Baymax Confession

11 1 0
                                    

Uwian na namin ngayon. Hay nakaka stress tong araw na to . Bwisit na debate yan di man lang inanounce ng teacher namin kung sino nanalo sa debate bigla na lang kaming pinauwi. Kainis naman, nakakainis pa si Nikko kala mo naman may alam tungkol sa pagmamahal eh siya nga itong manhid. "Hoy Catfish!" Tss yan na naman siya sa tawag niya sa akin. Bahala nga siya diyan naiinis ako sa kanya ang manhid niya! "Catfish! Hito! Hoy Catfish! Hito!" Anak ng tokwa naman ang kulit niya stress ako ngayon bad mood pa wala akong time para makipag asaran. Naglalakad kami sa may hallway ng school at anak naman ni majinbu hanggang ngayon tinatawag niya parin ako nakakahiya siya shemay pinagtitinginan na kami ng estudyante pinagtatawanan pa ako ng iba. Ikaw ba naman tawaging hito! Bwisit isa na lang sasabog na ako. "Hoy Hito ano ayaw mamansin? Hito ka talaga eh! Ang pangit mo pa, hahahaha!" Pang-aasar niya sa akin. Napatingin ako sa mga estudyanteng nasa hallway pinagtatawanan nila ako! Bwisit na lalaking to. "Ano bang kailangan mo ha?" Sabi ko "Wala naman gusto lang kitang asarin. Hahahahaha!" Sabi niya na lalo pang nakapag asar sa akin. Ganan na ba siya kamanhid para hindi niya malaman na naiinis ako sa kanya? "Oh ngayon naasar mo na ako, masaya ka na ba?" Bwisit na to. Biglang siyang napatigil sa pagtawa ng nakita niyang seryoso ako "Galit ka ba sa akin catfish?" Anak ng Catfish naman! "Pwede ba! Tigilan mo na pagtawag sa akin na catfish dahil una sa lahat di ako mukang isda at lalong di ako mukang hito!" Sigaw ko sa kanya naiinis na ako ng sobra sa kanya kailan ba siya titigil sa pagtawag sa akin nan? Ilang taon na siyang ganan, lagi niya akong inaasar pinapabayaan ko na lang na asarin niya ako kase gusto ko siya, mahal ko na nga ata eh! Pero bwisit na Baboy to ang manhid niya sobra. "Pwede tumigil ka na nakakainis na eh" mahinang sabi ko sa kanya, nahihiya ako feeling ko napahiya ako dahil pinagtatawan ako ng iba naming schoolmates dahil sa lecheng tawag niya sa akin "Kailan ka ba titigil? Hindi ka na kase nakakatawa" sabi ko pa feeling ko iiyak na ko pinaghalo halong inis, galit at sakit ang nararamdaman ko ngayon. "Tumigil ka na please nakakahiya na eh." Sabi ko ulit. "Ayoko nga natutuwa pa akong asarin ka eh. Hahahaha!" Sagot niya sa akin. Doon na tuluyan tumulo luha ko napahiya na ako at ngayon pinagtatawanan ako ng mga schoolmates ko. "Ano masaya ka na ba? Naasar mo na ako! Napahiya mo na ako! Leche ka din eh bwiset! Sabi kong tigilan mo na eh! Nakakainis ka! Pinagtatawanan nila ako dahil sayo bwisit ka!" Iyak ako ng iyak habang sinasabi ko yan, napahiya na ako eh. "Elaine?" Sabi niya habang nakatungo. Napatingin ako sa kanya at nakatungo siya "Sorry elaine ha? Kaya lang naman kita tinatawag na Hito para pansinin mo ako, wala kase akong maisip na pang-asar sayo eh" sabi niya. Ha? Gusto niyang mapamsin ko siya? "Para mapansin kita?" Tanong ko sa kanya. "Gusto kase kita kaya kita inaasar na hito, mahal na nga kita eh. Sorry ha?" What the heck!? Ako mahal ni Nikko? Seryoso? Shet ang saya ko. "Bat ngayon mo lang inamin?" Tanong ko. "Naduduwag kase ako sayo. Tyaka alam ko namang imposibleng magustuhan mo ko eh. Ang taba ko kase, hindi ako yung tipo mo" waaaah shemay sobrang saya ko! Mahal niya ako! Emeghed. Kaso anong sabi niya imposibleng magustuhan ko siya? Leche ang manhid talaga. "Ikaw imposibleng magustuhan ko? Nagjojoke ka ba? Kainis ang manhid mo pala no? Hoy Baymax mahal din kita matagal na!"

The End.

Hoy HITO!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon