Start of Classes

5 0 0
                                    

Xia's POV

HAY. Pasukan nanaman. Kaya ayoko ng June e. It's been a month after nung encounter namin ni Adrian na actually? Gusto ko na lang kalimutan.

"BEEEEEEESSSSSSST!"

Napalingon ako sa likod ko nung marinig ko ang sumigaw na yun at nakita ko si Dane na papunta sa kung saan ako nakatayo.

"Dane, makasigaw ka naman. Para talagang megaphone yang bibig mo. Tsss."

"Sungit naman neto! Ayaw mo yun nagising ka sa aking sigaw? Hehe."

"Whatever. Halika ka na nga!" and with that naglakad na kaming dalawa papunta sa room namin ng bigla kong mapansing ang daming babaeng nagkakagulo sa may hallway ng room namin. Hay, ano nanaman ba to?

"Gooooosh! Ang cutie ni Kuya! Waaaaah!"

"So hot!"

"Thank you Lord at sa wakas nagbigay ka rin ng pagpapala!"

"Waaaaaah!"

Yan lang naman ang mga nakakabingeng sigaw ng babae kong kakaklase habang nakatingin sa isang room sa may hallway na ngayon ko lang realize ay mismong room namin. Hay kung mamalasin ka nga naman talaga.

"Excuse me, Miss. Padaan."

"Ano ba! Can't you see na were busy here?!" Sabi ng babaeng nakikipagsiksikan din sa crowd na ngayon ay iritang irita sa akin dahil inabala ko sya sa pagkakatitig nya sa isang lalaki mula sa room namin.

"Ay sorry ha? Room kasi namin yan. Pasensya na ha? Kahiya e." Di ko na napigilan ang inis ko at ayan na nga lumabas na ang taray powers ko. Napanganga yung babae nung marinig nya akong nagtaray. Kailangan lang pala pakitaan tong mga to e! At dahil dun nakadaan na kami at ngayon ay nakapasok na ng room. Yeey!

"Best, infernes ha ang galing mo dun!" Amaze na amaze na sabi ni Dane sa akin. Habang papaupo na kami. "Kairita kasi yung mga babaeng yun. Nakakaabala na nga sya pa may ganang gumanun. Tsk."

"Well, not bad for a lady like you." Sabi ng lalaking nasa likod kaya napalingon ako sa kanya. "Excuse me?" Sabay taas ng kilay.
"Sabi ko, ang ganda mo." Sabay wink ng balahubas na lalaking ito. Akala ba nito gwapo sya?! Well, slight. Matangos ang ilong, moreno pero ang hot tignan- SHETE! ANO NA TONG PINAGSASABI KO?! napaiwas ako ng tingin sa lalaking balahubas na napatingin na sa may blackboard ulit at napansin nanaman ang mga babaeng nasa coridor namin na tumitigin na sa akin ngayon ng masama. Sabay tingin ulit sa may...

LIKOD KO?! Sya yung pinagtitilian nila?!!

Tsk. Eh mukhang babaero tyska mukhang walang magandang gagawin to e!

Sa sobrang dami kong iniisip di ko namalayan na nandyan na pala yung Homeroom teacher namin.

"Goodmorning Class. I'm Ms. Andrea Martinez and I will be your Homeroom teacher for this year."

At nagsimula nang magbulungan ang mga kalalakihan dahil di ko naman sila masisi dahil ang ganda and sexy ni Maam pero simple lang sya.

"Well, before I start my agenda for this day. Gusto ko munang iwelcome ang ating transferee. Please come here Mr. Buenavides."

At nagulat ako dahil si Mr. BALAHUBAS ang transferee kaya naman pala parang ngayon ko lang sya nakita dito pero bakit ganun? Parang nagkita na kami dati?

"Goodmorning to all. I'm Ethan Andrei Buenavides. Hope to be friends with you all." At sinabi nya yun ng nakangiti at..

NAKATINGIN SA AKIN?! Hay Xia. Nagiimagine ka lang ng mga bagay bagay! Ang hopia mo! Hays.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHEN HE CAMETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon