daw si Kyle. Ang sarap sa feeling ng ganun. <3

September 15, 2012, sinagot ko si Kyle Santiago.

April 13,2013 nung nagbreak kami..

Bakit? The first few months okay kami, masaya and all.. Pero bumalik siya sa Kyle na bad boy, and even worse, babaero. Halos araw-araw nag aaway kami. Walang linggo na nadaan na wala kaming misunderstandings. At eto pa! Tuwing magkaaway kami tinatawagan niya at basically nilalandi yung bestfriend niyang girl na balita ko long time crush niya. Nagising ako isang araw sa katotohanan na hindi na siya yung Kyle na minahal ko. He was a completely different person. Pinili kong i-break siya nung araw na yun. BOOM Second kill.

Ang masaklap? Niligawan niya yung girl, si Bianca. Pero di siya pinayagan. Buti nga sakanya! Mangilang beses na din siya nagtangkang balikan ako pero I always refused. I gave him enough chances and he chose to betray me. ouch.

At ayon nga, nung Fourth year HS na ako, pinromise ko na HINDI ako magboboyfriend at nagsimula akong mahalin ang sarili ko. Nag ayos ako kahit papano. Konting lipbalm, pahid pahid ng cream para mawala pimples, suklay at pulbo pag may time. May mga nakapansin na gumanda ako. Di ko alam kung pangbobola ba yun but I've never felt beautiful in my life. Ever.

At muling nagparamdam si Gab. Lumipat kasi siya ng school nun nag fourth year kami at paminsan minsan dumadalaw siya sa school para kay Lyssa pero sinabi sakin ng reliable source ko na si Moy na hindi daw si L ang pinunta niya dun kundi ako. Tinext niya ako nung uwian na namin, hinahanap ako. At pinuntahan niya kaming magbebestfriend sa tambayan pagtapos niya hatid si Lyssa.

Mag S.o daw kami habang sila pa ni Lyssa. Secret on. Napa-WTF ako nun at nagalit ng sobra sakanya pero ang ginawa ko? Nginitian ko siya at i simply said, No.

Nagkaproblems si Lyssa sa section niya noon, binilin ni Gab sa bestfriend kong si Ria na isama daw namin si L para naman hindi siya mukhang kawawa. Tinanong ako ni Ria kung okay sakin, and syempre okay na okay yon! The more the merrier, right? Kinupkop naming magtotropa si Lyssa nun, and we all became great friends. Tumagal din sila ni Lyssa ng 1 year and 11 months nung binreak ni Gab si Lyssa. Ako yung unang dumamay sakanya kasi alam ko yung feeling nun, at naging super close kami dahil sa mga pagsshare sa isa't isa. Ngayon, masaya si Lyssa sa mu niyang si Ivan. Masaya si Kyle sa nililigawan niyang si Ann at ako? Wala, masaya akong mag-isa :)

Now let's move on sa life ko as a College student :)

Flipped ♡Where stories live. Discover now