TH #7

78 7 4
                                    


Truth Hurts:

Alam mo yung feeling na parang wala kang kaibigan sa mundo? Hindi ka close sa parents mo. At hindi ka din close sa mga friends mo. Dahil sa isipan mo, pilit mong isinasaksak ang isang pangamba na walang nakakaintindi sa iyo. Dahil Hindi nila alam ang problema mo.

Parati ka nalang nilang jina-judge kahit Hindi nila alam ang totoong nangyari. Jina-judge ka nalang nila kahit Hindi mo pa talaga nasasabi sa kanila ang side mo.

Isang araw, naisip mong "diba dapat ang pamilya ang unang makakainitindi sa iyo? Ang mga kaibigan ang magkokomfort sa iyo? Pero bakit wala sila kung kelan kailangan mo ng kakampi. Wala sila kung kelan mo kelangan. At wala sila kung kelan nahihirapan ka na.

Parati mo nalang naiisip hanggang di mo namamalayang umiiyak ka na. Feeling mo kasi, walang nagmamahal at nakakaalala sa iyo.

Hindi nila alam. Hindi nila alam kung gaano kasakit ang nararamdaman mo. Kung may problema ka like school, family or even lovelife problema, palagi nalang ikaw yung parating komokomfort sa sarili mo at palagi ka nalang nagpapakatatag para Hindi matibag.

Sabi nila, Dadating daw ang araw na masosulusyonan natin ang lahat ng problema Pero para sa iyo, malabong malabo nang mangyari iyong araw na yun. Oo Baka mangyari kung nabubuhay ka pa Pero ang masakit, pwedeng mangyari pag wala ka na.

Natanong ko sa sarili ko, "ano kaya ang magiging reaksyon nila kung patay na ako? Would they still remember my name? Would they still remember my face?"

Alone. Yan ang mga taong kagaya ng author na toh.

So sa mga oras ngayon, sana matuto kang umasa sa isang maliit na pursyento na sana man lang, maging masaya ka din paminsan-minsan.

At sana, mayroong taong makaalala at makaunawa sa akin.. Na sana, bago mawala ako sa daigdig natoh, maramdaman ko man lang ang tunay na kaligayahan ng isang tao.

*

*

*(base sa pinagdadaan ng writer)

Truth HurtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon