Umakyat ako ng hagdan hanggang sa maka abot ako sa roof top. Hindi ako maka hinga sa ginawa ko mula sa sa ika apat na palapag ay inakyat ko hanggang 20th floor. Siguro nga ay nababaliw na ako, mayro'n namang elevator pero hindi ko 'yon ginamit. Siguro nga ay gusto ko na lang talagang mamatay, gusto ko na lang tumakas sa lahat ng paghihirap ko. Binuksan ko ang pinto ng roof top kung saan tahimik, kung saan walang tao at kaya kong makapag isip ng taimtim. Kaya kong mag sisigaw ng walang makaka rinig sa akin, kaya kong ilabas lahat ng sama ng loob ko ng walang nakakaalam.
Dumungaw ako sa ibaba at tila nalula ako sa ginawa ko, na isipan kong isigaw lahat ng sakit at pag hihirap ko, baka sa paraang 'to mawala lahat-lahat ng pinagdadaanan ko.
"Sa dinami-dami ng tao bakit ako pa? Bakit ako pa ang na pili niyong lagyan ng ganitong sakit? Bakit 'di na lang ibang tao, o 'di kaya wala na lang! Nahihirapan na ako, hindi ko na alam ang gagawin ko sa sarili ko!" sigaw ko. Nilipad ang hospital gown ko nag hanap ako ng maari kong tungtungan para maka sampa ako sa dingding ng roof top, naisipan ko na lang nag mawala imbis na daingin ang sakit ko.
"Anong ginagawa mo?" sa gulat ko ay nalaglag ako sa tinungtungang upuan. Isang lalaking naka pang hospital din ang pumasok sa roof top. May dalang ipad at amplifier.
"Hindi ba obvious? Gusto ko ng mawala sa mundong 'to!" sigaw ko sa kaniya. Mukha naman siya iritado sa sinabi ko.
"Kung magpapakamatay ka mag hanap ka ng ibang roof top 'wag ka dito." Aba at ako pa ang pina alis niya e ako ang na una dito. Nilapitan ko siya dahil sa inis ko sa kaniya, naiinis na nga ako sa buhay ko dadagdag pa siya.
"Ikaw ang umalis dito!" para siyang walang na rinig at isinaksak ang amplifier sa kaniyang ipad, binuksan ang isang application ng drum set. Maya-maya pa ay bigla siyang tumugtog at umalingawngaw sa buong roof top ang ingay ng amplifier.
Napa hanga naman ako sa kaniya dahil mahirap ang tumugtog ng drums kung sa ipad mo lang ito titipahin. Nakinig ako sa bawat pag palo niya sa mga drums, habang sinasabayan niya ito ng kanta. Nawala sa isip ko ang planong tumalon sa roof top. Na sayahan ako sa pakikinig sa kaniyang ginagawa kaya umupo ako sa sahig malapit sa kaniya at pa tuloy siyang pinanunuod.
"Don't stare too much, I might melt." Ngumiti siya at ibinaba ang kaniyang ipad sa upuan. Nilapitan niya ako at umupo din ito sa tabi ko.
"Tss. Yabang." Pabulong kong sagot pero na rinig niya pa din 'ata.
"Nag sasabi lang naman ako ng totoo." Sabi pa nito. Napandin kong naka bonnet siya kahit na mainit naman dito sa roof top. Ayaw niya bang mainitan ang bunbunan niya. "Dustin Max nga pala." Inilahad niya ang kamay niya sa akin. Tinanggap ko naman ito.
"Joy." Pakilala ko sa akin sarili. Napa ngiwi naman siya ng ma rinig niya ang pangalan ko, bakit nakakagulat ba na pangalan ko ay Joy?
"Hindi bagay sa'yo." Tumawa siya binigyan ko naman siya masamang tingin. "Seryoso, tingnan mo nga 'yang mukha mo, mukha ka bang jolly hindi naman e." tumawa siyang ulit. Ay mali naman ng pinasukang hospital 'tong lalaking 'to, dapat ay sa mental siya.