08:46 pm
Samuel: Hyung!
BlueSon: Uy, pogi!
Samuel: Eh? Bat ganyan name mo?
Samuel: Ano bang totoo mong pangalan?
BlueSon: Blue Nelson! Kaya ganyan
BlueSon: Grabe ka ha! Ilang beses mo na akong nakausap sa personal pero hindi mo pa rin alam ang pangalan ko!
Samuel: Bakit hindi nalang Blue?
BlueSon: Sa dummy account ko yun, yung para lang kay Sam. Ganun din naman si Red.
Samuel: Ah haha
BlueSon: Bat ka nga pala napachat?
Samuel: Ayun. Itatanong ko lang kasi sana yung do's and don'ts kay Sam, tapos pwedeng kwentuhan mo na rin ako hehe
BlueSon: Ok
BlueSon: First stand, ayaw na ayaw niya sa makulit.
Samuel: Ha??
Samuel: Hindi ko ata kaya yan
Samuel: Emo lang ako sa personal pero walanghiya talaga ako sa chat
BlueSon: Edi ikaw na ang bahalang maghandle niyan. Basta sana lang di ka mablock ni Sam sa kakulitan mo HAHA
BlueSon: Ang ginagamit niyang punctuation mark lagi ay tuldok. Mapatanong man yan o kapag galit siya, tuldok pa rin.
BlueSon: Question mark kapag sobrang curious niya at exclamation point kapag galit na siya
BlueSon: Kapag naka-all caps na siya... paktay ka na.
Samuel: Oo! Nasample-an na ako ni Sam at sa tingin ko kaya ko naman siyang ihandle :D
Samuel: Ano pa, hyung?
BlueSon: Alam mo naman sigurong lagi lang siyang nakapoker face di ba?
Samuel: Oo. Stalker ako e HAHAHA
BlueSon: Er. Nga pala, bawas-bawasan mo yang pagkacreepy mo at sobrang nabubwisit siya
Samuel: Ayoko. Para lagi niya akong maalala
BlueSon: At para lagi rin siya bwisit sayo, ganon?
Samuel: Kaya ko to, hyung! Kwentuhan mo nalang ako hahahaha
BlueSon: Ngumingiti lang si Sam kapag sobrang saya niya. Umiiyak lang siya kapag sobrang lungkot niya
BlueSon: At shet, eto. Hindi mo siya gustong makitang ngumisi dahil alam mo ba ang signature smirk ni Sam ay malapit na sa ngisi ng isang
Samuel: Isang????????????
BlueSon: Serial killer!!!!!!!!
BlueSon: Bye na nga muna! Magdedate pa kami ni Red HAHAHA
Samuel: Okay! Gumamit kayo proteksiyon ha! ;))))
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Short Story"laro tayo, taguan ng feelings." [ runaway chat series #01. ]