GELSIE's POV
"Jacob, siguro naman bukas hindi kana busy noh?" Sana naman sumagot sya ng hindi sya busy. Yayayain ko panaman sya makipagdate bukas. Malapit na kasi ang pasko peru di ko feel. Kasi naman eh! Wala man lang dicorations ang bahay. Gusto ko makipagdate para papabili ako ng christmas tree saka mga lights. Hihihi! Namiss ku ng mag decorates ng mga pang christmas decor eh. Tuwing x-mass kasi palaging ako ang nag aayos ng x-mass decor namin sa bahay namin ni insan. Tapos si insan naman ang taga bili.
"I have a lot of things to do. Why you asked?" Napasimangot naman ako sa sinabi nya. *pout! Talaga bang busy sya? Panu naku makakabili ng mga pang x-mass decor nyan? At saka Dec. 15 na bukas. At umpisa na ng simbang gabi. Peru panu ako makakasimbang gabi kung walang may gigising sakin? Si insan pa naman tagapag gising ko. " whats with the pout wife? " ayan nanaman sya sa paghila sakin para matulog sa napakalaki nyang bisig. Hehehe!!
"Kasi.... gusto kung makipagdate sayo eh. Pout para makabili ako ng pang x-mass decor para sa bahay." Nakapout kung paliwanag. Masanay na kayong kapag nabibigo ako sa mga gusto kung gawin, asahan nyu ng pa-pout talaga ako ng bongga.
"Ok. I'll just cancel all my meeting for our date. " bigla namang nagliwanag ang mukha ko. Ang kaninang mahaba kung nguso. Ngayun ay todo ngiti na. Talaga bang papayag na syang makipagdate? Waaaah!! Akala ko sesermonan nanaman ako nito eh! Di ko ine expect na papayag sya ng ganun ganun nalang.
" talaga hubby?! Payag ka na agad?" Tanong ko ulit. Baka kasi nagbibiro lang sya eh. Peru hindi talaga! Kasi Tumango talaga sya kaya..... " Waaaah!! Thank you hubby! Waaah!! I love you na talaga hubby ko! " pinag ki-kiss ko sya sa pisngi saka sa forehead nya para pasasalamat sa pagpayag nya. Grabe! Subrang saya ko talaga! Ewan ko kung baket peru.... naeexcite lang ako kasi magdedecorate na ulit ako ng x-mass tree. Hihihi!!
" stop k-kissing me wife!" Bawal na ba halikan ang asawa mo ngayun? Saka sa pisngi lang naman huh? "Matulog kana dahil maaga pa tayo bukas."
"Ahmmm.... hubby.... pede isa pang favor? Peru om-oo ka muna bago ko sabihin. Para sureness na agad. Heheheh!!"
"Spell it wife." Malumanay nyang sabi sakin. Panu ko ba sasabihin to? Baka kasi bigla nalang syang tatayo at papalabasin ako dito sa kwartong to eh.
"Pede pamasahe ng likod?... pleaseeee." Sabi ko saka sumobsob sa dibdib nya. Para kasing masarap matulog kapag may nagmamasahe sayo eh. Nakakarelax talaga. And as thesame time , nakakaantok kaya im sure na makakatulog ako sa pagmamasahe nya..
"Tsss... " sabi ko nga eh. Hindi talaga sya papa-
"Waaaah!! Sa likod naman hubby. Yung sa malapit sa batok. Sige na please." Hihihi! Panu kasi.... bigla nalang nya ako minasage. Natutulog parin ako sa arm nya ng naka tagilid. Tapos sya naman niyakap ako para mamasahe nya ang likod ko. Gets nyo ba? Ah basta ganun, nagyayakapan kaming dalawa period. Magkayakap kami in short. Kahit di nga ako makahinga kasi subrang higpit ng yakap nya eh. Peru ok lang. Atleast may libreng masahe ako. Hihihi! I just feel how he massage my back. Sanay na sanay ha? Sino pa kaya minasahe nito? Ang galing eh.
"Goodnight hubby." Last kung nasabi before akung makatulog. Tommorow will be a long day for our date. Sana wag syang sumpungin ng pagka masungit bukas.
***** december 15 ○○○○
Strech ng katawan, kusot ng mata, kapkap ng cp sa ilalim ng unan, magmulat saka tignan ang oras. 7:15. Ang aga pa. Matulog muna ulit ako. Pipikit na sana ako but my eyes widened nung nakita ko si jacob na papalabas ng cr...... waaaah! Ang aga pa nga naligo na sya! Di pa kaya bukas ang mga malls! Excited masyado tong lalaking to eh!
"Aalis na tayo jacob? Eh hindi panga siguro bukas yung mga mall eh." Tumingin naman sya sa direksyon ko. Alam kung asawa ko sya pero pede bang maglaway? Kasi nakaharap sya ngayun sakin eh..... ng naka twalya lang. Waaaah!! Bat ang laki ng katawan nya!! Tapos... tapos may 8 packs pa sya! Waaaah!! Tumungin naman ako sa ilalim. Yung sa parte na may twalya.. gaano kaya kahaba nit--- ayyyssshhhh!! Erase erase! Nagiging dirty minded nako. Ano bayan. Nilonok ko na lang ang nabuong urge sa isipan ko. Huhuhu! Bat naging ganito isip ko?
He just chuckled then umupo sa tabi ko. Ano ba sa tingin nyang ginagawa nya?! " m-magbihis kanga muna hubby." Peru imbis na sundin ako. Mas lalo pa syang lumapit sakin kaya napasandal ako sa headboard ng kama. Ano ba sa tingin nyang ginagawa nya? Tinaas ko naman ang comforter saka nagsalukbong ako. Yung hindi makita ang katawan ko. Tanging ulo lang ang lalabas. Naninigurado lang ho.
"Pffft... what are you doing wife? Get out of that stupid comforter. I have something to tell you." Natawa naman tong si jacob. Kay agaaga eh. Lumabas nalang akong comforter. Peru di parin ako lumalapit sa kanya ha. Hmmm... lamna.
" m-magbihis ka na nga. Ano ba hubby." Ngumiti ngiti lang sya kaya ngumuso ako. Nangbibisit ba sya? Hay nako.
" hahahha!! Your cute when your blushing wife." He then pinch my nose. "Awww! Ano ba hubby! Masakit yun ha!" Tinampal ko ang kamay nya para tigilan na nya ang pag pinch sa ilong ko. Huhuhu! Sakit ng ilong ko promis!
" ok.ok. hahaha... i just wanna tell you na, may pupuntahan ako..." nalungkot naman ako sa sinabi nya. Akala ko ba pinakansel nya na lahat ng works nya today para sa date? Huhuhuhu!! Once a bussiness man. Its always a bussiness man talaga. "But dont worry wife. After this meeting.... babalik agad ako for our date. Ok? " babalik agad? It means matutuloy talaga ang date namin?! Waaaah!! "Talaga jacob? Di mo icacansel ang date natin? Magdidate parin tayo? " tumango naman sya bilang pagsagot. Waaaah! Kala ko icacansel na eh. Thanks god!
"Magprepare kana. Pagkatapos ng meeting ko, susunduin kita dito, ok?" I just nod to him for an answer. Tumalikod na sya para makapag bihis na sya. Hihintayin ko nalang sya dito. Sabi nya mabilis lang daw sya dun eh.
After 6 hours of waiting......
Asan na ba si jacob? Sabi nya mabilis lang sya eh! 1 pm na. Dadating pa ba sya? Sana man lang sinabi nyang nag extend ng ilang oras ang meeting diba? Di sana di ako natunganga dito!
*krruuuu kruu!
Di sana di ako nagugutom dito. Pout
Maluluto na nga lang ako ng kakainin ko! Ayoko na! Di ko nalang sya hihintayin! Mag mo-mall nalang akong mag isa ko kaysa hintayin ko sya hanggang sa pumuti na ang mga mata ko dito. Buong buhay ko, ngayun lang ako nainis ng ganito. Sana naman wag syang paasa no! Kakainis na sya ha! Binilisan ko nalang ang pagkain saka pumunta ng mall. Naglibot libot lang naman ako eh. Hinanap ko narin ang HANDYMAN na shop para doon makapag bili ng mga gamit lutuin. Sunod kung pinuntahan ay ang bilihan ng x-mass lights at saka x-mass tree.
Binayaran ko na ang mga pinagbili ko saka....... "hala! Panu ko bibitbitin tong mataas na x-mass tree saka mga lights? Huhuhuhu!!" Tang ko talaga! Bat di ako nagdala ng maid eh! Huhhhu!! Ay! Wala pala kaming maid. Hehehe "Ahmm... miss, pede bang iwan muna ang mga pinagbili ko dito? Maghahanap lang po ako ng magbubuhat." Pakiusap ko dun sa cashier ng shop. Tumango naman sya kaya umalis na ako para maghanap ng maghubuhat. Babayaran ko nalang ang labor.
Habang naglalakad ay nahagip ng paningin ko ang dalawang taong masayang nagkekwentuhan sa isang restaurant dito sa loob ng mall. Sa ngiti palang ng babae, alam mo ng ang saya nila. They are like couples that exclusively dating.....
Yeah..... DATE.... yung hiningi ko na hindi nya natupad. Yung hiningi ko na sa iba ko nakita.
HIM. SMILING INFRONT OF ANOTHER GIRL.
Maybe it hurts. But who am i para mag eskandalo diba? I feel my eyes are now blurring. Am i crying? Maybe.... sino ba naman ang hindi kung ang rason eh ang nakikita mo?
Jacob's laughting while talking to another woman.
******
OUCHY!!
BINABASA MO ANG
MY HUSBAND IS A DEVIL
AçãoMA-ABS POGI MATALINO MAYAMAN at....... MASAMA ANG UGALI.. Pumapatay ng tao... Magnanakaw ng pera ng iba.. at higit sa lahat..... sa kanya mo lang matitikman ang parusang kahit kailan ay, hindi mo hihilinging mangyari sayu. peru panu kung isang araw...