Naiiling na nahabol na lang ng tingin ni Joymae ang dalagita.
Hay, buti pa siya, ang simple lang ng pangarap, ang makabenta ng kuwintas at bracelet niya.
Samantalang ako, magdadalawang taon na sa islang ito, and yet, di pa rin makakilala ng mayamang lalaki na papakasal sa akin.
Kailan kaya siya darating?
Diretsong tumingin siya sa karagatan, tagus-tagusan ang tingin niya sa paparating na bangka na walang katig at sagwan lang ang ginagamit ng lalaking nakasakay.Siguro, dapat na talaga akong maging seryoso sa paghahanap ng lalaking iyon.
Baka tumanda akong dalaga kapag hindi pa ako kumilos.
Bahagya siyang napangiwi sa isiping iyon.
Hindi yata niya pinangarap iyon.
Oo nga pala, may bagong dating na foreigner galing Germany, iyong nasa Cottage-B.
Bukod sa guwapo na at bata paay mukhang big time.
Ano kaya kung magpapansin ako sa kanya? Wala sa loob na napangiti siya.
Ngiting na-capture ng lalaking nakasakay sa bangkang padaong sa dalampasigan.
Akala yata nito ay ito ang nginingitian ni Joymae kaya ngumiti rin ito at bahagya pang pinalamlam ang mga mata.
Pero baka naman mapagkamalan niya akong pokpok.
Napangiwi na naman siya sa naisip. Iyong isang foreigner na pinatsarmingan ko noon ay inalok ako ng fifty dollars para samahan siyang manood ng DVD na bold sa kanyang suite.
Aba, sampalin ko nga! Lalong napasimangot si Joymae sa naalalang mumunting pangyayari sa kanya sa islang iyon sa nakalipas na mahigit isang taon.
"Masyado ka kasing atribida, napaka-flirt mo pa," sisi ni Amara sa kanya noon nang malaman iyon.
"Ah, Miss?"
"H-ha?" Napatingala siya sa matangkad na lalaking nakatayo na ngayon sa harapan niya habang nakatunghay sa kanya.
"B-bakit?" Bahagya siyang nag-stammer.Why, the man is a real hunk. Ang lapad ng dibdib nitong bakat sa sandong nangungutim na hakab sa katawan nito. Labas ang namumutok na mga masel nito sa braso. And he's sexy sa suot na pantalong maong na nakatuping pataas hanggang sa tuhod. Nakatapak ito sa buhanginan kaya ang mabalahibong binti ay kinakapitan ng mga pinong buhangin.And goodness, he has that pearly white teeth kaya naman ang ganda ng ngiti nito.
"Ah, itatanong ko lang kasi kung galit ka saakin?" maginoong tanong nito.
BINABASA MO ANG
AKALA KO MANHID KA
Teen FictionAng storya na ito ay kathang-isip lamang ni author. Ang ibang nakasulat dito ay may katotohanan at ang iba ay gawa gawa lamang :) Sana ma enjoy nyo ang story na to :)