Chapter 1 : Mysterious Explosion

28 0 0
                                    


                  \Sa bahay ni Airah /

Leonardo: Bilisan niyo na diyan baka mawala yung make-up ko. Mag-reretouch na naman ako.

Jojie: Sandali na lang ito. Tatapusin ko muna ang paglilipstick ko. 

(Biglang dumating si Menchie Lou)

Airah: (napatigil sa pagseselfie at tumingin kay Menchie Lou) Oh My God!

Menchie Lou: Oh! Ano? Okay ba? (umiikot at nag pose)

April Kaye: You look gorgeous tonight ate!

Menchie Lou: Did you like it?

April Kaye: No! I love it! :)

Keneth: Okay  naman. Sa susunod wag masyadong manipis yung kilay mo baka mawala na yan sa susunod.

(Tumatawa ang lahat)

Menchie Lou: Che! O sya, tayo na baka wala na ang mga gwapong lalaki dun. Excited na ako!

Joy-anne: Ako rin.

Alejane: Same here!

Jerlyn: Guys! Wait 3x! (kinuha ang phone) Mag groufie muna tayo guys before we leave.

              Yun na nga, nag groufie silang lahat at pagkatapos ay pumunta na sa party. Pagdating sa party ay pumunta muna sila sa CR para mag-retouch. Bago muna lahat ay ipinapakilala ko muna pala ang mga magbabarkada na sila Keneth, Airah, Jojie, Leonardo, Menchie Lou, Jerlyn, Bryle, Joy-anne, Brillance, Jasper, Dianna, Alejane, at ang pinakabunso sa kanila na si April Kaye.

\Sa Party/

    Ang party ay ginanap sa malaking stadium malapit sa isang malaking power plant.

(Tumutugtog ng malakas ang mga malalaking speaker)

Joy-anne: Alejane! Dianna! Samahan niyo ko. Bibili tayo ng beer!!

Dianna: Ha?! Ano?!! Hindi kita naririnig!!!!

Joy-anne: Sa----bi---ko--Bibi-----li---ta---yo---ng--Beer!! Ka---ya--sa--ma--han--nin--yo---ako!!!! (humihingal).

Alejane: Ibulong mo na lang sa amin!! (Sabay turo sa kanyang tenga)

Nagets naman agad ni Joy-anne at ibinulong niya sa dalawa ang kanyang sinabi nang biglang............

(Lumilindol ng malakas)

"Lumilindol" sigaw ni Jasper. "Dumapa kayong lahat!" malakas na tugon ni Brillance. Nagsilabasan ang lahat ng tao sa labas ng stadium maliban  sa magbabarkada. Unti-unting gumuho ang buong stadium at biglang nadaganan ng malaking bakal sina Bryle at Jasper.

Bryle: Guys!! Tulungan niyo kami!!!

Jasper: Tulong!! Ang paa ko!! Ahh!!

Jerlyn: Tulungan natin sila guys!!

Menchie Lou: Okay, sabay-sabay tayong magbuhat.

April Kaye: Ate! Kuya! Natatakot ako. (umiiyak at nanginginig sa takot)

Airah: Kumalma lang kayong lahat! Wag kayong matakot. All gonna be fine.

Keneth: Magbilang tayo in.....!!

Lahat: One........two.........threeeeeee!!!!

 Nagtulong-tulong silang lahat sa pagbuhat. Hindi pa rin nila nagawa kahit nagtulong-tulong pa silang lahatr. Ngunit may nakita si Jojie na isang malaking bato na umaapoy na parang meteor patungo sa malaking power plant na malapit sa stadium. At biglang....................

     (Boooooooggssssssssssssshhhhhhhhh!!!!!!!!!!!!!!Bbooooooooooooommmmmmmmmmm!!!!)

Sumabog ang power plant at kumalat ang radiation na may kasamang kulay green na energy force na nagdulot ng reaction kapag  na immune ito sa katawan. Ang radiation ay kumalat papunta sa stadium na kinalalagyan ng mga magbabarkada which is kasamang sumabog dahil malapit nga naman ito sa power plant.

Disciples of Justice (The New Generation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon