Intruder 1

6 1 0
                                    

Fate Intruder

Malapit na ko. Onting takbo na lang. Sana maabutan ko pa siya! Bakit ba kase naging half human pa ko? Haay.

"CUPID! SURPRISE!" Panggugulat ko sa kanya ng makita ko siyang nakaupo sa may terrace. Tinulak ko pa ng konti kaya muntikan pa siyang mahulog! Hihi.

"Ahh sh*t!" Binigyan niya ko ng deadliest glare bago magfocus sa kung anumang tinitingnan niya kanina. Now he looks frustrated.

"Oh! Magma-matchmake kana naman? Where's your arrow? Sakto pala ang timing ko!" Then i giggled. Sino na naman kaya ang dalawang taong pinagpala na magkaforever na?

I received another death glare. Then may tinuro siya sa di kalayuan. Mga 5kms away. And suddenly, realization hit me!

"Uh-oh. Wrong person?" Takang tanong ko sa kanya.

"Yes! And its because of you again Fate!" Ay inemphasize pa talaga yung again? How bad Cupid!

"Eh? Gotta goooooo!" Bago pa ko makatakbo, nahawakan na niya yung kwelyo ng damit ko. Argh! Perks of being a god. "Let me goooo Cupid!" I pout giving him a puppy eyed look.

"Not this time, Fate. I need to bring you to Mt. Olympus." Seryosong sabi niya saken.

"What? No waaay! Ayoko. Ayokong pumunta dun! Makikita ko na naman si Aphrodite tapos sa sobrang ganda niya maiinlove ako sa kan--" WTH! Bago ko pa matapos kung anuman yung sasabihin ko nagliwanag na ang paligid namin ni Cupid -_-

"Cupid, hindi pwedeng makarating dito si Fate. May dugong mortal pa rin siya. Maaari niyang ikamatay ang pagtapak dito sa Mt. Olympus." Narinig kong wika ng isang babae, probably Aphrodite, nang nasa midair na kami ni Cupid.

"Tss." Narinig ko na lang na sabi niya bago ako bumagsak sa lupa. Bastos na Kupido!

Napaisip na lang ako. Ilang soulmates na nga ba ang naudlot ang forever dahil sakin? Gano karaming tao na ba yung pinaghintay ko ng matagal? Ilan naba ang nagawan ko ng love triangle? This is really bad. Its a curse, for me.

Narinig ko namang bumuntong hininga si Cupid. I dont know what to say.

"Fate." Seryoso niyang tawag saken.

"Sorry." Sagot ko, habang nakatingin sa kawalan.

"Alam kong nahihirapan ka din. Pero wala tayong magagawa kasi ikaw ang Fate Intruder. Somehow may positive side ka, natututo silang maghintay at sa prosesong yun mas tumitibay yung bond ng pagiging soulmates nila."

Napangiti na lang ako. "Akala ko puro na lang negative side ko ang nakikita niyong mga God! Haay. Energy booster ka rin naman pala ano, Cupid?" Natatawa-tawa kong sabi sa kanya.

"Malamang ikaw din ang dahilan ng nangyari sa amin ni Psyche ano?" Tinapat niya sakin ang kaniyang bow at naglabas ng black arrow. Uh-oh!

"Hoy itago-tago mo nga yang black arrow na yan! Pag ako lang talaga tinamaan niyan at walang naging forever guguluhin ko kayo ng Psyche mo! FYI lang, hindi pa ko buhay nung kapanahunan ng pag-iibigan niyo ni Psyche!"  Yes, you read it right, black arrow means no lovelife at all! Hayup na Cupid to!

"Nasan pala ang mga kapatid mo? Bakit palaging ikaw ang nang-iistorbo sa akin?" Nakangisi niyang tanong.

"Aba, aba Kupido! Tanawin mong isang malaking karangalan na dinadalaw kita. Hindi katulad nung dalawang katriplets ko na mukha atang walang balak na tulungan ka."

"Mas kailangan ko si Fate Beginner at Fate Ender kesa sayo." Nang-aasar na sabi niya.

Triplets kami, yes.

Si Fate Beginner, as her name says, siya ang nagtatadhana ng magsoulmates. Siya din ang tagapangalaga ng book of soulmates. Sa kanya namin kinoconsult lahat since siya ang panganay.

Si Fate Ender naman, not literally ender ng tadhana, more like angel of death ang role niya. Siya ang may pinakaleast na gawain samin. Icoconsult niya kay Beginner kung pwede pa bang magkachance yung isang soul once na namatay yung partner niya. On the other side, ender din siya ng abusive relationships. Yung hindi na balance. Masyado ng kawawa yung isa. Siya ang may pinakamalambot ang puso saming tatlo, bunso eh.

Well, well, well, here goes me. Fate Intruder. Ako ang gitna saming triplets. Pinakatricky. I always test the patience of once soul. Ako ang magdidikta kung worth it ka ba para sa isang tao. Im the time watcher, if it is your time to be meant to be, ill support. Kaya wag niyo kong sisihin! Gusto ko lang perfect ang lahat. Si Cupid kasi pana lang ng pana eh. Hahaha. Pero since story ko naman to, sakin lang kayo magfocus! Bibigyan ko din naman ng time para sa spotlight yung dalawa kong sisterets.

Napatingin ako kay Cupid. Nakasalampak pa rin ako sa sahig that time. Nakatingin na naman siya sa malayo nang bigla niya akong nilingon.

"Congrats. Hindi na lang love triangle ang nagagawa mo fate, love square na. Level up eh?"

Napatayo ako. Akala ko ba wrong person lang ang nasa eksena kanina? Nagtataka kong tumingin kay Cupid, magsasalita sana ko pero walang lumabas na boses sa bibig ko. I ended shutting my mouth. And so Cupid explains.

"Tumingin ka sa coffee shop. Sa pinakacenter table, may makikita kang anim na babae. Kung nandun tayo malamang maririndi rin tayo sa ingay nila. Ngayon, ilipat mo yung tingin mo sa right side, dulo. Aliw na aliw siya sa kung anumang naririnig niyang pinag-uusapan sa loob ano? Abangan mo ang susunod na mangyayari."

At eto na nga, may lalaking pumasok sa coffee shop. Biglang lumamig yung paligid. Pacool tong lalaking to, halata mong bilib sa sarili at may pinagmamalaki. Gwapo eh. Ang yabang lang talaga ng aura niya. May nakabunggo pa siya na sinamaan nya ng tingin. Naririnig ko yung usapan sa loob, totoo ngang napakaingay nung mga babae na  tinuro saken ni Cupid. Happy go lucky.

"Uy Veronica! Bakit napipe kana dyan?" Tanong nung isang chubby na babae sa hindi ko alam kung kanino. Wala pang sumasagot eh.

"Tanga! Approaching 50 meters away si bebe niya!" Sabi naman nung chinita.

This time nakilala ko na kung sino yung Veronica sa kanila. Petite siya na babae na nakabrace. Binato niya ng tissue yung dalawa niyang kaibigan sabay sabi ng "eww". Akala ko lalapitan sila nung kapapasok pa lang na Mr. Nice Guy. Pero dumaan lang ito sa gilid ng table nila at dumiretso sa ...

Teka? Nakaharap yung lalaking nasa right side na nakaupo sa dulo sa mga babae kanina ah? Bakit ngayon nakatalikod na?!

"Kambal sila." Out of the blue na sabi ni Cupid.

"WHAT?!"

"Kambal. Pero walang nakakaalam. Kahit silang dalawa."

"Sinong minamatch-make mo kanina?" Hindi ko na napigilang itanong kay Cupid. Hindi ko pa kilala yung dalawang lalaki actually, but let's give it a try.

"Si Veronica at si Israel."

Geez. Who is who? Sa magkakambal. I need to solve this. Bago sakin ang case na to, love square. As what Cupid says, love triangle lang ang nagagawa ko dati which is an task. I dont even know how to start fixing things. Okay, kalma lang Fate Intruder. Let me pay my sisters a visit then.

**
hope you can all support this story of mine guys :) xoxo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 08, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fate IntruderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon