TH #5

63 8 1
                                    


Truth Hurts:

"Magmovie marathon tayo!" Aya sayo ng mga kaibigan mo. At dahil first time mong gumala at Magmovie marathon, pumayag kang sumama.

Pagkabukas na, hinanda mo na ang sarili mo. maaga pa masyado. Nagpaganda ka na at lahat-lahat. Tapos pinatay at kinatay mo pa ang baboy mong ilang dekada nang kumakain ng pera mo.

Nagpaalam ka sa nanay mo na late uuwi. Kahit na hindi ka pinayagan, nagdabog ka paring umalis. Naghintay ka pa ng ilang oras bago makasakay. Hanggang nasabit kayo sa traffic.

Halos hindi ka magkandaugaga nang makarating ka sa sinehan. Pero nakita mong, ikaw pa pala ang nauna.

Naghintay ka na naman Hanggang ilang oras na silang late sa napagusapang time.

Then may nagtext.

Ang Sabi, "Friend sorry. Hindi raw matutuloy ang lakad. May party kasi kaming aattendan ngayon. Tinatawagan kita pero cannot be reached ka."

And with that, gumuho ang mundo mo. Tapos nakagawa ka ng haka hakang "pinagpalit ka ng mga kaibigan mo sa isang walang kwentang party".

👊👊👊

Truth HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon