"Galit?" Sabihin pa ay nagkabuhol ang mga kilay niya nang makabawi na siya sa pagkabigla sa kaguwapuhan nitong taglay.
"At bakit mo nasabing galit ako sa iyo?" Napatayo siya mula sa pagkakasalampak sa buhanginan at nakapamaywang na hinarap ito.
And to her surprise, ang tangkad pala nito. Nagmukha siyang unano sa taas na 5'3 dahil nangangawit ang leeg niya sa pagkakatingala rito.
Bakit ay nakatapak lang siya at hindi suot ang kanyang three inches high heel na tanging dahilan kung bakit nagmumukha siyang matangkad at sopistikada kapag nakauniporme siya.
"Ah, kasi'y nakatitig ka na sa akin habang palapit ang bangka ko sa dalampasigan, tapos ay ngitian mo ako, tapos ay walang lubay na sinimangutan," nakangiti pa rin nitong wika na tila nakakatoko.
"Ha? Nakatitig ako sa iyo? At nginitian kita,tapos ay sinimangutan?" Hindi yata niya matandaan na ginawa niya iyon.
"Oo. Kaya nga kita nilapitan, nagtataka kasi ako sa reaksiyon mo?"
"Ganoon?" Lalong nagkabuhol ang mga kilay niya. Oo nga at guwapo ito sa tunay na kahulugan ng salitang iyon, pero hindi nangangahulugan na aarte siya nang ganoon sa harap nito.
At anong akala ng lalaking ito, komo guwapo ito ay ngingiti na siya para mapansin nito!
Goodness!
Hindi yata niya pinangarap na mag-flirt sa isang...
sa isang kagaya nito na...
Ayaw sana niyang matahin ang itsura nito dahil sa nangungutim na sando, lumang pantalon, at bahagyang tan na balat, pero...
"Hoy, bulok na ang style mo, ha? Kung type mo ako at gustong makilala, sorry, you're not my type!"
"Type?" Sabihin pa ay napanganga ito.
"Naku Miss, hindi -"
"Puwede ba, excuse me! Naaabala mo ako sa pamamahinga ko!" Pagkawika niyon ay nakairap na naglakad siya palayo.
Napakamot na lang sa ulo ang lalaki at naiiling na nasundan siya ng tingin
BINABASA MO ANG
AKALA KO MANHID KA
Teen FictionAng storya na ito ay kathang-isip lamang ni author. Ang ibang nakasulat dito ay may katotohanan at ang iba ay gawa gawa lamang :) Sana ma enjoy nyo ang story na to :)