CHAPTER 17- AWAY?!

39 2 0
                                    

GELSIE's POV

"Hubby, di pa ba tayo uuwi? Gabi na ah? Ang workaholic mo naman!" Panu kasi? 9 pm na, pero andito parin kami sa office nya. Nagtatrabaho pa kasi sya eh. Pinauna na nya akong pauwiin kanina pero, ayoko.pinahatid na nya ako kina philip, greg, mike at nathan pero Mas gusto ko syang kasabay, kaya walang magagawa ang apat. "Why? Are you sleepy?" Tumango ako. Kanina pa ako hikab ng hikab dito di ba nya napansin?

"Come here......" pinakandong nya ako sa kanya at pinatong sa chest nya ang ulo ko. "Sleep. I'll wake you up kapag uuwi na tayo." Di na ako sumagot at pumikit nalang. Ang sakit na kasi talaga ng mga mata ko! Manuod ba naman ng manuod ng movie sa computer? Hay...

*******

Nagising ako ng hindi ako makahinga. Oh! My god! Habol habol ko ang hininga ko sabay hawak sa dibdib ko. Anong nangyari? Bat hindi ako makahinga kanina? Hindi naman ako binangongot ah! Ang ganda nga ng panaghinip ko eh! Hinahalikan daw ako ni hubby.hihihi! Enerbeyan!

"Now your awake." Tinignan ko sya na ngingisi ngisi lang sakin. Anyari dito? "Ok ka lang hubby? Bat nakangiti ka dyan?"

"Nothing." Then he kiss me on the lips.

*tok tok tok!

"Sino yun?" I looked at my watch. "11.59 pm na, may- wait!" Nanlaki ang mga mata ko ng tingnan ko ulit ang relo ko. 11.59 pm? Waaaah!! Sino ang kumatok? Baka momo yun!

" hubby! Baka momo yung kumatok! Mag tu-twelve na oh!" Tapos dinikit ko sa mukha nya ang relo ko na sakto namang tumapat sa 12 ang arrow. He just chuckled then pat my head. "Your really are crazy. Theres no ghost existing here." Lumapit sya sa pinto at binuksan ito. Bumungad sa amin ang apat na lalaking haggard na haggard ang mga mukha. Ano ang mga nangyari sa kanila?? Bat parang galing sila sa away?

"Boss, sinugod kami." Panimula ni nathan. Ano? Hindi ko maintindihan! Wait! Sinugod?! Baka sinugod ng multo! Waaaah!! Sabi ko na eh! Mat multo dito! Si hubby ayaw maniwala eh! "Where?" Cold na sabi ni hubby.


"Sa parkinglot, boss. Madami sila." Parkinglot?! Waaaah!! At madami!! Ayoko ng umuwi! Dun pupunta si hubby para kunin ang kotse eh. Magtaxi nalang kaya kami? Oo tama!


"Hubby, m-magtaxi nalang tayo. B-baka hindi nyu kayanin ang mga momo sa parkinglot eh. Huhuhuhu!! Ayokong makakita ng momo!" Nagtatakang tiningnan naman ako ng apat. Ang mga mata nilang nagsasabing..... what-are-you-talking-about-look.

"Ano pong sinasa-"hindi na natapos ni nathan ang itatanong nya ng tingnan sya ng matalim ni hubby. Huh? Anong nangyayari? " ahm.... ay oo nga pala! M-may momo sa parkinglot kaya magtataxi nalang tayo miss sie. He-he-he!"

"Wife... mauna kana sa bahay. May tatapusin lang ako. Magtaxi nalang kayo ni nathan." Ano?! Ayoko! "Ayoko hubby! Sabay nalang tayo please.." nagpapout na ako at lahat lahat pero...

"No. You need to go home first. Wait me here, ok?" Umiling iling ako. "Ayoko! Sayo ako sasama hubby eh!"

"Dont be stubborn, Gelsie! You need to go home first!" Nagulat ako ng sinigawan nya ako. Halos mapaupo ako sa sahig sa sobrang gulat. I cant bilieve he shouted at me. Yumuko nalang ako dahil feeling ko, anytime ay tutulo na ang luha ko. "Wife.... i didnt mean that....." yayakapin na sana nya aki ng umatras ako at tumingin sa direksyon ni nathan.

"Tara na nathan...." at lumabas na ako ng office nya. Ang sama nya. Gusto ko lang naman syang makasama eh. Hindi naman ako sasagabal sa tatapusin nya ah! Bat ayaw nya akong kasama? Nagsasawa na ba sya sakin? Huhuhuhu! Wag naman sana.


Sumakay na kami sa taxi para maka uwi. Hindi pa nakakalayo ang taxi ng lingunin ko ang Flaine corp. Nakunot ang noo ko ng may mga armadong lalaki ang pumasok dito at pinagbabaril ang mga guard. A-anong nangyayari?! Hubby!!

"Hubby!!" Sigaw ko sa loob ng taxi. Si hubby! Baka kung mapano! "Nathan! Bumalik tayo! May nakita akong mga goona na pumasok sa company! Waaaah!! Ang hubby ko!!"

Sobrang nagpapanic na ako sa loob ng taxi habang prenteng nakaupo lamang si nathan sa gilid ko. Aba't! Pinalo ko sya ng malakas sa braso.

"Aray ko naman miss sie! Masakit yun huh!" Reklamo nya sabay himas ng brasong pinalo ko. Tinignan ko sya ng matalim na ikina putla naman nya. "Sabi ko, bumalik tayo sa company! Dahil may mga goons na pumasok sa loob! Baka kung mapano sila nathan! Ano ba!"

"Kaya na ni boss yung mga yun! His a mafia-" huh? Hanudaw? Di ko narinig ang last eh. "Anong sabi mo ulit?"

"A-ah! W-wala miss sie! Sabi ko, h-hopia! Oo! Hopia lang sa kanya yung mga foons na yun! Hehe! " naalala ko dati, may baril din pala sya. Tinutok pa nga nya kay insan eh! Remember? "At saka hindi ka iiwan ni boss ng hindi nagpapaalam. Ano ka ba naman miss sie!" Tapos tinulak nya ako ng mahina sa braso. Nginitian ko na lamang sya. Sa ganoong paraan magiging magaan din ang kalooban ko.


Ano man ang kaylangan ng mga goons na yun sa company nina hubby, sana kunin nya nalang. Wag nya sanang saktan si hubby, dahil ibang usapan na yun. Ako ang makakalaban nila. Tandaan nila yan.

*************




MY HUSBAND IS A DEVILTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon