Unang tapak pa lang ni Joymae sa buhanginan ng Isla Montanilla, itinalaga na niya ang sarili na mananatili siya sa islang iyon, no matter what. Isla MONTANILLA is her ultimate dream to live in.Sariwang hangin, magandang kapaligiran, at tahimik na buhay.
Pero ang hindi kasama sa kanyang pangarap ay ang manatiling tauhan ng resort.
She wants something, iyon bang wala siyang gagawin paggising sa umaga kundi ang mamasyal sa tabing-dagat pagkatapos ng isang masarap na agahan sa terasa ng kanyang magandang bahay.
Pagkatapos ay walang pakialam sa mundong maglalangoy siya sa dagat ng paroo't parito, hanggang sa siya ay mapagod at magpapahinga na siya nang padapa sa dalampasigan habang nagsa-sunbathing.
At siyempre pa, kasama sa pangarap niya na may mga palad na hahaplos sa kanyang likod habang nilalagyan siya ng lotion upang hindi masunog ang kanyang maganda at malasutlang balat.
At ang palad na iyon ay ang palad ng lalaking kanyang pakakasalan, ng lalaking mayaman na pakakasal sa kanya at magbibigay ng kaginhawahan sa buhay at karangyaan.
Then, kapag nainip naman siya sa isla ay maglalambing siya rito at magyayayang magtu-tour around the world para siya malibang.
At siyempre pa, ang mga cute nilang anak ay may tig-iisang yaya kaya hindi niya poproblemahin ang mga ito kapag out of the country sila ng kanyang husband.Anyway, ang lalaking iyon ay puwedeng pinoy, pero mas maganda kung foreigner, para siguradong dollar ang hahawakan niyang pera.
Napahagikgik siya sa isiping iyon.Hay, ang sarap siguro nang mayaman.
Hindi ko kailangang magmadali sa paggising sa umaga, hindi ko kailangang -
"Joymae!"
"H-ha?" Maang napalingon siya sa may-ari ng tinig na tumawag sa kanya.
"O, Maryjoy, ikaw pala." Napangiti siya nang malingunan ang dalagitang malapit sa kanila ni Amara.
"Anong ginagawa mo rito sa tabing-dagat?" Naupo sa tabi ni Joymae ang dalagita habang hawak ang basket na puno ng sigay at kung anu-anong klaseng kabibe.
BINABASA MO ANG
AKALA KO MANHID KA
Teen FictionAng storya na ito ay kathang-isip lamang ni author. Ang ibang nakasulat dito ay may katotohanan at ang iba ay gawa gawa lamang :) Sana ma enjoy nyo ang story na to :)