Hoy Hito!

3 3 0
                                    

"Hoy Catfish!" Tawag nya sa akin. Ayan na naman siya sa kakatawag sa akin ng catfish nakakainis na "Ewan ko sayo! Nakakabwisit ka!" inis kong sabi sa kanya. Sa ganda kong to tatawagin niya akong CATFISH? Eh hindi naman ako mukang CATFISH. Bwiset talaga tong lalaking to kung hindi ko lang talaga siya gusto eh. Oo gusto ko siya, matagal na sa panget niyang yan nagkagusto pa ko sa kanya. Nakakadiri diba? Hahahaha. "Muka ka talagang catfish" sabi niya sabay kurot sa pisngi ko "Kasing taba mo naman si Baymax!" sabi ko ayan ang pang asar ko sa kanya yung pagiging mataba niya, pero kahit chubby siya ang cute niya.

Nagsimula na ang klase at nagkaroon ng groupings hinati sa dalawa ang group kami ang first group at ako ang pinili nilang leader at sa second group naman ay sila BAYMAX at siya pa ang napiling leader. So it means kaming dalawa ang magdedebate. Magandang laban to, sa wakas magagantihan ko din siya sa kakatawag sa akin ng Catfish. Ang topic namin sa subject na Filipino ay "SINO ANG MAS NAGMAMAHAL BABAE BA O LALAKI?" Yan ang topic namin o diba ang ganda. Ako ang tatanggol sa babae at siya naman sa lalaki.

Hoy HITO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon