06:53 pm
Blue: SAM ANG BOBO MO
Sam: Tangina gandang bungad.
Blue: E KASI NAMAN
Blue: OK KALMA
Blue: AKO LANG NAKAKAINTINDI SA SARILI KO NGAYON
Blue: FIRST STAND, MATALINO KA PERO MAY KABOBOHAN DING TAGLAY
Blue: AT TANGA
Sam: Alam mo kung di lang kita kaibigan matagal na kitang binalibag sa pader.
Blue: Ok kalma na talaga
Blue: Sam, anong grado ng mga mata mo?
Sam: 40/30 ata.
Blue: Ayun. Yun ata yun.
Sam: Bakit ba.
Blue: Yung sinabihan ka ng pangit! Basta yung nanreject sayo 3 years ago sigurado ka bang si Samuel Argent yun?!
Sam: Oo.
Blue: Paano mo nasabi??
Blue: Crush mo siya pero hindi mo siya matingnan. Sa malayo mo lang siya sinusulyapan pero sobrang bilis pa nun
Blue: Kakaiba ka rin magkacrush eh. Di mo inaalam facial features niya basta ang alam mo lang crush mo siya
Blue: Kaya nga nagtataka ako kung paano mo ba nasabing si Samuel yun
Sam: Siguradong sigurado akong siya yun.
Sam: Siguro mas lumalim lang yung boses niya pero sigurado akong siya talaga yun.
Blue: Ano pa?
Sam: Mahaba yung bangs ko dati diba, kaya hindi ko rin siya maaninag masyado. Yung mata niya natatakpan din kasi medyo mahaba rin yung buhok niya.
Sam: Pero nakita ko yung ilong niya. Matangos na medyo malaki. May natural pinkish lips.
Sam: Tapos matangkad din.
Blue: Never mong naisip na baka hindi pala siya yun?
Sam: Ano bang gusto mong iparating?
Blue: Nagresearch kasi ako. Simula nung nalaman kong si Samuel pala yung 'nanreject' sayo
Blue: Kasi hindi talaga ako naniniwalang siya yung tinutukoy mong lalaki
Blue: At may nakita ako
Sam: What?
Blue: Yung year ng lalaking yun, alam mo ba?
Sam: Shit.
Sam: Hindi ko rin pala alam.
Blue: O edi tanga ka nga.
Blue: Si Samuel ka-year mo lang, eh yung lalaking yun? Mamaya pala hindi kayo magka-year
Sam: Sabihin mo nalang yung mga nalaman mo.
Blue: Samuel Sy, 2nd year sa Maximeron College. Gwapo. Joker. Playboy. Matangkad. Matangos at medyo malaki ang ilong. Natural pinkish lips.
Blue: Sam kung hindi ako nagkakamali, yung nanreject sayo noon, si Samuel SY, at hindi si Samuel ARGENT.
Blue: Bat ba kasi parehas pa sila ng pangalan kaloka
Sam: Blue
Sam: Ibigay mo sakin yung link ni Sy.
Blue: http://samuel.sy-yeah.fcbk.com
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Short Story"laro tayo, taguan ng feelings." [ runaway chat series #01. ]